MAMA KO
KARIBAL KO
(Chapter 49)
V I N C E
"Ahhhh..." napaungol sa sarap si Macoy, pagkatapos ay dinilaan niya ang natitira pang gatas sa kanyang labi nang maubos niya ang laman ng basong hawak niya.
"Thank you. That's we called, SG Milk, made from cow and goat's milk. And of course we added some secret ingredients." Muntik pa akong matawa nang bigla siyang napangiwi. Hindi ko lang sure kung saan siya biglang nandiri. Kung sa gatas ba ng kalabaw or sa gatas ng kambing or maybe both.
"This is good!" Sa lasa wala akong duda sa naging sagot niya. Pero kung sakaling nalaman niya siguro no'ng una pa lang kung saan galing ang gatas na iinumin niya. Doon na ako magdududa kung gugustuhin niya pa bang uminom nito. "Nakaka-amazed lang na hindi lang pala mga masasarap na pagkain at magagandang klase ng alak ang ino-offer ng restaurant mo. Kun'di, pati na din gatas," pinakita niya sa akin ang kinuha niyang larawan gamit ang phone nito sa ininom niyang gatas kanina. "Alam mo ipo-post ko 'to sa facebook para naman mas dayuhin pa 'to nang nakararami. Lalo na itong SG milk! Grabe! For sure, papatok 'to sa mga milk lovers diyan na gaya ko."
"Thank you." Tumabingi ang ulo niya para pagmasdan pa ako nang maigi.
"Alam mo, ang cute mo pala. Mas pogi ka kapag nakasalamin."
Napangisi ako. "Talaga? Nahulog kasi kanina sa tiles ng CR ang kapares ng contact lens ko, kaya napilitan akong magsuot nito. Pero dahil sa sinabi mo, hindi na ako magko-contact lens pa."
Actually teenager pa lang ako, nung magsimulang lumabo ang mga mata ko. Pero dahil hindi ako kumportable sa pagsusuot ng salamin kaya nagko-contact lens na lang ako na may grado. Nasa genes kasi namin ang pagkakaroon ng poor eyesight, gaya na lang ng daddy ko.
"Sus!" at marahan niya akong hinampas sa balikat na ikinatawa ko lang. Pero medyo nasaktan ako dahil nasagi niya ang sugat ko. "Porket ba, sinabi ko lang na mas cute ka kapag nakasalamin, e. Magsasalamin ka na forever?" umismid ito.
"Mas," I try my best to make a sexy tone. Kahit iniinda ko pa rin ang pagsakit ng sugat ko sa balikat dahil sa paghampas niya. "Nakikita ko kasi ang magiging future ko. Kapag nakasalamin ako."
"Naku, sorry ha... May sugat ka pala diyan. Masakit ba?" Ano bang meron sa boses niya? Dahil ang mapakinggan ko lang ang boses niya na may pag aalala ay napapawi na ang pisikal na sakit na nararamdaman ko.
Dalawang linggo na ang nakalilipas mula nung mangyari ang panghohostage ng Papa niya sa bahay nila. At masaya ako dahil bumabalik na ang dating masiglang si Macoy na nakilala ko.
"Hoy!" Bahagya niya akong niyugyog. Nawala pala ako sa sariling nakatitig lang sa kanya. "Ang sabi ko, masakit pa ba 'yang sugat mo?"
Nagkibit-balikat ako at bago sumagot ay nagawa ko pang itaas ang braso ko para ipakita sa kanya ang muscle ko. "Hindi na..." dahil sa tama ng bala sa balikat ko ay dalawang linggo din akong pinahinto muna ni Coach Lim sa pagwo-work out, iyon ay para hindi mapwersa ang balikat ko na may tahi pa. Gayon pa man, ay nagpu-push ups, curl ups at bicep curls pa rin ako sa loob ng aking kwarto. At oo, dahil sa pagkapasaway ko sa advice sa akin ni Coach Lim ay makailang beses na nagdugo at namaga pa nga ang sugat ko sa balikat. But I don't care. Work out is life.
BINABASA MO ANG
Mama Ko, Karibal Ko
RomanceWalang pag aalinlangan si Macoy na isa siyang straight dahil kailan man ay hindi siya nagka-interest sa kapwa lalaki. Pero nagbago ang lahat nang makilala niya si Hans. Ang boyfriend ng mama niya. Galit siya kay Hans noong una dahil para sa kanya, i...
