MAMA KO
KARIBAL KO
SONG: PAG IBIG LANG - THE JUANS
(CHAPTER 10)
M A C O Y
"Do you want to see me nude too? Para quits na tayo..." Agad na umakyat sa mukha ko ang aking dugo dahil sa sinabi niya. Kung magsalita siya ay parang normal na bagay lang 'yon.
Itinapat ko ang kanang kamay ko sa mukha niya na naka, "Fuck you!" sabay sara ko ng pinto.
Huminga ako nang malalim. That asshole... Humanda ka talaga dahil bukas na bukas din, ay matitikman mo ang ganti ng isang api!
Arg!
Habang nagpapalipas ng oras ay isa-isa ko munang tinanggal ang mga laman ng box na binigay sa akin ng kumag na si Hans.
Sinuri ko isa-isa ang mga kagamitan para sa pagpi-painting; Mga brush, Palette, Canvases, Gesso, Graphite Pensils, Palette and Painting knives, Apron at iba pa. At dahil masyado akong natuwa ay hindi ko namalayang inaamoy amoy ko na ito. Actually matagal ko nang gustong bumili ng mga ganitong brand para sa mga paintings ko, kaya lang ay hindi talaga kaya ng budget. Pero ngayong may isang kumag na nagbigay sa akin nito, ay hindi ko na pinalampas pa. Bakit ba? Hindi naman kabawasan sa akin kung tatanggapin ko 'to. Basta magkaaway pa rin kami.
Nang maitago ko na sa closet ko kung saan ko specifically na inilalagay ang mga kagamitan ko sa pagpipinta ay humiga na ako sa kama. Oo, maaga ako matutulog ngayon kasi kailangan kong gumising nang napaakaaga bukas para simulan ang aking morning surprise para kay Hans.
Matapos kong i-set ang aking alarm clock ng 3 AM ay natulog na nga ako na may ngiti sa aking mga labi.
Bukas humanda ka Hans sa ganti ko sa 'yo... Nagkakamali ng kinakalaban.
Hanggang sa nagising na nga ako dahil sa malakas na tunog ng aking alarm clock. Hindi na ako nahirapang bumangon dahil sa sobrang pagka-excite na simulan na ang aking pinaplano.
Kaya naman ay dahan-dahan akong lumabas ng aking kwarto dala ang maliit na box ng mga tamtax. At dahil katabi lang naman ng kuwarto ko ang kuwarto ni Hans, ay madali akong nakaupo sa tapat ng pintuan ng kwarto niya at isa-isa kong inilatag sa sahig nito ang mga tamtax na dala ko.
Pigil ko ang matawa hanggang sa matapos ko na ngang ilagay ang mga tamtax na babaon mamaya sa talampakan ni Hans, pagkalabas nito sa kanyang kwarto. Ngayon pa lang ay na-i imagine ko na ang magiging hitsura niya habang dinadama ang sakit... ng aking paghihiganti. Mabuti nga sa kanya.
*Evil laugh*
Nang bumalik na ako sa aking silid ay nanood muna ako ng korean drama na pinamagatang Doctor's Strange habang nagpapalipas ng oras. Hanggang nang nasa kalagitnaan na nga ako ng aking panonood ay narinig ko na nga ang padaing na sigaw ni Hans. Tiniklop ko na ang aking laptop at nangingiting kinuha ko na ang aking tuwalya para maligo.
"Good morning!" Abot tenga ang ngiting bati ko sa kanya nang makita ko nga siya na dahan-dahang tinatanggal ang ilang tamtax na bumaon sa paa niya. "Oh... What happen? Does it hurt?" sarkastiko ko pang tanong.
"You did this?!" nagkikiskisan ang mga ngipin niyang tanong.
"Maybe..." Kibit-balikat kong sagot sa kanya at nilampasan ko na siya para magtungo na sa CR.
BINABASA MO ANG
Mama Ko, Karibal Ko
RomanceWalang pag aalinlangan si Macoy na isa siyang straight dahil kailan man ay hindi siya nagka-interest sa kapwa lalaki. Pero nagbago ang lahat nang makilala niya si Hans. Ang boyfriend ng mama niya. Galit siya kay Hans noong una dahil para sa kanya, i...
