CHAPTER 34

548 11 2
                                        

MAMA KO
KARIBAL KO

(CHAPTER 34)

V I N C E

Kaagad na nawala ang antok ko nang paglabas ko ng kwarto ay nakita ko ang mga nagkalat na pulang likido sa sahig.

Dugo.

Lalo pa akong kinabahan nang sundan ko ang pinagmumulan ng dugo sa sahig at napagtanto ko na iyon ay nagmumula sa kwarto ni Macoy.

Hindi ako nagdalawang isip at mabilis kong binuksan ang kwarto niya. Hindi sana tama ang hinala ko na nagtangka na itong magpakamatay. Hindi kasi imposible iyon dahil sa depress siya.

Pagpasok ko ay bukas ang ilaw sa loob niyon at kulang na lang ay may sumigaw na "IT'S A PRANK!" dahil nakita kong mahimbing na natutulog lang pala si Macoy at malinis ang kanyang katawan. Walang bahid ng dugo sa kama o sa suot nito.

Kung gayon ay ano 'yung dugo sa sahig?

Ang katanungan kong iyon ay nasagot nang aking makita ang canvas na may nakapinta na mukha ni Hans na suot ang kulay pulang coat. At sa lapag naman ng canvas ay nagkalat ang mga painting tools na ginamit ni Macoy.

Kaya pala bukas ang ilaw ay marahil buong gabi itong nagpinta at sa sobrang pagod ay nakalimutan na nitong patayin ang ilaw.

Napasuklay na lang ako sa aking buhok at naiiling na pumunta sa banyo para kunin ang mop at linisin ang sahig.

Alas singko na nang madaling araw, at ngayon ang araw nang pag uwi ng mama ni Macoy galing sa Singapore. Hindi pa alam ni Macoy ang tungkol dito dahil nasabihan ako ni Jessica na huwag munang sabihin kay Macoy ang tungkol sa pag-uwi niya dahil gusto niyang surpresahin ang anak.

Pinagmasdan ko ang mapayapang mukha ni Macoy habang natutulog. How I wish na ganyan pa rin siya kapayapa hanggang sa paggising niya. Sobra din kasi akong naaapektuhan sa tuwing nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya. Saka ko nilapitan ang canvas kung saan ipininta ni Macoy si Hans.

Kung sana nauna lang akong makilala ni Macoy kaysa kay Hans. Hindi sana siya nagkakaganito ngayon.

Mabilis na lumipas ang oras at magte-ten na ng umaga nang lumabas si Macoy sa kanyang kwarto.

"Good morning! I prepared your breakfast," pagbati ko, pagkatapos ay pinatay ko na ang TV. Katabi lang kasi ng sala ang kwarto ni Macoy. Ang tinutuluyan ko namang kwarto ay ang kanilang guess room na kaharap naman ng kwarto ng mama niya na katabi naman ng kwarto ni Macoy.

"Thank you. P-pero wala akong ganang kumain, e."

"Are you sure? You have to eat before you take your medicine."

"Do I still needs to take my medicine? I'm okay now." Ito na naman siya. Ang tigas ng ulo.

"Okay, pero kailangan mong mag prepare dahil aalis tayo."

Kumunot ang nuo ni Macoy. "Kailangan ko ba talagang sumama?"

"Yes," maikling tugon ko. Nagkibit-balikat lang si Macoy saka siya muling bumalik sa kanyang kwarto para kuhanin ang kanyang tuwalya upang maligo.

Habang naliligo na si Macoy sa loob ng banyo, ay niligpit ko naman ang mga pagkain na nakatakip sa mesa para ilagay ang mga iyon sa loob ng ref, nang maistorbo ako dahil sa pagtunog ng telepono.

Mama Ko, Karibal Ko Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon