CHAPTER 20

1.2K 19 1
                                        

MAMA KO
KARIBAL KO
SONG: BE MY MISTAKE

(CHAPTER 20)


M A C O Y

Ang malamyos na musikang nililikha ni Hans sa bawat pagpitik nito sa kanyang gitara ang siyang gumising sa akin. Tinanggal ko ang oxygen mask sa bibig ko saka ako tumagilid ng higa para mas mapanood ko pa siya nang mabuti.

Nakaupo ito sa sofa na nasa gilid ng kama ko, at dahil sa malamig dito sa room ko kaya nakasuot siya ng kulay itim na leather jacket na tinernohan niya ng color white shirt, black pants at white rubber shoes.

Para siyang bokalista sa hitsura niya, lalo pa't napakahusay niyang tumipa ng gitara. Ramdam ko din na ang bawat tunog na nililikha ng strings nito ay hindi lang basta nanggagaling sa gitara kun'di nagmumula din ito sa kanyang puso.

Kusang sumilay ang mga ngiti sa labi ko habang pinagmamasdan ko ang gwapo niyang mukha na hinahalikan ng sinag ng araw.

Hindi naman siya nagsalita bagkus ay nagsimula na siyang kumanta..

Be my mistake
Then turn out the light
She bought me those jeans
The ones you like

Napapikit ako kasabay nang pagsisitaasan ng mga balahibo ko dahil sa lamig ng tinig niya at sa pinapakahulugan ng lyrics ng kanta niya.

I don't want a hug
I just wanna sleep
The smell of your hair
Reminds me of her feet

His voice is like a morning breeze...

So don't wait outside my hotel room
Just wait 'til I give you a sign
'Cause I get lonesome sometimes

Naging sunod-sunod ang pagsisituluan ng mga luha sa mga mata ko. Habang patuloy lang akong nakikinig sa kanya.

Save all the jokes you're gonna make
While I see how much drink I can take
Then be my mistake

Matapos niyang kumanta ay lumapit siya sa akin at marahan niyang hinalikan ang nuo ko. Pagkatapos ay hinawakan naman niya ang mga kamay ko at ito naman ang kanyang hinalikan.

Punong-puno ng pangako ang kanyang mga mata. Mga pangako na kahit iba ang sitwasyon namin sa sitwasyon ng karamihan sa mga nagmamahalan at mga pangako na kahit ano man ang mangyari ay hinding-hindi niya ako iiwan.

Iyon ang kanyang pinatunayan sa loob ng tatlong araw na naka-confine ako dito sa hospital. Sobra ang naging pag-aasikaso niya sa akin. Palagi niya akong pinapakain ng mga masusustansya at kahit kaya ko namang gamitin ang mga kamay ko sa pagkain ay hindi ko siya mapigilan sa kagustuhan niyang subuan ako.

At talo ko pa ang sanggol dahil siya din ang nagpapaligo sa akin. Kahit pa nga sa paggamit ng toilet ay ayaw niya pa akong lubayan. Ngayon alam ko na kung bakit madali siyang minahal ni Mama... Sino ba ang hindi mapapamahal sa tulad ni Hans?

"Why are you crying?" mahina niyang tanong, habang pinupunasan ang mga luha ko.

"Kasi pinapaiyak mo ako sa kanta mo," tugon ko.

"I'm sorry..." Umiling naman ako.

"No, thankyou... Thank you for loving me beyond my deserve, sa kabila nang hindi magandang pagtrato ko sa 'yo nung una. Your sweetness and caring for me was never failed." Mula sa pagkakahiga ay umupo ako para yakapin siya nang mahigpit.

Mama Ko, Karibal Ko Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon