MAMA KO
KARIBAL KO
SONG: PALAGI BY TJ
(CHAPTER 22)
H A N S
Ang hindi alam ni Macoy bago pa man kami lumipad patungong Singapore ay may nakalatag na kaming surpresa para sa kanya. Kaya naman pagkaalis ko para bumili ng aming maiinom bilang excuse para makaalis at masimulan na ang aming plano, ay lakad at takbo na nga ang ginawa ko para puntahan ang mag-asawang Chang malapit sa entrance ng Universal Studio kung saan kami naroroon.
Dahil birthday na nga bukas ni Macoy ay naisipan naming dito na gawin ang surpresa para sa kanya.
Medyo hinihingal na ako nang makita ko na ang mag asawa na naghihintay sa akin. May dalang balons, confetti poppers, cake at ilang mga regalo ang mag asawa para kay Macoy.
"Oh, you're sweating a lot," ani Cedrick, ang daddy ni Vince, saka niya ako inabutan ng panyo na agad ko namang ipinunas sa pawisan kong nuo at leeg dahil sa kakatakbo.
"Thank you," pagpapasalamat ko naman na itinaas pa ang pinahiram niya sa aking panyo. "I will wash this first before returning this to you."
"It's okay, don't worry. Anyway, where are they?"
"In the hawker..."
"Uhmm... Did he notice you?" Agad naman akong umiling sa tanong na iyon ni Vinnie Chang, ang mommy ni Vince, na ang tinutukoy ay si Macoy.
"Nope," sagot ko.
"Okay, let's go." Pagmamadali ni Cedrick. Kinuha ko naman ang cake na bitbit niya bago ko sila iginiya patungo sa Hawker center.
Nang mga isang metro na lang ang layo namin kay Macoy na nakatalikod sa may gawi namin ay binuksan na nga ni Cedrick ang box ng cake habang hawak ko ito, at sinindihan naman kaagad ni Vinnie ang candle na nakatusok sa gitna ng cake.
Dahan-dahan pa kaming naglakad palapit sa kanila, at nang huminto kami ay saka lang pinasabog ng ina ni Vince ang hawak nitong confetti poppers na ikinagulat naman ni Macoy, napahawak pa ito sa kanyang dibdib at sabay-sabay kaming bumati sa kanya nang, "HAPPY BIRTHDAY MACOY!"
Nang makabawi sa pagkagulat ay tumayo na nga si Macoy at maluha-luha niya kaming nilingon. Nilapitan naman siya ni Jessica at niyakap at hinalikan nito sa pisngi ang anak.
"Happy birthday!"
"Oh my God... I'm speechless... You planned all this f-for me?" ang nasabi na lang ni Macoy matapos ang pagyakap sa kanya ni Jessica. How I hope I can hug him too right now.
"Yes, Bro!" natutuwang sagot naman ni Vince at parang bata na ginulo pa nito ang buhok ni Macoy.
To be honest, ay nagseselos ako sa closeness nung dalawa. Bakit pagdating kay Vince ay maganda ang naging pakikitungo ni Macoy kaagad dito kahit unang pagkikita pa lang nila, pero nung unang pagkikita namin ni Macoy ay sinusungitan na naman ako nito. Tsk!
Hindi ko tuloy maiwasang ikumpara ang sarili ko sa Vince na 'to... Oo, pogi siya... Pero pogi din naman ako, ah... At cute pa dahil sa malalalim kong mga dimples lalo na pagngumiti. Singkit nga siya pero mas maganda naman ang mga mata ko. Kissable lips at matangos din naman ang ilong ko kagaya niya.
BINABASA MO ANG
Mama Ko, Karibal Ko
RomanceWalang pag aalinlangan si Macoy na isa siyang straight dahil kailan man ay hindi siya nagka-interest sa kapwa lalaki. Pero nagbago ang lahat nang makilala niya si Hans. Ang boyfriend ng mama niya. Galit siya kay Hans noong una dahil para sa kanya, i...
