CHAPTER 47

496 12 0
                                        

MAMA KO
KARIBAL KO

(CHAPTER 47)

M A C O Y

Malinaw na ipinaliwanag sa aming dalawa ni Vince, ang plano ng mga Police sa pag uwi namin sa bahay.

"Hindi dapat maghinala ang Papa mo na kasama mo kami." Kabadong tumango-tango ako. "Are you ready?"

Dahil sa kaguluhan ng isip ko, ay hindi ako nakasagot kun'di ay napatulala lang ako sa Pulis na kumakausap sa akin. Hindi pa sana ako matitinag kundi ko lang naramdaman ang mga palad ni Vince na humaplos sa mga pisngi ko.

"Hey... hey," pagpukaw niya sa diwa ko. "Don't be scared. I'm here with you." And through my peripheral vision, I caught the disgusting reaction of the Police officer while his watching us right now. But I just ignore him.

"I-i know... I'm sorry p-pero kahit anong pilit ko, hindi ko magawang kumalma. Natatakot ako ng sobra, Vince.." tumungo ako dahil ayaw kong makita niyang umiiyak na naman ako. "Sobrang natatakot ako dahil baka kung anong gawin ni Papa kay Mama. Bakit pa kailangang humantong pa sa ganito ang lahat?"

"Listen boy. Lalaki ka naman 'di ba?" Nakita ko ang pagsama ng tingin ni Vince sa Pulis na nagsalita. "Kontrolado namin ang lahat. Kaya kung gusto mong mailigtas natin ang Mama mo, huwag kang duwag. Your Dad wants to see you there, so you two will go inside your house like normal, like nothing happened. And once he bit our bait—which is you, then we will proceed our next step." Kagaya nang sabi ng pulis. Ako nga ang gagawin nilang pa-in para mahuli nila si Papa na kasalukuyang hino-hostage ngayon si Mama sa loob ng bahay namin. Kailangang hindi manghinala si Papa na walang alam ang mga Pulis sa mga nangyayari at susundin lang namin kung ano ang gusto nito. "Now, go. And be a real man for your mother!"

"Shut the fuck up!" nagulat ako sa pagsigaw na iyon ni Vince sa Pulis.

"What did you say?" Pero imbes na sagutin ni Vince ang Pulis ay hinawakan nito ang kamay ko at hinila niya ako palabas ng Police Mobile na sakay namin na ilang metro ang layo mula sa bahay namin.

"Kaya natin 'to!" bulong niya pa, bago kami walang lingon na naglakad.

Sa narinig na pagbukas namin ng gate ay nakita ko ang paghawi ni Papa sa kurtina ng aming bintana. Napansin naman ni Vince ang panginginig ng mga tuhod ko habang sinasarado nito ang tarangkahan, kaya mas hinigpitan niya pa ang paghawak sa palad ko at makahulugang niya akong tinitigan.

"Hindi dapat tayo pumalpak." Bahagya akong tumango, at sabay kaming naglakad papasok sa pintuan.

Madilim ang buong bahay, kaya tinalasan ko ang mga mata ko habang nililibot ang paningin sa paligid.

"Mama!" hindi ko mapigilang isigaw. Ngunit wala akong narinig na pagtugon, kaya lalo akong kinakabahan.

Mula naman sa kusina ay lumabas si Papa na matiim kaming tiningnan.

"Huwag kang mag alala, buhay pa ang mama mo..."

Alam kong kailangan kong kumalma para mangyari ang plano namin, pero hindi ko napigilan ang sobrang galit ko kaya malalaking hakbang na nilapitan ko si Papa at handa ko na sana siyang suntukin pero mahigpit na nahawakan niya ang braso ko at napadaing ako nang bahagya niyang pinilipit iyon.

Mama Ko, Karibal Ko Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon