MAMA KO
KARIBAL KO
(CHAPTER 23)
WARNING: RATED SPG
M A C O Y
Our two days vacation in Singapore was finally over. Three hours before our flight, ay naglalakad na nga kami papasok ng airport; sina Mama at ang pamilya Chang ang sumama sa amin ni Hans upang ihatid kami dito sa airport. Ang van naman nila Vince ang ginamit namin upang magkasya kaming lahat sa iisang sasakyan.
Habang hila-hila ni Hans ang trolley na naglalaman ng aming mga bagahe at mga pasalubong ay nag-uusap kami ni Vince.
"I'm gonna miss you, man," saad ni Vince na marahan pang minasahe ang kanang balikat ko.
Automatic na napangiti ako habang lihim ko ding sinusulyapan si Hans, upang makita ang reaksiyon niya kung nagseselos pa rin ba ito sa aming dalawa ni Vince. Hindi mo din naman masisisi si Vince dahil likas dito ang pagiging palakaibigan. I think isa iyong natural na katangian nila lalo pa't pamilya sila ng mga negosyante. Nasa dugo nila ang husay sa pakikipagkapwa-tao. If there's one thing I learned from them is that, if you want your business to be successful, you have to start by building connections and friendships.
Well, going back to Hans, I still can't read his emotions. So, I'm not sure what's inside his mind right now while I'm talking with Vince.
"Until next time, it's really nice meeting you both. You guys are really awesome!" wika muli ni Vince na may matamis na ngiti matapos niyang makipagkamay sa akin. At nakipag fist-bump naman siya kay Hans.
"Thank you all so much for making our first trip to Singapore and my birthday truly unforgettable. To be honest, I'd almost forgotten what it's like to have a genuinely happy birthday. So, thank you all so much for making my birthday so special." I can't control myself to be emotional. "I'm completely overwhelmed with gratitude... a million thanks still wouldn't be enough to express my heartfelt appreciation to each and every one of you!"
Lumapit naman ang Mama ko sa akin at mahigpit niya akong niyakap pagkatapos ay marahan niya akong pinisil sa baba. Ang pamilya Chang ay hindi naman naalis ang ngiti sa kanilang mga labi habang pinapanood nila kaming dalawang mag ina.
"I'm so proud of you, my birthday boy! You're really growing into an amazing person, nagma-mature ka na rin sa wakas." At naluluha ding tumingin siya kay Hans. "I don't know kung ano ang pinapakain sa 'yo ng Daddy Hans mo. Pero napakasaya ko dahil nagkaayos na din kayong dalawa... Pero sana mahalin mo din si Hans na gaya nang pagmamahal mo sa Papa mo. Ituring mo rin siyang tunay mong ama. Dahil sa kanya ay nabuo ulit at naging masaya tayong pamilya."
Bigla naman naumid ang dila ko sa hindi inaasahang mga salitang maririnig ko kay Mama. Parang may kumurot sa maliit na parte ng puso ko, at suddenly ay parang lihim akong napahiya at nakonsensya.
Kung alam lang nito na higit pa sa pagmamahal na iminumungkahi nito, ang nararamdaman naming pagmamahal ni Hans sa isa't isa.
"Anak, are you okay?" may pag aalalang hinawakan ni Mama ang mukha ko nang mapansin niya na hindi na ako nakapagsalita. Pero hindi na niya ako pinilit pa nang wala pa rin akong maisagot dahil sa narinig na namin ang pag-announced sa flight details namin. "Oh, siya... sige na. Lumakad na kayo, at baka mahuli pa kayo sa flight niyo."
BINABASA MO ANG
Mama Ko, Karibal Ko
RomanceWalang pag aalinlangan si Macoy na isa siyang straight dahil kailan man ay hindi siya nagka-interest sa kapwa lalaki. Pero nagbago ang lahat nang makilala niya si Hans. Ang boyfriend ng mama niya. Galit siya kay Hans noong una dahil para sa kanya, i...
