CHAPTER 19

1.3K 26 1
                                        

MAMA KO
KARIBAL KO
SONG: DELIKADO by MARION

(CHAPTER 19)

H A N S

Nagpanting ang mga tainga ko sa kaangasang ipinapakita ni Recardo. Oo, Recardo, hindi Ricardo, dahil bisaya ang pota! Naikuyom ko ang aking mga kamao at ngali-ngaling sasapakin ko na siya sa makapal nitong mukha nang ibuga ba naman sa amin ng kupal ang usok mula sa bibig nito. Buti na lang nakapagtimpi pa ako.

"P-Papa... B-Bakit hindi po kayo nagsabi na uuwi pala kayo?" Halata na kabado si Macoy sa harap ng tatay nito.

"Kailangan ko pa bang magsabi sa inyo? Bahay ko ito kaya pwede akong umuwi dito kahit anong oras ko gusto na hindi na kailangan pa ng permiso niyo." Umupo ulit ito nang naka-dekwatro pa, sabay muling humithit ng sigarilyo. "Macoy, nagugutom ako ipagluto mo ako nang makakain ko."

Napangisi na lang ako sa inis dahil sa pagiging bossy ni Recardo na hindi man lang alintana na nandito din ako.

"Bahay lang 'to ni Jessica." Mabilis na tumalim ang tingin niya sa akin dahil sa sinabi ko.

"Anong sabi mo?!"

Naramdaman siguro ni Macoy ang nagsisimula na namang tensiyon sa pagitan namin ng tatay niya kaya sumingit na siya.

"Ah... Hans, halika na. Tulungan mo na lang akong magluto, please..." Hinawakan niya ang kamay ko. Pero hindi ko siya pinansin. Hindi ko inalis ang pagtitig ko kay Recardo. Akala niya ba masisindak niya ako?

Humithit muna siya nang isa pang beses bago niya pinatay ang munting siga ng sigarilyo sa pamamagitan nang pagdiin ng upos nito sa ashtray.

"Bitawan mo siya, Macoy..." sa mahinang tinig ni Recardo.

Dahan-dahan namang binitawan ni Macoy ang kamay ko. At nagtatagis ang bagang na agad akong kwenelyohan ni Recardo.

"Hayop ka, sinusubukan mo ba talaga ako?!" sigaw niya nang malapitan sa mukha ko.

"Papa, huwag po! Tama na po!" Hindi tuloy malaman ni Macoy kung paano aawatin ang ama nito na pulang-pulang na sa sobrang galit.

"Ano ha?!" Naramdaman ko ang lalo pang paghigpit nang hawak niya sa kwelyo ng T-shirt ko. Sinusubukan niya akong paangatin pero dahil mas matangkad ako kaysa kanya ay hindi niya ito magawa. "Putang ina mo! Manggagamit ka! Ano ka dito ha?! Prinsepe na nagpapalaki lang ng bayag habang ang asawa ko ay nagpapakaalila sa ibang bansa?!"

"Papa, tama na nga po sabi, e!" Naitulak na ni Macoy ang Papa niya para mailayo ito sa akin.

Dahil do'n ay siya naman ang napagbalingan ni Recardo at mabilis pa sa alas-tres na agad dumapo ang magaspang na palad nito sa makinis na mukha ni Macoy.

At doon na tuluyang naubos ang pagtitimpi ko. Sinapak ko naman siya sa mukha. Gaganti pa sana siya nang mabilis ko ulit siyang sinapak sa kabilang bahagi ng kanyang pisngi. Sure akong bukas din ay mamaga na iyon.

Pero hindi ko naman inaasahan na masisipa niya ako. Nawalan ako ng balanse sa lakas nang pagkakasipa niya kaya natumba ako. Iyon na ang ginamit niyang pagkakataon upang daganan ako.

Pinagsusuntok niya din ako sa mukha. Gumaganti din naman ako ng suntok sa kanya. Pero dahil sa posisyon namin ay mas nakakalamang siya. Naabot ng kamay ko ang baseball bat na nakalapag sa gilid at malakas ko itong inihampas sa ulo niya.

Mama Ko, Karibal Ko Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon