Special Chapter 1: The Wedding

225 6 2
                                        

Special Chapter 1: The Wedding


M A C O Y

Sabay kaming pumunta ni Vince sa Taiwan para magpakasal. Kasama din namin doon ang Mama ko at ang mga magulang ni Vince. They are all very supportive sa aming dalawa. Na tila sila pa ang sobrang excited kaysa sa aming dalawa ni Vince. In fact, one day before our flight to Taiwan, I received a call from Vinnie Chang—Vince's mother—to inform me that they already booked a room for us in Sun Moon Lake hotel, located in Nantou for our honeymoon.

After all the plans and preparations. Sa wakas, heto na... Ang araw na kailanman ay hindi sumagi sa isip ko na magkakatotoo...

Sabay kaming naglalakad ni Vince habang magkahawak ang kamay sa mahabang rainbow flag, habang nakangiti rin kaming pinapanood ng aming mga magulang mula sa kani-kaniyang upuan. Parehas kaming nakasuot ni Vince ng Tuxedo na may ribbon sa collar. At sa kanang kamay ko ay mahigpit kong hawak ang isang bouquet ng mga bulaklak. It was short rainbow aisle. But because it was so magical, I felt like everything is in slow motion.

Ayoko nang matapos pa ang mga sandaling ito. Para akong nakasakay sa roller coaster na pa-slow motion ang takbo. Iba't iba ang aking nararamdaman; takot, lungkot, saya, at excitement... But my knees are not shaken, dahil kasabay ko si Vince sa pagharap sa lahat ng mga ito.

"Welcome, everyone. Today, we gather in the spirit of love to witness and celebrate the union of Vince and Macoy. This ceremony not only marks the beginning of their marriage journey together but also a tribute to the love, laughter, and shared dreams that continue to unite them. Love is a universal language spoken by all, transcending barriers and embodying the connection we share here today. So, let us proceed with open hearts as we affirm this union."

"In the presence of our family and friends, I, Vince, choose you, Macoy, to be my life partner, to have and to hold from this day forward, for better for worse, for richer for poorer, in sickness and in health, in joy and in sorrow, to love and to cherish, and to be faithful to you alone. This is my solemn vow," Vince said before he put the ring on my finger.

"Sa presensya ng Diyos at ng ating pamilya—maging mga kaibigan na makakasaksi ng ating pag-iisang dibdib sa araw na ito. Hindi sa lahat ng araw ay magiging masaya lang tayo. Maaaring maraming iparanas sa atin ang tadhana. Iiyak tayo at tatawa. Magagalit sa isa't isa. Uulan at aaraw. Didilim at liliwanag. Magunaw man ang mundo, ngunit sa araw na ito, ay ipinapangako kong hinding-hindi kita bibitawan. Araw-araw kitang pipiliin hanggang sa wala ng araw pa na matira para sa akin. I love you, Vince." At kasabay nang pagtulo ng mga luha ko ay ang pagsuot ko rin ng singsing sa daliri ni Vince. Hindi na hinintay pa ni Vince ang sasabihin ng Judge, at kaagad niya na akong hinalikan.

Batid kong nagsisipagpalakpakan ang mga taong nasa paligid namin. Ngunit sa mga sandaling iyon ay tila ba napakatahimik. Wala kaming ibang naririnig kun'di ang malakas na pagtibok lamang ng aming mga puso.

Ngunit...

Ang lahat ng iyon ay hanggang imagination ko lamang pala, after nang pagpo-propose sa akin ni Vince sa harap ng puntod ni Hans. Ay kinakailangan namin ni Vince na i-postpone ang kasal dahil bigla namang naputukan ng ugat sa utak si Uncle Cedrick, ang Daddy ni Vince. Kaya agad siyang lumipad pabalik ng Singapore para asikasuhin ang parents niya.

Ilang araw na-comatose ang daddy niya, ngunit kinalaunan ay dineklarang ring brain dead na ito at useless na ang machine na nagpapatibok sa puso nito.

Hindi ako pinayagan ni Vince na puntahan siya sa Singapore para damayan siya sa kanyang pagdadalamhati. Ayaw niya raw na makita ko siyang nasa ganoong sitwasyon.

"Please, understand. I promise, babalik ako ng nakangiti at masigla ulit. So, don't worry, okay?" Iyon ang sinabi niya.

Pinanghawakan ko ang mga sinabi niyang iyon. Ngunit tila ba, sinusubok talaga kami ng tadhana. Dahil nagkaroon naman ng issue ang mga business nila, na naging dahilan kaya napilitan silang ipasara ang coffee shop nila sa Davao at Makati.

Ang mga araw ay naging mga buwan hanggang sa lumagpas na ng isang taon. Ngunit walang Vince na nagbalik sa akin.

Halos hindi ko na rin siya ma-contact dahil palagi siyang busy sa pagsalba ng iba pa nilang mga coffee shop sa Singapore at Malaysia.

"Sir..." Naramdaman ko ang kamay na marahang tumatapik sa balikat ko. Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko habang ang mga mata ko ay namumungay pa sa antok at kalasingan. "Nakatulog na po kayo. Iinom pa po ba kayo? Pasensya na po pero may iba pa kasi kaming customer na naghihintay ng vacant chair."

As usual, halos gabi-gabi na akong nag-iinom. At hindi ito alam ni Mama, hindi niya p'wedeng malaman dahil isang taon pa lang ang nakalilipas matapos ang heart transplant ko. Paano ko ito naitatago sa kanya? Umalis na pala ako sa bahay namin, dahil sobrang marami ng masasakit na alaala ang araw-araw na ipinapaalala sa akin ng bahay na iyon. Nangupahan ako ng apartment dito sa Manila at mayroon na rin akong trabaho. Alam kong masama ang loob sa akin ni Mama sa desisyon kong hindi na muna mag-college. Dahil sa sobrang dami nang nasa isip ko ay alam kong hindi rin naman ako makakapag-focus sa pag aaral.

Umiling-iling ako sa poging bartender na maraming tato. "Hindi na. Sorry din dahil nakatulog ako." Iniabot ko ang bayad sa kanya at umalis na.

Nasa labas na ako at hinihintay ang binooked kong Move It para umuwi na sa apartment ko. Binuksan ko muna ang Messenger ko. Hindi ko pinansin ang mga unread messages na nandodoon, agad kong sinilip ang section para sa Restricted accounts at doon ay nakita ko ang pangalan na siyang dahilan kung bakit ako nagkakaganito ngayon.

Vince Chang

Ang profile pa niya ay naka-eye glasses siya at nasa likuran niya ang Merlion.

Pipindutin ko na sana ang pangalan ni Vince, kaya lang bigla namang lumabas sa screen ang pagtawag sa akin ng na-booked kong Move It driver. Agad ko itong sinagot.

"Sir Macoy... Kayo po ba 'yang nasa kabilang kalye?" Lumingon naman ako sa kabilang kalye na nasa harapan ko, at nakita ko na nga siyang kinakawayan ako.

"Oo, sige. Wait mo na lang ako diyan." Dala ng kalasingan ay hindi ko na naisipan pang i-check ang kalsada na aking dadaanan. Mabilis akong humakbang para lapitan ang driver na naghihintay sa akin.

Isang malakas na tunog ng kotse ang nagpahinto sa akin.

Paglingon ko ay isang nakakasilaw na na liwanag mula sa head light ng kotse ang sumalubong sa akin.

At pagkatapos no'n ay hindi ko na alam pa ang mga sumunod na nangyari...

To be continue...

Mama Ko, Karibal Ko Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon