CHAPTER 27

737 15 0
                                        

MAMA KO
KARIBAL KO

(CHAPTER 27)

H A N S

"Bakit ako ang pinapaalis niyo?!" sigaw ni Recardo, nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sa akin habang dinuduro-duro ako. Pinunasan ko naman ang dugong tumulo sa ilong ko dahil sa mga natamo kong suntok niya. "Kung may dapat mang umalis dito, iyon ay ang hayop na lalaking 'yan, dahil sinira niya ang pamilya ko! Hindi lang ang asawa ko ang nilalandi niyan kun'di pati ang anak ko. Bakla!"

Ngayon ang mga mata ng dalawang guwardya at iba pang mga taong nakikiusyoso sa away namin ni Recardo ay mapanghusgang nakatingin sa akin. Nagbulungan pa talaga ang iba.

Mga chismosa...

"Totoo ba 'yon, Sir?" paninigurado pa nung Guard. Bagamat kung paano ako tingnan nito'y halata namang naniniwala siya sa sinabi ni Recardo.

Hindi pa ako nakakaranas nang ganito katinding pamamahiya sa harap ng maraming tao. Pero dahil pinasok ko na ang sitwasyong 'to, ay hindi dapat ako magpatinag. Handa kong ipaglaban ang pagmamahal ko para kay Macoy, ano man ang mangyari.

Magsasalita pa sana ako nang bigla namang sumingit ang Doctor.

"Ah, excuse me? Sino dito si Hans Samonte?" Agad naman akong nagtaas ng kamay sa tanong ng Doctor.

"Nagising na ang pasyente at hinahanap ka niya." Nagkatinginan pa kami ni Recardo, bago ako humakbang papasok ng ER. Ngunit mahigpit niyang hinawakan ang braso ko dahilan para tumigil ako sa paglalakad. Nanatili namang walang expression ang mukha ko, upang ipamukha din dito na hindi ako naaapektohan sa kanya at hindi ako natatakot sa kaya niyang gawin.

"Kinakalaban mo talaga ako, Hans 'no? Layuan mo ang mag ina ko. Dahil kung hindi—"

"—ano?" putol at dugtong ko sa sinasabi niya. "Papatayin mo ako?"

"If that's what your wish..." Ilang segundo pang tila espadang nagkiskisan ang mga matatalim na titig namin sa isa't isa. Bago niya ako pinakawalan.

Sa totoo lang, ay punong-puno ng mga pangamba ang puso ko. Ngayong alam na pala ni Recardo ang tungkol sa amin ng anak niya, ay mas lalong naging kumplikado ang lahat.

Pero kailangan kong tatagan ang loob ko. Hindi dapat mahalata ni Macoy, na napanghihinaan na ako ng loob. Wala pa kami sa kalagitnaan nang paglalakbay ng aming relasyon, kun'di ay nag-uumpisa pa lang.

Ngunit pagpasok ko sa loob ay mahimbing na natutulog na si Macoy. May oxygen mask ang bibig nito.

"Pasensya na Sir... Nakatulog po ulit siya, dahil kahit maayos na siya ay sobrang lanta pa rin ang katawan niya. Kailangan niya pa pong magpahinga." Pinilit ko namang ngumiti at tumango sa Nurse na nagsalita.

Nang iniwan na kami nito ay naluluha kong hinaplos ang mukha niya habang payapa siyang natutulog bago ko siya ginawaran ng halik sa kanyang nuo.

At nang ilang oras na ang lumipas ay hindi pa rin gumigising si Macoy. Kahit pa nang ilipat na siya ng kwarto ay hindi ako umalis sa tabi niya, hanggang sa lumalalim na nga ang gabi at hindi ko naman namalayang nakatulog na pala ako.

Nagising ako dahil sa marahang pagyugyog sa akin. Pagmulat ko ay nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Macoy, siya pala ang gumigising sa akin.

Mama Ko, Karibal Ko Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon