MAMA KO
KARIBAL KO
(Chapter 50)
M A C O Y
Noong araw na iyon ay nasa likod lang ako ng aking nakapinid na pintuan, habang palihim na pinapakinggan ang usapan nila Mama at ni Vince bago ito umalis pabalik sa Singapore.
"Hindi mo na ba talaga hihintayin si Macoy? Gusto mo gising—"
"—huwag na lang, Auntie."
Hindi ko man sila nakikita ay alam kong napapabuntong hininga na lamang si Mama dahil sa maging siya ay alam nitong wala nang magagawa pa sa naging desisyon ni Vince, upang mapigilan ito na bumalik na sa kanila.
"O, s-sige, basta, mag iingat ka lagi doon ha...Kailan naman ang balik mo dito?" Kasunod niyon ay mahabang katahimikan.
"I don't know..."
"Vince, ba't ba kasi kailangan mo pang umalis?" Hindi ko na narinig pa ang naging sagot ni Vince, dahil hindi ko na pala namamalayan na habang nakikinig ako sa kanila ay basang-basa na pala ang pisngi ko ng mga luha.
Teka... bakit ba ako umiiyak? Hindi ko naman siya mahal, ah? Isa pa, mas mabuti na rin ito na magkalayo kaming dalawa, dahil ayokong paasahin siya sa wala.
Ngunit hindi ko maintindihan ang sarili ko.
Four months...
Four months na ang nakalilipas mula nung umalis si Vince. At ngayon ay miss na miss ko na siya. Araw-araw ko siyang naaalala. Sa tuwing nalulungkot ako ay ang mga pangungulit niya sa akin noon ang palaging nagbibigay ngiti sa mga labi ko. Siguro hindi ako magkakaganito ngayon kung may connections pa sana kaming dalawa. Sa four months niyang pagkawala ay hindi ko na siya nakausap pa. Hindi ko alam kung binlock niya ba ako sa FB at IG or sadyang nag-deactivate lang siya sa lahat ng mga social media accounts niya. Nagpalit na rin siguro siya ng mobile number, dahil hindi ko na rin siya matawagan sa Whatsapp nito at hindi na rin nagri-ring ang number niya kapag may pang-international calls ako.
I miss him so much.
Nagsisisi ako. Kung alam ko lang na mangyayari ito, 'di sana'y binuksan ko na lang ang pinto sa kwarto ko nang nag uusap silang dalawa ni Mama, no'ng umagang iyon bago siya tuluyang umalis. Sana nakapagpaalam man lang ako sa kanya nang maayos. Sana nakayakap ko siya...
"Sorry, Sir, Macoy. Mahigit apat na buwan na din pong hindi bumibisita dito sa restaurant si Sir Vince, e. Tumatawag lang po siya for updates about sa sales." Kita ko rin ang lungkot sa mukha ni Kate, nung muli akong bumisita sa Restobar ni Vince. Isang beses kada linggo akong nagpupunta dito, nagbabakasakali na madadatnan ko siya. Gusto kong masurprise siya, kaya hangga't maaari ay hindi ko pinapasabi sa mga staff niya na nagagawi ako dito.
"Ah, gano'n ba? Sige... kagaya ulit ng usapan natin, ha? Huwag mong sasabihin sa kanya na nagpupunta ako dito."
"Got it!" sabay pagsaludo pa niya sa akin. Culture na sa restaurant na ito ang pagsaludo sa mga nagiging guest nila. Bagay na ikinaiba nila sa nakararami, bukod sa kanilang mga produkto.
Akmang tatalikod na ako para umalis ay napalingon ulit ako dahil, "—Sir, wait! May pinapabigay pala sa 'yo si sir Vince." Dahil sa sinabi niya ay hindi ko maipaliwanag kung paano halos tumalon ang puso ko sa tuwa. Akala ko kasi nakalimutan na niya ako, e.
BINABASA MO ANG
Mama Ko, Karibal Ko
RomanceWalang pag aalinlangan si Macoy na isa siyang straight dahil kailan man ay hindi siya nagka-interest sa kapwa lalaki. Pero nagbago ang lahat nang makilala niya si Hans. Ang boyfriend ng mama niya. Galit siya kay Hans noong una dahil para sa kanya, i...
