CHAPTER 12

1.8K 38 4
                                        

MAMA KO
KARIBAL KO
SONG: ANO NGA BA TAYO by JONA

(CHAPTER 12)

WARNING: MATURE CONTENT BELOW.

M A C O Y

"Kaya ba... Hindi mo bet si Mabeth ay dahil may ibang tao nang nagpapatibok sa puso mo?" Ang tinutukoy nitong Mabeth ay ang ka-schoolmate namin mula sa katabi naming classroom na patay na patay sa akin.

Pero sandali din akong napaisip sa sinabing iyon ng kaibigan kong si Andy habang nag-uusap kami sa phone bago ako nakapa-react. "Ulol!"

Tumawa lang siya sa naging reaction ko. "Oh, bakit hindi ka nakasagot agad? Siguro totoo 'no?..." patuloy niyang pang-aasar.

"Bro... Ang layo kasi ng tanong mo sa topic natin!" Ang pinag-uusapan namin ay ang project namin sa arts.

"Kung naguguluhan ka sa nararamdaman mo, let me explain kung ano ba ang mga senyales, na in-love ka na nga sa kanya... Malakas ba ang epekto niya sa 'yo? Na kapag kasama mo siya ay parang hindi ka mapakali kasi may mga salitang nakatago sa bibig mo na hindi mo maamin?"

"Ano ba bro?.. Tumigil ka nga!" Pero hindi niya ako pinakinggan kun'di ay nagpatuloy pa siya.

"Iyong bang para kang natatae dahil pakiramdam mo ay may mga paro-paro sa sikmura mo na nagliliparan dahil sa presensya niya?" Suko na ako sa kakulitan niya kaya hindi na lang ako nagsalita. "Pero.. kahit ganoon ang nararamdaman mo sa tuwing kasama mo siya, ay gusto mo pa rin siyang palaging nakikita... At siya ba ang dahilan kaya hindi ka madaling nakakatulog sa gabi sa kakaisip sa kanya? Ang kulit 'no? But that's the magic of love... babaguhin ka nito at guguluhin nito ang tahimik mong mundo hanggang sa mapaamin ka..."

"Ano bang pinagsasabi mo?"

"You know what I am talking about... Wala namang masama kung aamin ka? Bro, wala kang magagawa kung siya ang pinili ng pihikan mong puso. Sabi nga sa kanta, 'kapag tumibok ang puso, wala ka ng magagawa kundi sundin ito.'" At talagang kinanta niya pa ang lyrics habang nagsasalita siya.  "Kaibigan mo ako Bro, kaya susuportahan kita kahit sino man ang mamahalin mo." Iyan ang bagay na gusto ko sa kaibigan kong si Andy. Hindi sarado ang isip niya sa mga bagay-bagay na hindi madalas maunawaan ng mga tao.

Napalunok ako bago magsalita. "Bakit... Ikaw ba na-attract ka na din sa kapwa lalaki?" Mabilis na sumapo ang isa kong kamay sa nuo ko after kong ma-realized kung ano ang naitanong ko.

"Oy! So totoo nga? Gusto mo siya?" Patuloy nito sa panunudyo sa akin habang tumatawa.

"H-hindi ko siya gusto!" Puta! Palihim akong napamura dahil sa panginginig ng boses ko. Kaya lalo pa siyang natawa.

"Talaga... hindi..?" hindi kumbinsidong ani nito. "Pero sa tanong mo na kung na-attract ba ako sa kapwa lalaki? To be honest, hindi. Pero may mga kaibigan din akong Bi, na nagkakagusto din sa kapwa lalaki. May isa nga sa kanila na nagkagusto sa akin. Pero... Tropa lang talaga, e. Alam mo naman kung sino ang gusto ko hindi ba?"

Mama Ko, Karibal Ko Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon