CHAPTER 28

718 11 1
                                        

MAMA KO
KARIBAL KO

(CHAPTER 28)


J E S S I C A

"I had to admit na hindi na maganda ang kondisyon niya." Ngayon ko na lang ulit nakita na ganoon ka-seryoso si Dr. Gomez-ang personal doctor ni Macoy, habang nagpapaliwanag ito patungkol sa kondisyon ng aking anak. Kaya naman ay hindi ko maiwasan na mamutla habang hinihintay ko pa ang mga susunod niyang sasabihin. "Bahagyang lumaki ang butas sa puso ng inyong anak. Mas delikado ito kasi baka hindi natin alam, na maybe next time ay hindi na kayanin pa ng puso niya, kung sakali mang may mangyari ulit. Kaya naman I suggest, na sa loob ng anim na buwan ay ma-operahan na siya."

Bagaman hinanda ko na ang sarili sa anumang sasabihin ng Doctor, ay hindi ko pa rin maiwasan na hindi mabigla. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko at agad akong napakapit sa arm chair nang tila nahilo ako, matapos na marinig ang sinabi ng Doctor.

"S-sa loob po ng a-anim na buwan?" kandautal kong ulit na tanong. Pinilit ko na lang ang sarili ko na magsalita. Hindi kasi biro ang sinasabi nitong operasyon. Bukod sa nakasalalay dito ang buhay ng aking anak, ay saang kamay naman ako kukuha ng milyon-milyong gagastusin para sa pagpapa-opera ko kay Macoy? Lalo na sa loob lamang ng anim na buwan.

Tumango lamang ang Doctor bilang sagot sa aking katanungan. Kaya tinatagan ko pa ang loob ko para ihanda muli ang sarili sa magiging sagot nito sa aking susunod na tanong. "Magkano naman nagkakahalaga ang operasyon ng anak ko?"

Ilang segundo niya muna akong tinitigan bago ko narinig sa kanya ang sagot. "Sagad na ang 1.5 million. Pero alam mo na naman siguro na kapag heart transplant ay higit pa diyan."

Dahil sa nakapanlulumong naging usapan namin ni Dr. Gomez, kaya lutang ang isip ko habang naglalakad pabalik sa room ng aking anak.

"1.5 million..."

Paano kaya ako makakaipon nito? Ibebenta ko na lang siguro ang aming bahay.

Nasa ganoon akong pagmumuni-muni nang magulat ako dahil sa biglang may humatak sa braso ko. Kaya't kamuntikan ko pa siyang masampal. Pero mabuti't hindi ko iyon natuloy dahil madudumihan lang ang kamay ko kapag nadampi pa ito sa makapal niyang pagmumukha, lalo na nang mapagsino ko siya-walang iba kundi ang taong labis kong kinasusuklaman.

Si Recardo, ang ex-husband ko-ay hindi pala, dahil hindi naman kami kinasal.

"Bitawan mo ako kung hindi, babayagan kita." Mukha man akong mahinahon, pero dahil sa nakita ni Recardo na expression ko ay bahagya naman siyang dumistansya sa akin. Kilala kasi ako nito kung paano magalit, na parang isang bulkan na kalmado lang, pero hindi mo inaasahan ay bigla na lang pa lang sasabog.

"Kailangan nating mag usap."

"Bitawan mo ako!" napalakas pa ang boses ko nang hilahin ko ang braso ko mula sa kamay niya "Wala na tayong dapat pag usapan pa."

"Tungkol ito sa lalaki mo." Napangisi lang ako. Ano na naman kayang paninira ang sisimulan nito? At sa palagay niya ba ay mapapaniwala niya ako? Nagpapatawa ba siya?

"Hayop ka!" Itinulak ko siya. "Bakit mo ba siya ginulpi?! Anong kasalanan niya sa 'yo?!"

"Ganyan ka na ba talaga kahibang, ha? Jessica! Niloloko lang kayo ng lalaking iyon." Tiningnan ko lang siya mula ulo hanggang paa, saka puno nang pandidiri ang mga mata ko nang muling magtama ang mga paningin namin.

Mama Ko, Karibal Ko Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon