MAMA KO
KARIBAL KO
SONG: SMILE IN YOUR HEART
(CHAPTER 3)
M A C O Y
Makalipas ang tatlong araw na pamamalagi ni Hans sa loob ng ospital, ay pinayagan na rin siya ng doctor na makauwi at sa bahay na lang magpagaling nang tuluyan hanggang sa maghilom ang tahi niya sa tiyan.
Nagsampa na rin kami ng kaso sa pulis at kasalukuyan na nilang pinaghahanap ang mga lalaking nanakit at sumaksak kay Hans sa loob ng beer house.
"Macoy, halika muna dito dali!" sigaw sa akin ni Mama habang naghuhugas ako ng plato sa kusina.
Nag-aalang tumakbo naman ako papunta sa sala namin kung saan naroon sila. At doon nga ay nakita ko silang dalawa na magkatabi sa sofa at tinitingnan nila ang lumang photo na marahil ay pagmamay-ari ni Hans. Kasalukuyang inaayos pa kasi nila ang iba pang mga dalang gamit ni Hans. Mukhang wala na ngang makakapigil sa dalawa para magsama.
"Tara, lumapit ka dito," pagsesenyas sa akin ni Mama. Ilang hakbang naman ang ginawa ko hanggang sa tapat nila.
"Tingnan mo," at tinuro niya ang isang lumang litrato na may date pang July 16, 2005.
"Oh? Anong meron?" nagtataka namang tanong ko. Pero infairness ang cute din pala nitong si Hans nung bata pa. Parang artista..
Ano ba, Macoy! Tumigil ka nga! Erase!
"Tingnan mo kasi nang maigi." Mas inilapit ko pa nga ang mukha ko sa larawan upang makita nang malinaw ang pinapakita niya sa akin sa litrato. At dahil sa hindi ko inaasahan ay nanlaki tuloy ang mga mata ko sa pagkagulat. Siguradong-sigurado kasi ako na ako 'yung isang bata na naroon na nahagip ng camera. "Oh, gulat ka 'no! What a coincidence, love! Nasama pa ang anak ko sa litrato mo nung bata ka pa. Siguro nga itinadhana talaga tayo para sa isa't isa," kinikilig na sabi ni Mama.
Okay ang cheesy.. Lihim akong napairap.
Hindi naman ako makatingin sa mga mata ni Hans na alam kong nakatingin din sa akin.
Pinilit ko namang halungkatin sa memorya ko ang munting alaala ko kung anong ginagawa ko sa larawang iyon noong five years old pa ako. Pero wala na akong maalala, siguro dahil sa masyado pa akong bata no'n.
"Natatandaan ko pa nung pinasyal ko nga dito sa Quiapo Church ang anak ko nung araw na 'yan. Pini-picturan ko din siya pero sobrang kulit niya ayaw tumingin sa camera." Hindi ko alam kung bakit ako biglang nag-blush nung tumawa si Hans habang nakikinig sa mga ikinukwento ni Mama. May mga lumabas namang kaunting imahe sa memorya ko na parang CD na biglang nagplay sa mga ikweni-kwento ni Mama. Hindi nga siya nagsisinungaling.
"Siguro po, patunay lang 'to na walang insidente sa buhay ng tao. Na lahat ay magkaka-konekta." Si Hans.
Lumunok naman ako para siguraduhing hindi ako mapipiyok ulit kapag nagsalita. "Sige, maghuhugas na ulit ako." Kaagad na akong tumalikod sa kanila para bumalik na sa kusina, nang mapahinto ako sa pagtawag sa akin ni Hans.
For the first time, ay biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko pagkarinig sa malalim at malamig na boses ni Hans, lalo na nang banggitin niya ang pangalan ko.
"Macoy.."
"Yes?" Napansin ko kaagad ang mapuputi niyang mga ngipin at malalalim na dimples dahil nakangiti siya sa akin. Sinusubukan kong hindi siya sungitan dahil utang na loob ko pa rin sa kanya ang pagsagip niya sa buhay ko nung nakaraan.
BINABASA MO ANG
Mama Ko, Karibal Ko
RomanceWalang pag aalinlangan si Macoy na isa siyang straight dahil kailan man ay hindi siya nagka-interest sa kapwa lalaki. Pero nagbago ang lahat nang makilala niya si Hans. Ang boyfriend ng mama niya. Galit siya kay Hans noong una dahil para sa kanya, i...
