MAMA KO
KARIBAL KO
SONG: KABILANG BUHAY
(CHAPTER 14)
M A C O Y
Life was really full of surprises...
The sounds of waves was beyond the great music. The cold and fresh air and beautiful view makes me realize how wonderful our world is. The grains of sand that I trampled with my toes was enough to make me feel how special this day was. Of course, because of him. He makes the most beautiful morning I've ever have in my life.
Kaya sino bang mag-aakala na ang pinaka-magandang umaga ng buhay ko ay mauuwi lang sa isang gabi ng bangungot?
Habang ikinakampay ko ang mga kamay ko at pinipilit ang sarili na makaahon sa katawan ng dagat na pilit na lumalamon sa pagal kong katawan, ay may matitigas na bisig ang biglang yumakap sa akin. Hindi ko na kailangang makita pa kung sino iyon dahil alam kong iyon ay si Hans..
"Kumapit ka lang..." Kinakapos na rin siya sa paghinga habang tinutulungan niya akong lumangoy.
Ilang beses pa akong nakalunok ng tubig bago ko nagawang magsalita. "P-pero paano ka?" nag aalalang tanong ko.
Alam kong tulad ko ay hirap na hirap na din siya. Lalo pa't bibit niya pa ako.
"Don't worry about me."
"I can't move my legs." Nanghihinang pag amin ko. Kung hindi niya siguro ako hawak ay baka tuluyan na akong lumubog at hindi na makaahon pa. Pero ito siya, inililigtas niya ulit ako sa ikalawang pagkakataon.
"I'm here, huwag kang matakot." Umiling ako.
"P-please, save your own life." Hindi madaling sabihin sa akin iyon. Siyempre ayokong may mamatay sa aming dalawa. Pero ang pagkakataong ito na mismo ang nagbigay sa amin nang kailangang pagpilian.
I choose to surrender my own life for him. Dahil alam kong mas deserve niya ang mabuhay kaysa sa akin.
May sakit ako na araw-araw nagbibigay death threats sa akin, limitado lang din ang kakayahan ko. Samantalang siya ay marami na siyang napagdaan at napagtagumpayan na mga hamon ng buhay sa America, at ayokong lamunin lamang ng dagat na ito ang lahat ng iyon at ang lahat nang kaya niya pang marating.
"Shut the fuck up! Just stay still!" Mapait na ngumiti ako sa unang pagkakataon na makita siyang nagalit.
"My mom is gonna kill me if you die. So, if you die, we're both gonna die at the end."
"I said, shut the fuck up. Wala sa ating mamamatay! Fuck! Help us! Please, heeeeelp!" pagsigaw niya. Ngunit sa muling pag alon ng malakas na tubig ay sumalpok sa ulo niya ang bangkang aming sinasakyan kanina, na naging dahilan kaya biglang lumuwang ang mahigpit niyang paghawak sa akin.
May mga dugo ding nagkalat sa tubig. Pero nang muli akong umahon sa saglit naming pagkalubog ay hindi ko na nakita pa si Hans.
Gustong kong sumigaw... Pero hindi na nag re-responce pa ang katawan ko. Sa sobrang shocked ay napatulala na lang ako sa kawalan habang unti-unti ko na lang hinahayaan ang sarili ko na tangayin ng malalakas na mga alon.
BINABASA MO ANG
Mama Ko, Karibal Ko
Roman d'amourWalang pag aalinlangan si Macoy na isa siyang straight dahil kailan man ay hindi siya nagka-interest sa kapwa lalaki. Pero nagbago ang lahat nang makilala niya si Hans. Ang boyfriend ng mama niya. Galit siya kay Hans noong una dahil para sa kanya, i...
