CHAPTER 18

1.4K 27 2
                                        

MAMA KO
KARIBAL KO
SONG: KAPAG AKO AY NAGMAHAL

(CHAPTER 18)

H A N S


WARNING: RATED SPG!!!


"Surprise!" sigaw ko, nang maialis ko na ang panyo na ipinangtakip ko sa mga mata ni Macoy.

Napatakip naman siya sa kanyang bibig dahil hindi niya maiwasan ang hindi mapanganga sa nakikita sa kanyang harapan.

Iyon ay isang brand new Toyoto Innova car.

"S-sayo 'yan?" hindi makapaniwalang tanong nito.

Umiling naman ako sa naitanong niya. "Sa atin 'yan. We both own this car! Fully paid na din 'yan kaya huwag ka nang mag-alala pa sa mga bayarin."

Napahawak siya sa kanyang dibdib sa sobrang tuwa, at tinawid ko naman ang distansya sa pagitan naming dalawa. Hawak ng dalawang kamay ko ang kanyang baywang, at sa ganoong posisyon ay hinalikan ako ni Macoy sa aking mga labi. Tumagal lang naman iyon ng mga tatlong segundo.

Matamis na ngumiti siya, hindi nga ako nabigo na ikatutuwa niya itong munting surpresa ko para sa kanya. Hindi lang ito, kun'di marami pa. Kulang siguro ang isang rolyo ng papel para mailista ang lahat ng mga plano ko para sa aming dalawa ni Macoy.

Mas masaya ako kapag nakikita ko siyang masaya. Wala na rin sa wakas ang dating Macoy na bugnotin.

"Pero... Paano ka nakabili nito?" Umupo naman ako sa bumper ng aking—este—aming bagong sasakyan.

"Ipon ko..." Sino mag-aakala na ang dine-day-dream lang natin dati ay puwede palang matupad? Ito ang eksaktong pangyayari na ini-imagine ko lang dati no'ng hindi pa kami nagkakakilala ni Macoy. I always dream about him. Siya ang nais kong makasama sa pagtupad sa mga pangarap ko.

Inilabas ko naman ang susi ng sasakyan mula sa bulsa ko at ipinakita ko ito sa kanya. "So... Tara?"

"Saan naman tayo pupunta?" tanong niya.

"You'll see..."

Pinindot ko ang susi ng kotse at sabay kaming pumasok sa loob. At dahil alam kong hindi pa nanananghalian si Macoy ay um-order na lang kami ng take-out food sa drive thru ng Mc Do. Kaya habang nasa biyahe ay kumakain kami.

At makalipas nga ang halos isa't kalahating oras ay nakarating na kami sa isang bundok na may sementadong daanan paakyat, para sa mga pumupuntang naka-sasakyan. Mas gusto ko dito dahil bukod sa hindi hussle ang pagpunta ay tahimik at nakaka-relax pa ang paligid.

Sa Angono nga lang pala ito..

"Bakit tayo nandito? Sorry ang ine-expect ko kasi..." Sa hindi malamang dahilan ay biglang namula ito at saka umiling-iling. "Wala-wala..."

Makahulugan ko naman siyang tinitigan, habang unti-unti kong inilalapit ang ulo ko sa mukha niya. Hindi naman niya inilayo ang mukha niya sa akin kaya madali lang nung halos magkalapat ang aming mga labi.

Halos—kasi nung magdidikit na ang mga nakatikom naming bibig ay bigla na lang siyang dumighay.

Marahan naman niya akong tinulak at tinakpan niya ang mukha niya sa hiya.

Mama Ko, Karibal Ko Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon