MAMA KO
KARIBAL KO
(CHAPTER 30)
M A C O Y
Kanina ko pa napapansin na parang may mali. Ibang sasakyan na ang gagamitin namin ngayon papauwi, at ibang driver ang tumutulong sa amin sa paghahakot ng aming mga gamit. Si Mama naman ay halos hindi ko makausap dahil parang napaka-busy nito, palaging may kausap sa phone at mukhang wala pa sa mood.
Nagulat na lang ako nang biglang may tumapik sa balikat ko at ang nakangiting si Vince ang agad na bumati sa akin ng, "good morning!"
"G-good morning din!" Pilit ang pagngiti ko sa kanya. Saka niya ako hinila papasok sa loob ng aming sasakyan, habang palinga-linga naman ako dahil hinahanap ko pa rin si Hans.
Nasaan ba siya? Mukhang kanina pa siya wala.
Maya-maya pa'y nang matapos si Mama sa pakikipag-usap sa kung sino man, sa cellphone, ay nakasimangot na sumakay na rin ito sa van katabi ng driver.
Naalarma ako no'ng ini-start na nga nung driver ang van. "M-Mama... si Hans, nasaan na siya?"
"Nauna na siya," walang ganang sagot nito at nakita ko na lang sa rear-view mirror na nakapikit at mukhang matutulog na siya.
Sabi ko na nga ba, may mali. Ah! Nagkatampuhan siguro ang dalawa... Pero ano 'tong bumabagabag sa dibdib ko? Bakit kinakabahan ako? Marahil nag-o overthink na naman ako.
Nilingon ko muna ang katabi kong si Vince, na mukhang busy din sa kakakuha ng mga larawan sa labas habang umaandar ang aming sinasakyan. Kaya kinuha ko naman ang phone ko sa bulsa at pasimpleng nag-send ng text message kay Hans.
"Sa'n ka? Okay lang ba kayo ni Mama?" After ko ma-send iyon ay halos kalahating oras na ang nakalilipas ngunit wala pa rin siyang reply. Baka lowbat lang..
Muli naman akong niyugyog ni Vince para ipakita sa akin ang magandang tanawin na kinukuhanan niya ng video. Pinilit ko na lang na sakyan ang trip niya, kahit ang totoo ay na kay Hans lumilipad ang isip ko.
Sa ilang oras na biyahe at sa kakaisip kay Hans ay hindi ko naman namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lang akong nakarating na pala kami sa aming bahay.
Teka... hindi naman ito ang bahay namin, ah?
"Nasaan tayo?" tanong ko kay Vince. Dahil hanggang ngayon ay halos hindi ko pa rin makausap si Mama. Nananatili lamang itong walang imik. Nagkibit balikat lang si Vince sa tanong ko, dahil maging siya ay hindi rin alam kung nasaan kami. Sabagay hindi nga pala ito tagadito.
Sinundan na lang namin si Mama na pumasok sa isang bahay na medyo pamilyar sa akin. Feeling ko nakarating na ako dito dati, pero hindi ko na maalala kung kailan iyon.
Pagkatok ni Mama sa pintuan ay hindi din nagtagal ay may bumukas na niyon. Agad na nagyakapan ang dalawa saka tumingin naman sa amin ni Vince ang ginang.
"Ito na ba ang inaanak ko?" Nakangiting tumingin siya sa akin, sabay ginulo nito ang buhok ko. "Ang laki mo na Macoy, ah. May girlfriend ka na ba?" Sa katanungan niyang iyon ay bigla na lang akong nalungkot. Iyon din kasi ang unang tinanong sa akin ni Hans no'ng una kaming magkita.
BINABASA MO ANG
Mama Ko, Karibal Ko
RomanceWalang pag aalinlangan si Macoy na isa siyang straight dahil kailan man ay hindi siya nagka-interest sa kapwa lalaki. Pero nagbago ang lahat nang makilala niya si Hans. Ang boyfriend ng mama niya. Galit siya kay Hans noong una dahil para sa kanya, i...
