MAMA KO
KARIBAL KO
SONG: KABA by Tootsie Guevarra
(CHAPTER 5)
M A C O Y
"What the fuck are you doing here in my room!" Nanlalaki ang mga matang sigaw ko sa pagkagulat.
Pero maging siya ay natigilan at hindi na nakuha pang makasagot, at walang salitang agad namang isinara ni Hans ang pinto.
Nanglalanta namang muli akong tumihaya sa kama ko. Ito na yata ang pinakanakakahiyang bagay na ngayon ko lang naranasan sa tanang buhay ko. And that Hans... he started killing my nerves!
Matapos ang ilang beses kong pagbuntong hininga, ay napagpasyahan ko na ngang tumayo at mabilis na isinuot ang hinubad kong boxer. Pagkasuot ko niyon ay naglakad ako at binuksan ko din ang pinto para sumilip sa labas para lang muling magulat dahil nakatayo pa pala sa labas ng kwarto ko si Hans.
He's creepy!
"I-i just wanna say, sorry. Hindi ko sinasadyang pumasok sa kwarto mo. Akala ko kasi—" Itinaas ko ang kamay ko para patigilin siya sa pagsasalita.
"Sorry accepted. Please whatever you saw, don't you dare to tell it to anyone even in your own shadow." Mabilis naman siyang tumango-tango sa sinabi ko habang pinagdaop pa talaga ang kanyang mga palad para i-assure ako na safe sa kanya ang anumang na-witness niya sa akin.
"Good. Dahil hindi mo ako magugustuhan maging kaaway," pananakot ko habang matapang na nakatingin sa kanya.
"O-okay..." sagot niya pa at isinara ko na ang pinto. Sana talaga he will keep his promise. Because if not, I will make sure na siya na mismo ang magkukusang umalis dito sa bahay namin. Dahil gagawin kong miserable ang buhay niya. Ahrg! Hindi ako nagbibiro..
Kinasabukasan ay maaga akong nagising. Nagdadalawang isip kung lalabas ba ako ng kuwarto ko, dahil hiyang-hiyang pa rin talaga ako sa nangyari kagabi. Paano ako makakasigurong marunong ngang tumupad sa pangako ang mokong na 'yon? Paano kapag sinabi niya na pala kay Mama ang nakita niya sa akin kagabi? Anong mukha ang ihaharap ko sa kanila?
Haaays! Ang aga-aga na-i-stress ako.
Pero paano nga kapag sinabi niya sa Mama ko?
Nag isip ako nang rason na pang depensa. Sasabihin ko na basta na lang siyang pumasok sa kwarto ko, dahil balak niyang magnakaw! Oo, magnanakaw siya!
Ilang minuto pa ang lumipas nang magkaroon na ako nang lakas ng loob para lumabas. Bungalow lang naman ang bahay namin kaya madali lang kaming magkakitaan sa apat na sulok nitong aming bahay. Kaunting lakad ay nasa kusina na kaagad ako at doon ko nakita ang lalaking dahilan kung bakit ako stress na stress ngayon. Anong himala at ang aga niya ring gumising ngayon at siya pa ang nagluluto ng agahan.
"Good morning!" nakangiting bati niya. Pero hindi ko siya pinansin. Dumiretso ako sa banyo para maghimalos at magsepilyo.
J E S S I C A
Nagising ako dahil sa malakas na pagtunog ng aking cellphone. Agad namang nagsalita ang tumawag pagkasagot ko dito. "Hi, good morning! This is Donnalyn from Filipino's Overseas Dream agency. Is this Ma'am Jessica Salazar?"
BINABASA MO ANG
Mama Ko, Karibal Ko
RomanceWalang pag aalinlangan si Macoy na isa siyang straight dahil kailan man ay hindi siya nagka-interest sa kapwa lalaki. Pero nagbago ang lahat nang makilala niya si Hans. Ang boyfriend ng mama niya. Galit siya kay Hans noong una dahil para sa kanya, i...
