MAMA KO
KARIBAL KO
SONG: 'TILL I MET YOU
(CHAPTER 7)
M A C O Y
Lunes ngayon at imbes na nasa eskwelahan ako para mag aral ay nandidito ako sa NAIA terminal 1, upang ihatid si Mama sa flight nito papuntang Singapore, dahil doon na siya magtatrabaho.
Habang ibinababa ng boyfriend niyang si Hans ang kanyang mga bagahe, ay panay naman ang bilin sa akin ni Mama, gaya na lang na palagi ko daw siyang babalitaan lalo na sa pag-aaral ko.
Like always, her most priority is about my study. Kailangang lagi akong outstanding sa school. Hindi pwedeng wala ako sa top dahil katakot-katot na mga maling paratang ang matatamo ko sa kanya. I felt like, I am more just her trophy na palagi niyang ipagmamayabang sa iba. But if without any achievement, for sure na itatakwil at ikahihiya niya ako.
"Love, mag iingat ka palagi. Pagdating mo do'n ay huwag mong kakalimutang i-message kaagad kami." Si Hans, nang matapos na nitong iayos ang mga gamit ni Mama sa cart.
"Oo naman, Love. Tingnan mo naman kung paano maglaro ang kapalaran. Nung mga nakaraang linggo lang, sinundo ka namin dito. Ngayon, ako naman ang ihahatid ninyo.."
Hindi ba sila nauumay sa tawagan nilang love? Ang cringe kaya!
"Kaya nga Love, e... Gano'n talaga, go with the flow... Ang isipin mo na lang na ang ginagawa kong ito ay pagtatanim ng mga aanihin natin for the future. It's just a little sacrifice, compare to what I've been through when you're not here. This is just a peace of cake." Umiwas naman ako ng tingin sa kanila at palihim akong nagmake-face. Dahil nako-corny-han talaga ako sa kanila sa totoo lang.
"Macoy, anak. Halika nga, payakap ai Mama..." Napakamot naman ako sa ulong humakbang palapit kay Mama, nagkatinginan pa kami ng mokong na si Hans na para bang sinusuri niya ang emosyon ko. Akala niya ba makikita niya akong iiyak? No way! Naramdaman ko ang mahigpit na pagyakap sa akin ni Mama. Pero bago siya bumitaw ay narinig ko pa ang paghikbi niya. "Ayaw ko naman talagang iwan ka anak. Pero para sa kapakanan mo 'to.. alam ko na hanggang ngayon ay nagtatampo ka pa rin sa akin. Pero balang araw... Pasasalamatan mo din ako at ipagmamalaki, kagaya nang kung paano kita ipagmalaki bilang anak ko."
Ipagmalaki? Sabi ko na, e... Pinagmamalaki niya lang naman ako dahil sa matataas na grades ko.
Well, kung titingnan mo ako. Parang nonchalant lang akong nakikinig sa Mama ko. Pero ang totoo, ang dami-dami kong gustong sabihin sa kanya. Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ayaw kong ibuka ang bibig ko...
Alam ko naman na totoo ang mga sinasabi niya. Pero alam ko din ang isa pang katotohanan na ang lahat din naman na ito ay para rin sa kanya—para may maipagmalaki siya. Hindi ba niya ako kayang ipagmalaki kahit na wala akong achievements? Nakakapagod nang makipag-kumpetisyon para lamang ma-meet ang mga expectations niya.
"Macoy, wala ka bang sasabihin sa Mama mo bago siya umalis?" pang asar na tanong pa ng mokong. Kilala niyo kung sino.
Huminga ako nang malalim para bawasan ang pagkaasar ko sa mokong na nagsalita. "'Ma, mag-iingat ka po doon."
"Wow, how touching..." bulong sa akin ni Mokong. Pero hindi ko na lang siya pinansin.
"Salamat anak. Mag iingat rin kayo dito. Huwag kang magpapasaway sa Tito Hans mo." Mabilis niya akong hinalikan sa nuo, pagkatapos ay si Hans naman ang binalingan niya. "Love, huwag mong pababayaan ang anak ko, ha..."
BINABASA MO ANG
Mama Ko, Karibal Ko
RomanceWalang pag aalinlangan si Macoy na isa siyang straight dahil kailan man ay hindi siya nagka-interest sa kapwa lalaki. Pero nagbago ang lahat nang makilala niya si Hans. Ang boyfriend ng mama niya. Galit siya kay Hans noong una dahil para sa kanya, i...
