MAMA KO
KARIBAL KO
(CHAPTER 32)
M A C O Y
Mapalad daw ako dahil maganda ang naging resulta ng heart transplant ko. Kaagad na nag-adjust ang katawan ko. Isang himala kung ituring dahil hindi na ako dumaan pa sa mga kumplikasyon. Na para bang ang puso na ikinabit sa akin ay akin din mismo at hindi pagmamay-ari ng iba. Dahil para bang kilala ng sistema ko ang puso na iyon.
At kagaya nang advice ng Doctor, ay hindi muna nila ako pinayagang umuwi ng bahay, hanggang sa tuluyan nang maghilom ang mga tahi sa dibdib ko, matapos ang aking naging operasyon sa puso. Iyon ay upang hindi daw ako masyadong maging sentimental dahil sa mga mapapait na alaala sa mga nangyari, kagaya na lang nang pagkawala ni Hans. Maaaring makasama daw kasi iyon sa aking kalagayan.
Kinakailangan ko ring huminto muna sa pag aaral, para masigurado ang tuluyang paggaling ko.
Kaya for two months ay pina-stay muna ako ni Mama, sa bahay ng pamilya Chang sa Singapore.
I miss Hans so bad. In fact, ay hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsi-sink in sa utak ko ang katotohanan na wala na nga si Hans, gaya nang sabi nila.
Sa loob ng dalawang buwan na pamamalagi ko sa bahay nila Vince ay bibihira nila akong makausap. Kung magsasalita man ako ay mabibilang mo lang sa sampong daliri mo ang mga salitang mabibigkas ng bibig ko bilang pagtugon sa tuwing kakausapin nila ako. Kahit ang ngumiti man lang sa kanila ay hindi ko na magawa.
"I miss your smile, Macoy." Iyon ang minsang sinabi sa akin ni Vince nang hatiran niya ako ng breakfast, dahil alam nitong kagabi pa ako hindi kumakain dahil sa kawalan nang gana.
Sa loob ng dalawang buwan, walang ibang laman ang isip ko, kun'di si Hans lamang.
Walang araw na hindi ako lumuluha. At kung hindi dahil sa mga gamot na pinapainom sa akin ay hindi pa ako makakatulog. Pero mas gusto kong matulog na lang. Dahil sa mundo na binubuo ng aking isipan habang nakapikit ang aking mga mata ay nakikita ko siya... Nahahawakan, nayayakap, at nahahalikan. Sa panaginip ko ay buhay na buhay si Hans at napakasaya naming dalawa.
Isang pangako niya ang patuloy kong pinanghahawakan. At iyon ay ang hindi niya ako iiwan.
Kaya naniniwala ako, na hindi pa patay si Hans. Nangako siya... At alam kong tutuparin niya iyon.
"Gusto mo na ba siyang makita?" iyon ang tanong ni Mama na biglang bumuhay sa dugo ko. Kaya mabilis akong bumangon at hindi ko inalis ang tingin ko sa mga mata niya at mahigpit ko ding hawak ang mga kamay niya. Dahil gusto kong makasigurong hindi ito isang panaginip at hindi siya nagbibiro sa kanyang mga sinabi.
Tumango-tango naman ako at nagpunas muna ng mga luha bago nagsalita. "I miss him Mama... Gustong-gusto ko na siyang makita."
May pait sa kanyang mga ngiti habang hinahaplos niya ang mukha ko. "Okay, you will go home. But you have to promise me that once you go back to the Philippines. You will move on. Ayaw ni Hans, na makikita kang ganyan."
And for the first time, mula nang magising ako matapos ang aking operasyon ay nagawa ko ulit ang ngumiti.
Sa sobrang excited ko ay para bang kating-kati na ang mga paa ko na muling makatapak sa lupa ng Pilipinas. Nasa eroplano pa lang kami ni Vince ay halos hindi na ako mapakali. Si Vince ang pinasama sa akin dahil sa kinakailangang magtrabaho ni Mama.
BINABASA MO ANG
Mama Ko, Karibal Ko
RomanceWalang pag aalinlangan si Macoy na isa siyang straight dahil kailan man ay hindi siya nagka-interest sa kapwa lalaki. Pero nagbago ang lahat nang makilala niya si Hans. Ang boyfriend ng mama niya. Galit siya kay Hans noong una dahil para sa kanya, i...
