CHAPTER 15

1.6K 31 2
                                        

MAMA KO
KARIBAL KO
SONG: AKALA BY MARION AUNOR

(CHAPTER 15)

J E S S I C A

"Age is doesn't matter," iyon lamang ang isinagot ko sa pagkamangha ng isa kong bagong kakilala at naging kaibigan na pilipino—isa ding DH dito sa Singapore. Tuwing sabado ay nagkakaroon ang mga ofw ng simpleng salo-salo sa tabi ng Lucky Plaza dito sa Singapore.

At dahil ako ang bago nilang kasama ay pinilit nila akong mag-k'wento ng buhay ko sa pilipinas. Para naman daw ay mas makilala nila ako. Kaya tuloy ay nalaman nila na kahihiwalay ko lang sa asawa ko at may bago na akong ka-relasyon at pitong taon ang tanda ko sa kanya.

"Well, buti ka pa nahanap mo na ang forever mo," kinikilig pang komento ng isa pa naming kaibigan habang kumakain ito ng Laksa.

Napangiti naman ako sa sinabi niyang forever. Dahil naniniwala ako na si Hans na nga ang forever ko. Hindi naging mahirap sa akin na mahalin at pagkatiwalaan si Hans, kahit sa calls ko lang siya nakilala noong minsang siya ang naging customer ko sa call center na pinagta-trabaho-an ko dati. Hiningi niya ang mobile number ko para daw ako na lang ang tawagan niya kapag may mga questions pa siya.

At iyon ang simula nang pagkakaibigan namin ni Hans. No'ng una akala ko ay pagmamahal lang ng isang ina sa anak ang nararamdaman ko para sa kanya—I'm thirty eight and he is twenty eight, by the way—Kasi nga nalaman kong maaga pala siya naulila at bilang isa na akong ina, ay sinubukan kong iparamdam sa kanya na pwede niya rin akong ituring na ina na handang makinig sa lahat ng mga hinaing niya sa buhay. Lalo pa't isa siyang pilipino at mag-isang namumuhay sa ibang bansa.

Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana, no'ng inamin niya sa akin ang totoong nararamdaman niya, na mahal niya daw ako at gusto niya akong makasama habang buhay. Napamahal na rin kasi ako kay Hans, dahil bukod sa sweet and caring siya, ay subok ko nang napakabuti niyang tao. Siya ang laging nagtatanggal ng lungkot at mga stress ko sa buhay. Hindi niya lang ako tinulungan financially, he also helped me to be a better and strong person. Kung siya nga na mas bata pa ay nakakaya niya ang mga pagsubok na ibinabato sa kanya, ako pa kaya?

Marami akong mga plano na binuo bago ako magpunta dito sa Singapore. Isa na doon ay ang tulungan din si Hans sa mga pangarap nito na hindi niya natupad dahil maaga nga siyang naulila. Saka kami magpapakasal.

Alam kong magiging isa kaming masayang pamilya. Dahil taglay ni Hans ang mga katangian para maging isang mabuting asawa.

Ngunit...

Naputol ang masaya naming pagkwe-kwento-han nang biglang tumawag sa akin sa phone ang aming kapit-bahay dahil napanood daw nito sa TV ang balita na nalunod daw sa dagat ang anak ko at si Hans.

Kaya nung araw ding iyon ay agad akong nag-file ng emergency leave sa amo ko at kailangan ko munang umuwi nang pilipinas.

Two flights ang naging biyahe ko dahil walang direct flight papuntang Cuyo. Medyo magastos man sa pamasahe, ang importante ay nakarating din ako nang mabilis para makita si Hans at ang anak ko.

Pero sa narinig kong pag-amin ng anak ko kung ano ang totoong nangyari ay hindi ko napigilan ang sarili ko at sa galit ko nga ay nasampal ko siya sa kauna-unahang pagkakataon.

Sobra ang naging takot ko para sa kanilang dalawa. Labis akong nag alala. Kaya labag man sa loob ko ay kailangan kong disiplinahin ang aking anak, para malaman niya ang mga pagkakamali niya nang sa ganoon ay hindi na maulit pa ang pangyayaring ito na ikinapahamak nila.

Mama Ko, Karibal Ko Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon