MAMA KO
KARIBAL KO
(CHAPTER 40)
M A B E T H
"Guys, let's — go..." Pare-pareho kaming natigilan, maging ang nagsalita ng kararating lang na si Vince, matapos nitong mag check-in para sa flight namin ngayon pabalik ng Maynila.
Nakakapanindig balahibo! Paano ba naman kasi ang kaninang nasa likuran ni Macoy, ay akala namin na si Hans; Sa hitsura, sa tangkad at sa kulay ng balat ay magkaparehong-magkapareho kasi silang talaga! Kung hindi pa nga magsasalita 'yung lalaki ay hindi pa naming malalaman na hindi siya si Hans, kun'di si Michael. Tatakbo na sana kami.
Nakapagpadagdag pa ng kaguluhan sa isip namin ni Andy, when it turns out na magkakakilala pala silang tatlo. How come? Dahil in two days na magkakasama kami ay wala naman silang nababanggit na si Hans pala ay may kakambal.
Then unti-unti ay luminaw na sa akin ang lahat nang mapakinggan ko ang side ni Michael, habang nagla-lunch kami sa isang fastfood dito sa loob ng airport. Na-delay kasi ang flight namin, mga 2 hours pa kaya may time pa kami para makipagkwentuhan.
Ayon dito, nagkakilala pala sila ng Mama ni Macoy sa Singapore, at nung time na 'yon ay kaka-break lang nila ng five years girlfriend/ka-live in niya, dahil sa ipinagpalit siya nito sa bestfriend niya. Ang lahat ng mga pangarap at mga plinano niya para sa kanilang dalawa, sa isang iglap ay biglang gumuho. Ang masakit pa, hindi lang ang girlfriend niya ang tumarantado sa kanya kun'di pati ang bestfriend niya na binilinan niyang bantayan ang girlfriend niya habang wala siya dahil nagtatrabaho siya sa Singapore.
"I'm very sorry," nakatungong sabi ni Macoy. After nang siya naman ang nagpaliwanag kay Michael ng mga nangyari, na kaya niya iyon nagawa sa kanya ay dahil pinapaalala nung lalaki kay Macoy, si Hans.
Two sides of hearthbreaking stories.
"It's okay. Masyado lang kasi akong nabigla nung pumasok ka sa kwarto. Pero ngayong narinig ko na ang istorya mo kung sino ba si Hans sa buhay mo ay nauunawaan ko na. Pakisabi na lang sa mama mo, na humihingi ako ng tawad sa kanya sa lahat ng mga nasabi ko."
Ibinaba ko ang juice na iniinom ko habang nakikinig sa kanila saka ako naman ang umeksena.
"Tama na nga muna 'yang drama na 'yan. Pero Michael, anong apelyido mo?" Umasim naman bigla ang mukha ni Michael dahil sa out-of-no-where na tanong ko dito. Hindi pa rin kasi ako kumbinsido na hindi sila magkambal ng namatay na si Hans, sa kabila ng pagde-deny nito. Para silang pinagbiyak buko.
"Nuezca, bakit? Iniisip mo pa rin ba na magkakambal kami ni Hans? Haha ang layo ng apelyido ko sa apelyido niyang Samonte. At saka, hindi lahat ng mga magkakamukha ay magkakambal. Maniwala kayo, mayroon pang tatlo hanggang apat na tao sa buong mundo ang nabubuhay na kamukhang-kamukha niyo. According to science, we all have a doppelgangers."
Umakbay ako kay Andy na katabi ko. "So, Michael, ilang taon kana?"
M A C O Y
"Twenty seven."
Nagkatitigan kami ni Mabeth sa naging sagot ni Michael sa tanong nito sa kanya, saka biglang nag-flashback sa akin ang alaala noong unang beses kaming magkaayos ni Hans, nang ikwenento nito sa akin ang kanyang buhay tungkol sa paghihiwalay ng mga magulang niya. Nasabi rin sa akin ni Hans na may kakambal siya pero hindi niya alam ang pangalan, dahil kasisilang pa lang daw nila no'n nung kunin ng biological father niya ang kakambal niya bago pa man sila mabigyan pareho ng pangalan. Noong nasa sinapupunan pa daw kasi sila ay madalas nang hindi magkaayos ang mga magulang niya kaya kahit sa magiging pangalan nila ay hindi pa napag-usapan ng mga ito.
BINABASA MO ANG
Mama Ko, Karibal Ko
RomanceWalang pag aalinlangan si Macoy na isa siyang straight dahil kailan man ay hindi siya nagka-interest sa kapwa lalaki. Pero nagbago ang lahat nang makilala niya si Hans. Ang boyfriend ng mama niya. Galit siya kay Hans noong una dahil para sa kanya, i...
