CHAPTER 31

638 15 1
                                        

MAMA KO
KARIBAL KO
SONG: KABILANG BUHAY

(CHAPTER 31)

V I N C E

Mariing napapikit ako nang marinig ko mismo sa mga labi ni Macoy ang katotohanang boyfriend niya ang dapat ay step-dad niya ngayon na si Hans.

At alam ko na ito kagabi pa lang, dahil saksi din ako sa kung paano umiyak si Jessica sa likod ng pintuan ng kwarto ni Macoy no'ng huling gabi namin sa baguio.

Hindi na lang ako nakisali dahil isa itong napaka-confidential na issue sa pamilya nila.

Nagtama ang mga mata namin ni Macoy nang mapansin ako nitong nakikinig habang nakatayo sa pinto. Ito ang kwarto naming dalawa sa bahay ng ninang niya kung saan naman kami ngayon tutuloy. Gayunpaman ay tinuloy pa rin nito ang pakikipag usap at hindi muna ako pinansin. Hindi ko man naririnig ang pinag uusapan nila Macoy sa phone nito ay may hinala na ako kung tungkol saan iyon.

Kanina kasi sa kotse, ay may tumatawag kay Jessica. Hindi nito sinasagot iyon sa pag aakalang si Hans ang tumatawag sa kanya. Pero hindi rin natiis ni Jessica na hindi iyon sagutin matapos ang tatlong beses na sunod-sunod na pagtawag. Doon namin nabalitaan ang nangyaring aksidente kay Hans. Nagkataon namang nang mga oras na iyon ay natutulog pa si Macoy kaya wala itong kaalam-alam. Pinili namin na huwag munang sabihin kay Macoy dahil delikado dito ang sobrang mabigla.

Nanginginig ang katawan ni Macoy at mabibigat ang kanyang paghinga nang hindi na ito makapagsalita. Bumagsak sa sahig ang nabitawan nitong cellphone, marahil ay nalaman niya na ang nangyari kay Hans.

Agad akong tumakbo para lapitan siya. Hawak ni Macoy ang naninikip na dibdib. Halata sa hitsura nito na gusto niyang umiyak pero dahil sa sobrang shock pa rin siya, ay halos mawalan na siya ng ulirat. Akmang babagsak din siya pero mabuti na lang at mabilis ko siyang nasalo.

"Macoy, are you okay?!" Pero hindi siya sumagot, nakatulala pa rin siya habang namumutla na dahil hirap na siya sa paghinga.

Sinubukan kong hindi mag-panic. Nilakasan ko ang boses ko para tawagin ang Ninang niyang si Agnes.

"Macoy!" Niyugyog ko na siya, pero parang hindi niya ako nakikita at nararamdaman.

Tila nakatingin lang ito sa kawalan habang ang mga luha niya ay patuloy na umaagos.

Hindi naman nagtagal ay pumasok na rin si Agnes na nagulantang sa kanyang nakita. Hawak ko pa rin ang hindi gumagalaw na si Macoy, bagamat may malay pa rin siya pero halata sa mukha nito ang iniindang sakit sa dibdib. Pisikal at ang mas matindi ay emosyonal na sakit.

Dali-daling tumakbo si Agnes para humingi nang tulong sa kanilang kapit bahay. Mayamaya pa'y may kasama na itong ilang kalalakihan na siyang nagtulong-tulong para buhatin si Macoy papasok sa saksakyan at maitakbo na ito sa pinakamalapit na hospital.

Pagkadating namin sa hospital ay sandali akong tinanong ng Nurse kung anong nangyari kay Macoy. Doon ko binanggit dito na may sakit sa puso si Macoy kaya nahihirapang huminga.

Pinasok nila si Macoy sa emergency room na may nakasuportang oxygen mask. At dahil habang nasa biyahe pa lang ay nawalan na ito nang malay ay chineck din nila ang pulso ni Macoy habang ang isang nurse ay may pinapailaw naman sa mga mata ni Macoy.

Mama Ko, Karibal Ko Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon