MAMA KO
KARIBAL KO
(CHAPTER 24)
M A C O Y
"What do you want to eat?" tanong ni Hans sa akin, habang inilalagay niya sa closet ko ang mga damit ko na kinuha niya sa maleta namin.
"Ahm... Wala akong ganang kumain, e. Ikaw na lang magluto ng para sa 'yo," sagot ko, habang ka-chat ko ang kaklase kong si Andy. Nasa school ito ngayon at hindi naman ako nakapasok dahil sa kababalik lang namin ngayon galing Singapore.
Isinara muna ni Hans ang closet ko bago siya humarap sa akin. "About sa sinabi mo sa akin kanina sa Airport..." Napahinto ako sa pagta-type at hinintay ang sunod niya pang sasabihin. "I'm sorry... Alam kong wala sa lugar ang pagseselos ko. Pero, hindi ko lang mapigilan ang emosyon ko dahil, kakaiba ang mga tingin sa 'yo ng Vince na 'yon, kaya alam kong may iba pa siyang motibo bukod sa pagkikipag-kaibigan."
"At anong ibang motibo ang ibig mong sabihin? Na may gusto siya sa akin?" diretsahan ko nang tanong.
"Gano'n na nga..." Gusto ko sanang sabihin sa kanya ang salitang 'You're unbelievable!' pero mas pinili ko na lang na mapailing.
"At ano naman ang tingin mo sa akin kung sakali mang totoo ang mga hinala mo?" Sa mga sinasabi niya kasi ay parang pinagmumukha niya akong mababaw at marupok.
"Bakit... M-may nararamdaman ka ba para sa kanya?"
"Ganyan pala kababaw ang tingin mo sa akin? Porque ba, agad akong bumigay sa 'yo, ay ganoon din ako kay Vince?"
Frustrated na naihilamos niya ang sariling kamay sa mukha nito.
"Hindi naman sa ganoon—"
"—anong hindi gano'n?! Hans, pinaghihinalaan mo ako!" hindi ko mapigilan ang magtaas ng boses at todo ang pigil ko sa sarili na hindi mapaiyak.
Lumapit naman siya at umupo din sa kamang kinauupoan ko.
"I'm sorry." Mabilis kong pinunasan ang nabasang mga pisngi ko at hinawakan niya ako sa isang balikat. "I'm just scared to lose you..."
"Hindi magwo-work ang relationship nating ito, kapag ganyan ka." Ang complicated na nga ng relationship namin. Ginagawa niya pang mas komplikado dahil sa pagseselos niya. "Wala kang tiwala sa akin."
"Of course, I trust you... But I don't trust that guy."
"Enough!" sigaw ko na ikinapikit niya. "Please... G-get out of my room. Now!" At hindi naman na siya nagsalita pa. Agad na nga siyang tumayo at naglakad palabas ng kwarto ko. And the moment my door was already close, my eyes got burst into tears.
M A B E T H
Pagkatapos kong ubusin ang isang bote ng beer at ilapag ito sa lamesa ay muli kong binuksan ang cellphone ko, na naging dahilan para tawanan ko ang sariling kong kahibangan. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin pinapalitan ang wallpaper ko na picture naming dalawa ni Macoy.
Tinitigan ko sa picture ang mukha ni Macoy na halatang pilit pa ang ngiti dito. Ngayon alam ko na kung bakit parang ilang siya lagi sa akin at parang napipilitan lang siyang samahan ako ay dahil hindi naman niya pala talaga ako mahal. Para akong isang tinapay na tinikman niya lang at binitawan kaagad dahil hindi niya pala gusto ang lasa.
BINABASA MO ANG
Mama Ko, Karibal Ko
RomanceWalang pag aalinlangan si Macoy na isa siyang straight dahil kailan man ay hindi siya nagka-interest sa kapwa lalaki. Pero nagbago ang lahat nang makilala niya si Hans. Ang boyfriend ng mama niya. Galit siya kay Hans noong una dahil para sa kanya, i...
