CHAPTER 4

2.4K 49 3
                                        

MAMA KO
KARIBAL KO
SONG: ANO NGA BA TAYO

(CHAPTER 4)

M A C O Y

(A/N: WARNING SPG! There are too matured scenes in this chapter. Read at your own risk..)

Para akong yelo na bigla na lang nanigas sa aking kinatatayuan matapos kong masaksihan ang paghahalikan nila Mama at ng boyfriend niyang si Hans.

Talagang kailangan dito pa talaga sa hapagkainan sila maghalikan? Kainis.

Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko, hanggang sa matapos sila sa malalaswang pinaggagawa nila. Gusto kong mapahiya sila nang ma-realize nila, na hindi dito ang tamang lugar para gawin ang bagay na nasaksihan ko sa kanila.

Shet! Ano 'tong parang kumikirot sa puso ko?

Humugot ako nang hininga saka nagsalita. "P'wede na ba tayong kumain?"

Hindi kaagad sila nakapagsalita, dahil gaya ko ay nagulat din sila nang makita ako.

"A-anak... nandito kana pala.. T-tara kain, kumain na tayo."

Pare-pareho kaming tahimik na nagsimula nang kumain. Rice, Fried Chicken, at Sweet and sour tilapia—parang kaming tatlo; ang sweet nila habang umasim naman ang mukha ko kanina habang pinapanood sila.

Si Hans ang bumasag nang aming katahimikan, "Ah... Macoy, saan mo gustong mamasyal? Halos isang dekada ako sa America, kaya kating-kati na ang paa ko na gumala dito sa Pilipinas." Gaya ba nang pagkati ng bibig mo, kaya hinalikan mo ang mama ko? Tsk!

"Love... sigurado ka bang kaya mo na mag-travel? Hindi pa magaling ang sugat mo,"komento naman ni Mama.

"Ano ka ba, Love. Mababaw lang 'tong sugat ko. Mga isa hanggang dalawang linggo lang ay magaling na 'to."

"Sige, pero kailangan ko munang masigurado na magaling na nga 'yang sugat mo. Bago tayo mamasyal. Okay?"

"Opo, Love.." Malambing ang boses ni Hans na isinandal pa ang ulo sa balikat ni Mama. Sige pa, maglandian kayo sa harap ko. Nakakawala kayo nang gana..

Hindi ako kampante na tingnan silang dalawa habang naghaharutan kaya hindi ko na lang inalis ang mga mata ko sa pagkain at mabilis na kumain.

"Anak... dahan-dahan lang ang pagkain. Baka mabulunan ka ni'yan." Agad na tumayo na ako. Uminom muna ng tubig bago nagsalita.

"Tapos na ako. Babalik na ako sa kwarto ko. May assignment pa akong kailangang tapusin." Hindi ko na hinintay pang magsalita ang isa sa kanila, mabilis na akong tumalikod at naglakad.

Lumipas ang ilang oras. Malalim na ang gabi, pero heto ako't gising na gising pa. Habang pinipigilan ang sariling huwag tawagan ang number ng Papa ko. Nahihiya at awang-awa ako sa Papa ko dahil sa mga ginagawa ni Mama.

Pero sa huli, ay pinindot ko na rin nga ang number ng papa ko.

"Hello... sino 'to?" Boses babae ang nasa kabilang linya.

"Si Macoy. Anak ako ng may-ari ng cellphone number na ito."

"Oh... okay. Pero pwedeng tumawag ka na lang ulit mamaya? Busy pa kasi siya, e..." Nakaramdam ako ng inis sa tono ng babae, kaya hindi ako nagpadaig.

Mama Ko, Karibal Ko Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon