CHAPTER 21

1K 20 2
                                        

MAMA KO
KARIBAL KO

(CHAPTER 21)

M A C O Y

Umiling ako na lalong ikinasama ng mukha ni Mabeth, kapagkuwan ay pagak siyang tumawa.

"No way! Wala pa nga tayong isang buwan na magkarelasyon nagsasawa ka na kaagad sa akin? Tell me, ano bang mali at kulang sa 'kin, 'bat hirap na hirap kang mahalin ako?!" Nangingilid na ang mga luha niya na anumang oras ay maari nang tumulo.

Umiling ulit ako. "Walang mali o kulang sa 'yo Mabeth—"

"—Iyon naman pala, e! Pero bakit? Bakit nakikipaghiwalay ka na?!"

"Kasi... kasi..." fuck! Bakit ngayon pa ako naduwag? Huminga ako nang malalim at muling nagpatuloy sa pagsasalita. "Kasi—"

Isang malakas na sampal ang natanggap ko mula kay Mabeth, na nagpalingon sa iba pang mga tao na kumakain din sa loob ng restaurant na iyon. Hindi pa siya nakuntento at ibinuhos niya pa sa mukha ko ang lemon juice niya. Dahilan kaya napatigil at hindi na naituloy pa ng waiter na ilapag sa lamesa namin ang mga pagkain na in-order ko kanina para sa aming dalawa.

"You deserve that!" Mapagkumbabang tumango naman ako, tinatanggap ang lahat ng mga sinasabi niya. "Nagkamali ako nang pagkakakilala sa 'yo. You're an asshole! I hate you!" bulalas niya, saka siya mabilis na naglakad palabas ng restaurant.

That's harsh, but at least, natapos na rin ang problema ko kay Mabeth.

"Sir... Okay lang po ba kayo?" concern na tanong naman ng waiter. Hawak pa rin nito ang tray na naglalaman ng mga in-order ko.

May ngiting tumango naman ako at inilapag ko sa table ang pera na bayad ko sa mga in-order ko.

Pagkatayo ko ay tinapik ko pa ang balikat nung waiter. "Keep the change."

Hindi ko na siya hinintay na makapagsalita at lumabas na rin ako sa restaurant.

Sa mga sumunod na araw ay hindi ko na nakikita si Mabeth sa eskwelahan. Nakuha pa ngang magbiro ni Andy, na kaya daw ito palaging absent ay dahil sa nagpapagaling lang daw ito ng sugat sa kanyang puso. Kaya huwag ko na raw hanapin pa dahil baka umasa na naman ang tao.

Hanggang sa ang mga araw ay naging mga linggo at ang mga linggo ay naging isang buwan.

Isang buwan na nga ang lumipas pero hindi na pumasok pa si Mabeth sa eskwelahan. Kaya naman ay nagsisisi at nakokonsensya pa rin ako hanggang ngayon. Hindi dahil sa pakikipaghiwalay ko sa kanya, kun'di dahil ginamit ko siya at hindi ko iyon nagawang aminin sa kanya noong araw na huling beses ko siyang nakausap sa restaurant.

Iyon ang laman ng isipan ko, hanggang sa tapikin ako ni Hans mula sa tabi ko. Nasa loob kami ngayon ng eroplano papuntang Singapore.

"Okay ka lang?" nag aalala niyang tanong.

Ngumiti naman ako. "Oo naman..."

"Are you sure? Ang tahimik mo kasi... Ito pa naman ang first international travel natin, pero mukhang hindi ka naman excited."

"Naaalala ko lang kasi si Mabeth," pag amin ko at muling tumingin sa bintana. Napalingon lang ako sa kanya nang maramdaman ko ang malamig na palad niya na humaplos sa kamay ko.

Mama Ko, Karibal Ko Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon