MAMA KO
KARIBAL KO
SONG: KAHIT NA ANONG SABIHIN NG IBA
(CHAPTER 6)
H A N S
No'ng tumalikod na siya at pumunta sa closet para kumuha ng damit, ay pumasok naman ako at inilapag ko sa kama niya ang tray na dala-dala ko.
"What's your problem?" mahinahong kong tanong.
Nakangising lumingon naman siya sa akin habang isinusuot niya ang damit na kinuha niya. "Talaga bang hindi mo alam? Akala ko ba galing ka sa America? Dapat matalino ka."
"Hindi basehan ng talino ang panghuhula sa damdamin ng isang tao."
Naglakad siya at kinuha niya ang nakabalot na canvas at kanya itong itinabi.
"Ikaw."
Natawa ako. "Ako? Bakit, anong kasalanan ko?"
"Sinira mo ang pamilya namin! Dahil sa 'yo kaya naghiwalay ang mga magulang ko!" singhal niya sa akin at masama niya akong tinitigan na parang leyon na anumang oras ay handa akong sakmalin.
"For your information... Matagal nang nagkakalabuan ang mga magulang mo, bago pa man kami nagkakilala." Hindi na ako nagulat sa pagbabago ng reaksiyon niya na naguguluhan.
"Lier!"
Ako naman tuloy ang napangisi. Sumandal ako sa dingding habang naka-cross ang mga braso. "Minsan ba... Kinamusta mo man lang ang Mama mo?" Sa tanong kong iyon ay lalo lang kumunot ang nuo niya. "Hindi mo alam 'no.. tsk! Tsk! Masalimuot ang pinagdaanan ni Jessica sa Papa mo. Alam ko iyon, dahil ako ang naging labasan ng mga sama ng loob ng Mama mo sa tuwing nag aaway sila ni Ricardo. Kaya nga—"
"—Stop it!—"
"—kaya nga naisipan ni Jessica na mag abroad. Dahil ang kapakanan mo na lang ang iniisip niya. May idea ka ba sa mga pinaggagawa ng Papa mo? Lulong siya sa bisyo niya. Sana maunawaan mo, na ang laki ng mga isinakripisyo ng Mama mo para sa 'yo."
Sandali namang namagitan sa amin ang katahimikan bago niya nakuhang muling magsalita. "Mahal mo ba talaga ang Mama ko? O baka naman... Ginagamit mo lang siya?!" May diin ang mga salitang sabi niya habang nakakuyom ang mga kamao.
Naglakad naman ako palapit sa kanya. Para naman hindi na siya mahirapan kung gusto man niyang sapakin ako sa mukha. "Mas mabuti pa... Kainin mo na ang mga pagkaing dinala ko para sa 'yo. Hindi na masarap 'yan kapag lumamig." Tinapik ko pa siya sa balikat niya bago humakbang palabas ng kwarto.
Pero muli akong tumingin sa kanya bago ko isinara ang pinto. Nakangiti ako dahil ipinapaalala ko sa kanya ang pangyayaring nasaksihan ko kagabi. "Don't masturbate too much. Lalo ka lang papayat niyan. Enjoy your meal!"
Natatawa akong bumalik sa kusina para maghugas ng mga plato. Pasipol-sipol pa ako habang pinupunasan ko ang basa kong kamay nang matapos akong maghugas.
Ngunit nawalan ako bigla ng balanse dahil pagtalikod ko sa lababo ay nagkabungguan naman kami ni Macoy. Dahil doon ay nalaglag sa sahig ang tray na hawak niya dahil katatapos niya lang kumain. Kaya bigla akong umupo para sana kunin ang mga nalaglag niya. Nang bigla akong napadaing sa tindi ng kirot na naramdaman ko sa tiyan ko. Nabanat siguro ang tahi ko dahil sa biglaan kong pagkilos.
BINABASA MO ANG
Mama Ko, Karibal Ko
RomanceWalang pag aalinlangan si Macoy na isa siyang straight dahil kailan man ay hindi siya nagka-interest sa kapwa lalaki. Pero nagbago ang lahat nang makilala niya si Hans. Ang boyfriend ng mama niya. Galit siya kay Hans noong una dahil para sa kanya, i...
