MAMA KO
KARIBAL KO
(CHAPTER 29)
WARNING: RATED 18!!!
H A N S
"Ayusin mo ang ngiti mo, 'wag kang matakot!" ang natatawang sabi ni Vince, habang pini-picture-an nito si Macoy na nakasakay sa kabayo. Palibhasa first time nito na makasakay ng kabayo kaya hindi niya maitago ang katotohan na ni-ne nervios ito.
Nasa Baguio kami ngayon, makalipas ang dalawang araw after ma-discharge ni Macoy sa hospital.
Kaya din kami nandito kasi sinasamahan nila ang banyagang si Vince na mamasyal. Ni-request kasi nito na gusto niyang pumunta dito sa Bagiuo.
"Hey, nakatulala ka lang diyan..." bungad naman sa akin ni Jessica sa tabi ko. Matagal na pala akong nakatulala lang kina Macoy sa 'di kalayuan kaya napakurap-kurap pa ako. "Hindi mo ba gusto ang strawberry flavor na taho?"
Hindi ko naman maintindihan ang sarili ko kung bakit parang mula pa nung mag-umpisa kaming bumiyahe papunta dito, ay hindi na ako komportable.
Siguro... Dahil sa may itinatago ako sa kanila.
Mabilis ko munang inubos ang isang baso ng taho ko na ikinagulat naman ni Jessica. Nakalimutan ko kasing mainit pa pala ito kaya tuloy ay napaso ang sikmura ko. Inabutan naman kaagad ako ni Jessica ng tubig na agad ko ding ininom.
"Hindi ko naman kasi sinabi sa 'yong ubusin mo kaagad ang laman niyan. Ano ka ba! May problema ba? Parang kanina ka pa wala sa sarili." Para akong bata na pinapagalitan nito. Kumuha pa siya ng tissue sa bag na bitbit niya at pinunasan ang bibig ko, saka niya naman hinipo ang sikmura ko. "Masakit pa ba?"
Muli pa akong napatingin sa gawi nila Macoy, at sa pagkakataong ito ay nagsalubong ang mga mata namin, ngunit kaagad siyang nag iwas ng tingin dahil kausap din nito ang kasamang si Vince.
"Hindi na." At sinubukan kong ibahin ang usapan, para hindi na nito mapansin na nade-distract ako kila Macoy. "I-ikaw ayaw mo bang magpa-picture sa kabayo?"
Sinarado nito ang kanyang bag bago nagsalita. "Hindi na, hayaan na muna nating mag enjoy ang dalawa."
Parang may kutsilyong biglang humiwa sa puso ko dahil sa narinig.
"Ayos ka lang ba talaga?" kunot-noong tanong ulit nito.
I swallowed the lump on my troat and then I force myself to smile. "Yup."
"Hans?" Naging mas seryoso ito. Hindi ko matagalan ang tumingin sa mga mata niyang nakatitig sa akin, sa takot na baka makita nito ang pilit kong itinatago. "Mahal mo ba talaga ako?"
Okay... Honestly... Sobrang na-surpresa ako sa tanong niyang iyon. Kaya absent-mindedly na napa-awang na lang ang bibig ko at napatingin ako sa kinaroroonan nina Macoy—ang tunay kong mahal, pero nang muli akong tumingin kay Jessica, ay naglalakad na pala ito palayo sa akin.
Gusto ko sana siyang mabulin, pero hindi ko iyon nagawa bagkus ay tinanaw ko na lang siya hanggang sa muli itong pumasok sa loob ng aming sasakyan.
Natapos ang buong araw na halos hindi kami nag-iimikan ni Jessica. Sinabi na lang niyang pagod lang ito, pero alam naming pareho na hindi iyon totoo. Ang dalawa naman naming kasama ay nag e-enjoy lang sa mga lugar na aming pinuntahan. Sa totoo lang ay sobrang nagseselos na ako, pero hindi ko ito pinahalata kay Macoy. Nginingitian ko pa sa rear-view-mirror ang dalawa na nagkwe-kwentohan sa backseat habang nagmamaneho ako pabalik sa aming hotel.
BINABASA MO ANG
Mama Ko, Karibal Ko
RomanceWalang pag aalinlangan si Macoy na isa siyang straight dahil kailan man ay hindi siya nagka-interest sa kapwa lalaki. Pero nagbago ang lahat nang makilala niya si Hans. Ang boyfriend ng mama niya. Galit siya kay Hans noong una dahil para sa kanya, i...
