SIGURADONG PANALO NA TAYO!

322 23 10
                                    

Chapter VIII

Nicholas Noah Point of View

"Mukhang hindi yata maganda ang mood ng tropa ko ah!" rinig ko sa likuran ko sabay lapag ni Denver ng maliit niyang bag.

"Okay lang yon tol. Bawi nalang sa susunod, kailan ba ulit ang next game?" singit naman ni Julius sa kanang bahagi ko.

"Hindi naman tungkol dun sa laro. Tungkol kay Ie-"

"Goodmorning! Masiglang bati ni Cheska samin kasabay si Maica.

"Mukhang goodvibes na goodvibes ah!" bati ni Denver sa kanilang dalawa bago pa man sila makaupo.

Hindi rin nagtagal ay dumating na ang prof namin dahilan para umayos na kami ng pagkakaupo. Terror kasi itong prof na ito. Madalas bigla bigla nalang magtatawag ng pangalan at tatanungin ng hindi naman konektado sa lesson.

"Noah" mahinang pagtawag sakin ni Denver. Hindi ko iyon inintindi dahil hawak ko palihim ang cellphone ko.

Flashback

"Hindi mo ba ako kakausapin?" tanong ko sa kanya habang nakaupo kaming dalawa dito sa bench ng covered court ng Arayata Complex. Mag-iisang oras na kasi kaming nakaupo dito pero walang naglalakas ng loob na basagin ang katahimikang bumabalot saming dalawa.

"Sorry na Ien..." dugtong ko at bahagya akong umusod palapit sa kanya.

"Aksidente kasing nadumihan ang damit ng kaklase ko. Kaya ayun, pinagamit ko muna yung jersy ko" paliwanag ko. Alam ko kasi na kasalanan ko rin ang nangyari.

Hindi pa rin kasi siya nagsasalita. Nananatiling nakatingin lang siya sa gitna ng covered court.

"Sorry na Ien... Hindi na mauulit.... Promise..." dugtong ko at niyakap ko siya ng mahigpit.

"Okay na Oah. Basta wag na mauulit ha..." tanging nasabi ko nalang sa kanya.

Okay sige Oah... Kita nalang tayo mamayang hapon. Ingat ka ha. Labyu Oah.

Huling message na na-recieve ko mula kay Ien. Ramdam na ramdam ko nga ang ka-excitedan sa mga chats niya e.

"Noah!!" muling tawag sakin ni Denver.

"Baket ba! Baka mamaya mapansin pa tayo ni Sir. Ang ingay ingay mo" inis na sagot ko.

"Bengol kanina pa wala si Sir!" sabay turo niya sa iniwang quiz na nakasulat sa whiteboard.

"Halfday lang tayo Noah. May lakad tayo" singit ulit ni Julius at lumipat ng upuan sa harapan ko.

"Anong halfday? Wala naman announcement ah! May quiz pa nga tayo kay Maam Flores" takang tanong ko sa kanya habang kinokopya ko ang nakasulat sa white board.

"Birthday ko Noah. Gusto ko sana i-celebrate na kasama kayo. Kayo lang naman ang kakilala at kasundo naman dito" sagot ni Maica na nasa likuran ko habang nakapatong ang dalawang kamay sa magkabilang balikat ko.

"Hindi ako pwede tol eh... May usapan na kami ni Ien.." pagtanggi ko.

"Alam mo Noah kaya hindi mo pa naeexperience yung ibang mga bagay kasi hindi ka umaalis sa comfort zone mo. Nakapokus ka sa iisang tao" –Denver.

Magsasalita pa sana ako pero mabilis na hinila ni Julius ang kamay ko at lumabas na kami ng eskwelahan.

End of Flashback

Isang linggo na ang lumilipas, hindi pa rin nagrereply sa mga chat at message ko si Ien. Hindi rin niya sinasagot ang paulit ulit kong pagtawag sa cellphone niya.

"Noah 8pm ang game mamaya. Agahan daw sabi ni coach" sigaw ng isa sa mga ka-team ko.

"Oh wala ka nanaman sa sarili mo. Hindi pwedeng ganyan mamaya. Baka matalo nanaman kayo" sabi ni Denver.

"Cheer ka naming mamaya Noah" ngiting singit naman ni Maica.

"Tol hindi muna ako lalaro mamaya. Susunduin ko si Ien. Gusto ko siyang makausap. Sigurado kasing inaantay rin ako nun" sabi k okay Denver habang inaayos ko ang gamit ko.

"Hindi naman sa pinipigilan kita Noah. Alam mo naman na isa ka sa inaasahan sa team niyo. Maiintindihan naman ni Chrien kung sakaling hindi mo muna siya mapuntahan diba, may ibang araw pa. Tapusin mo muna ang laban niyo" –Denver

"Pero pre mas importa-"

"Maiintindihan ka non. Mahal ka non. Diba sabi mo nung huling laro niyo, sabi mo babawi ka. Suportahan ka naming mamaya sa game niyo. Sagot ko na alak kapag nanalo kayo" mahabang litanya ni Denver.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Kailangan manalo tayo. Kailangan bumawi" bilin samin ni coach.

Nagsisimula na kaming mag-warm up. Nasa open court kami ngayon na nasa tapat ng park. Marami na ring taong nakaabang sa magiging laro namin. Nagchat ako kay Ien sinabi kong may laban kami at sinabi ko rin kung saan. Sana panoorin niya ako. Pero plano ko na rin puntahan ulit siya sa bahay nila pagkatapos ng game namin. Gusto kong humingi ng patawad sa nagawa ko. Yayayain ko siyang lumabas mamaya. Alam ko naman na hindi rin ako matitiis ni Ien. Tulad nga ng sinabi ni Denver mahal ako nun.

"Mukhang maganda mood mo ngayon ah" sita sakin ni Jake matapos itira ang bola.

"Mukhang naka-iskor ka nung anniversary niyo ni Chrien no?" dugtong ni Jake.

Buti nalang walang alam tong si Jake sa nangyari kundi siguradong pati ito magagalit sakin.

"Ayan na pala ang inaantay mo Noah eh. SIGURADONG PANALO NA TAYO!"

Mabilis akong lumingon sa gilid na bahagi ng open court at nakita kong nakatayo si Ien.

Binitawan ko ang bolang hawak at dahan dahan kong inihahakbang ang dalawang paa ko papalapit sa kanya.




Author: Pasensya na po at late na ako mag-update. Napakadami po talagang ginagawa. Maraming salamat po sa pag-aantay. :) 


Pahingi naman po ng reaction sa mga books ko na nabasa niyo. Papost sa fb ko. Yieeee promise mag-a-update ako madalas. Maraming salamat po :) 

Ang Manliligaw Kong Bully Book VITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon