CHAPTER 1

4.9K 67 6
                                        

MAMA KO
KARIBAL KO
SONGS: SUNDO BY IMAGO

(CHAPTER 1)

M A C O Y

Kasalukuyang binabagtas na ng taxi na sinasakyan namin ang road patungo sa terminal one ng NAIA, para sunduin ang kaibigan ni mama na galing pang America.

Mula sa passenger seat ay nilingon ako ni mama. Kasabay ng kanyang pagngiti ay naramdaman ko ang mainit niyang palad sa mga kamay ko.

"Don't worry sigurado akong magugustuhan mo siya," sabi niya pero dahil hindi ko alam ang isasagot ko ay minabuti ko na lang na ngumiti.

At bago tuluyang huminto sa tapat ng entrance ng NAIA ang taxi namin, ay natanaw ko na ang isang matangkad at maputing lalaki, na kinakawayan kami. Hindi tinted ang window glass ng taxi kaya mabilis niyang nakita ang taong hinihintay. Matangkad, maputi at kahit nasa loob kami ng sasakyan ay kitang-kita pa rin ang malalalim na dimples nito.

Shet! Ano ba Macoy, bakit kailangan mo pang i-describe ang hitsura niya?

Erase! Erase!

Pagkababa namin ay parang gusto kong mailang nang makita kong nag-kiss at nagyakapan si mama at ang sinasabi niyang "kaibigan" daw niya. I smell something fishy, God, I'm so confuse! Ano pa bang hindi ko alam patungkol dito sa mama ko?

"Oh, by the way, Hans... this is my son, Macoy," pagpapakilala sa akin ni mama sa "kaibigan" daw niya.

"Hello, nice to meet you.." Nakipagshake hands siya sa akin at niyakap din ako nang mahigpit na para bang close kami. "How are you man?" Sabay tapik pa nito sa balikat ko.

Dahil sa hindi ko nagustuhan ang confidence ng lalaking ito (porque galing Amerika) ay hindi ko na tuloy napigilan pa ang sarili ko na hindi kumunot ang nuo at sabihing, "Hindi ka pa ba aware na nasa Pilipinas ka na? P'wede ka nang magtagalog."

Agad namang nagreact si Mama dahil sa naging attitude ko at tiningnan niya ako nang masama bago siya nag-apologies sa "kaibigan" niya.

"Naku pasensya kana Hans. Medyo wala sa mood kasi ngayon ang anak ko. Alam mo naman mga kabataan ngayon, moody." At pagak pa siyang kunwaring tumawa. "Pero mabait naman 'tong si Macoy." Sabay tiningnan niya ako na may kahulugan na umayos ako. Sumang-ayon na lang ako sa gusto niya.

Ngumiti naman ang tinawag na Hans, saka umakbay kay mama. "Don't worry, love. I'm used to it. Mas grabe pa nga ang mga kabataan sa America."

"Love?" kumunot ulit ang noong tanong ko.

Nagtataka namang napatingin si Hans sa Mama ko na kanina pa na-te-tense dahil sa aming dalawa.

"You didn't tell him?"

"Of course, I told him already." Tumingin ulit sa akin si mama para kausapin ako. "Anak, siya ang boyfriend ko. Mula ngayon siya na ang magiging Papa mo."

Para akong sinampal sa narinig. Pero hindi na ako bata para magtantrums at gumawa nang nakakahiyang eksena. Masyado nang nakakahiya ang ginagawang itong ni Mama, dadagdagan ko pa ba?

Minabuti ko na lang na huminga nang malalim. Sa pagkakataong ito, ang pinakamainam na gawin ay ang pakalmahin ang sarili ko at magpatangay na lang sa agos.

Mama Ko, Karibal Ko Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon