MAMA KO
KARIBAL KO
SONG: DESTINY BY JIM BRICKMAN
(CHAPTER 16)
M A C O Y
WARNING: RATED SPG!!!
BABY..
May kahalong mahika 'ata ang salitang iyon, kaya tila naging yelo ako na biglang nanigas—and the same time—ay natutunaw, dahil hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko para lumayo sa kanya. Bagkos sa mga sandaling ito ay gusto ko siyang yakapin nang napakahigpit at sabihin sa kanya ang mga totoong nararamdaman ko.
Ramdam ko ang paghihirap ng kalooban niya dahil ilang araw ko na siyang iniiwasan. Alam kong nasasaktan ko siya at marami siyang mga katanungan na sa ngayon ay hindi ko pa kayang sagutin.
"Hindi mo na ba ako mahal? Iyong mga namagitan sa atin nung mga nakaraang linggo? A-ano 'yon? Wala lang ba 'yon?"
Humugot ako ng hininga para palakasin ang loob ko na magsalita.
"Mahal kita..." Agad na napakagat labi ako. Shit na malagkit, kabaliktaran nang nasabi ko ang salitang pino-proseso ng utak ko.
Umaliwalas ang mukha niya at hinawakan niya ang mga kamay ko matapos niyang humakbang ng isang beses palapit sa akin.
"Kung ganoon? Then why you keep avoiding me?"
"Dahil iyon ang dapat!" hindi ko napigilang magtaas ng boses dahil sumasalungat ang bugso ng damdamin ko sa idinidikta ng isipan ko.
"W-why?" muling tumamlay ang mukha nito na tila ba pinagsakluban ito ng langit at lupa. Nag iwas naman ako nang tingin, dahil ayokong makita ang dissapointments mula sa mga mata niya.
"Hindi tayo pwede..."
Gumagalaw ang adams apple niya na hudyat nang ilang beses nitong paglunok bago muling nagsalita.
"Dahil ba sa pareho tayong lalaki? O dahil... Boyfriend ako ng Mama mo?"
"Both!" Pagak akong tumawa. "Napaka-complicated diba? Kung itutuloy natin ang sekretong relasyon na ito ay tayo din ang mahihirapan. Maraming masisira..."
"Baby, wala akong pake! I am willing to risk everything to love you! I've been selfish in my whole life. But when I found you... Gusto kong maging makasarili. Dahil sa 'yo ko nakita ang tunay na kaligayahang matagal ko nang hinahanap sa aking buhay."
Mabilis na nakatakas ang mga patak ng luha sa aking mga mata. Magkahalong emosyon ang nararamdaman ko. Masaya ako sa mga narinig ko. Pero masakit din kasi magkaiba kami ng sitwasyon.
Binawi ko ang mga kamay ko na hindi niya pa rin binibitawan.
"Madali mo lang sabihin iyan, kasi kararating mo lang dito. Kaya madali lang sa 'yong iwan ang lahat. A-akala ko ba mahal mo ang mama ko? Pero bakit... A-ako?" May nahalong takot at pangamba sa puso ko. Kung kaya niyang lokohin nang ganito ang mama ko, ay hindi imposibleng gawin niya din sa akin ito.
May kinuha siya sa bulsa at ipinakita niya ito sa akin. Isa iyong litrato nung bata pa siya sa Quipo church kung saan ay nahagip din ako sa camera na noon naman ako ay limang taong gulang pa lang at hindi pa kaming dalawa magkakilala.
BINABASA MO ANG
Mama Ko, Karibal Ko
RomanceWalang pag aalinlangan si Macoy na isa siyang straight dahil kailan man ay hindi siya nagka-interest sa kapwa lalaki. Pero nagbago ang lahat nang makilala niya si Hans. Ang boyfriend ng mama niya. Galit siya kay Hans noong una dahil para sa kanya, i...
