Truth!

315 17 10
                                    

Jairus Cael Castillo Point of View

"Hoy Jairus wala ka bang balak kumain ng lunch? Kanina ka pa parang lutang" untag sakin ni Jay.

"Nasaan si Yen Yen ko?" mabilis kong tanong sa kanya nung napansin kong wala na pala kaming ibang kasama dito sa loob ng room.

"MO? Sure ka iyo?" kasunod nun ay ang pagtawa ni Jay.

"Kanina ka pa niya tinatawag at niyayakag kumain kaso nakatulala ka diyan sa cellphone mo" dugtong ni Jay.

"Potek! Bilisan mo Jay! Baka mapurnada ako!" sabi ko at kaagad kong hinila ang kamay ni Jay papalabas ng room.

Flashback 1.0

"Yown Jairus!" reaksyon ni Shem nung tumapat sakin ang unahan ng boteng pinaikot ni Chrien. Sana'y na ako sa ganitong laro. Lagi kasing ito ang laro namin ng mga kaklase ko dati. Madali lang naman to. Pwedeng pwedeng magsinungaling kung hindi mo gusto yung truth o dare ay pwede mo namang piliin yung pag-inom ng isang baso ng alak.

"Teka ano nga ba ang itatanong ko sayo Jai?" tanong ni Chrien habang nakatuon ang atensyon sa apoy na nagmumula sa bonfire.

"Ah alam ko na!" nakangiting sigaw niya at bahagya siyang umusod papunta sa gawi ko at tinuon ang atensyon sakin.

"Sino ang pinaka-first love mo Jai" diretsong tanong niya sakin habang nakatingin ng diretso sa dalawang mata ko.

Shit!! Bakit ganito kabog ng dibdib ko? Potek! Bakit kinakabahan ako? Tangina! Ano ang gagawin ko? 

Dahan dahan kong inabot ang nakahandang basong puno ng alak at ininom ko ito - straight.

"Ayy ang daya!" sabi ni Chrien nung nakuha niya ang ibig kong iparating.

End of Flashback 1.0

"Okay ka lang ba Jairus? Masama ba pakiramdam mo?" bungad na tanong ni Alexis sakin nung marating na namin ni Jay itong paboritong tambayan namin.

"Oo nga Jai. Kanina pa kita tinatawag eh. Hindi mo ako nililingon. Tara kain na tayo. Naiorder na kita ng dugo at bbq" diretsong sabi naman ni Chrien dahilan para mabilis akong lumapit sa kanya.

"Ikaw pala si Flash no?" kasunod nun ay ang pagtawa ni Jay sakin.

Inabutan ako ni Chrien ng kutsara at tinidor at sinabing magsalo nalang daw kami sa platong ginagamit niya. Yieeee! Kilig part 4 na to. 

"Chrien musta na nga pala kayo nung boyfriend mo? Nagkaayos na ba kayo?" biglang tanong ng isang kaklase namin. Bahagya akong tumigil sa pagkain at tiningnan ko si Chrien. Baka kasi kailangan baguhin ko ang usapan para hindi na muna ulit niya maisip iyon. Medyo natigilan din ng kaunti si Chrien. Yung tipong halatang napaisip siya sa narinig niyang tanong ng kaklase namin.

Flashback 1.1

"Oh sayo ulit tumapat ang bote Chrien!" medyo lasing na sabi ulit ni Shem. Kahit ako nakakaramdam na ako ng pagkatama ng alak kasi ilang ulit na tumapat sakin ang bote at paulit ulit ng tanong sakin si Chrien ko. Ganun din sa kasama naming si Christian nakailang inom na siya pero mukhang hindi tinatamaan ng alak.

"Potek! Ako nanaman! Nidadaya niyo yata ako eh!" sabi ni Chrien na halatang lasing na.

"Truth? Dare? Shot?" tanong ni Shem sa kanya.

"Oyyy! Tama na. Lasing na si bunso. Pass muna yan" singit ni Justin. May pa-bunso bunso pa tong nalalaman. Bunsuin ko to eh! Kanina pa ako nanggigigil dito.

"Kung hindi na kaya umuwe na. Inom ng gatas at matulog na" singit naman ni Christian. Isa pa to eh! Bakit pa kasi nagpunta pa to. 

"Hoy! Christian Allyson tingin mo sakin isip bata! NYEBERRRRR!" sigaw ni Chrien at halata ngang lasing na.

"Yen.. kaya pa? Kung hindi mo na kaya ak-"

"Kaya ko Jai. Tiwala lang beybs" ngiting putol niya sa sinasabi ko na naging dahilan ng mabilis na tibok ng puso ko. BEYBS?? shittt! Nawala ang tama ng alak sakin.

"Shige!!! TRUTH!!!!"

"Gaano mo kamahal si Noah?" diretsong tanong ni Shem. Napatahimik kaming lahat. Lalo na si Christian at si Justin. Yung pakiramdam na lahat ng atensyon namin ay nakapokus lang kay Chrien at lahat kami ay sabik na sa isasagot niya.

Kitang kita ko yung dahang dahang pagbaling ng paningin ni Chrien kay Shem. Yung tipong mas mabagal pa sa slow motion effects.

"Gaano ko kamahal si Oah?" pag-uulit niya ng tanong pero nanatili pa rin kaming tahimik.

"Siguro kaya ko siyang i-give up para sa sitwasyong mas makakapagbigay sa kanya ng everlasting happiness sa buhay" nakangiting sagot ni Chrien at agad niyang kinuha yung basong puno ng tagay.

"Hindi mo kailangan inumin yan bunso, sumagot ka e"

"Pampalakas loob lang... Medyo masakit" kasunod nun ang pagtawa niya.

End of Flashback 1.1

"Ayos naman. Nagkausap kami nung isang araw. Grabe ang dami nanaman niyang sermon sakin" pilit ngiting sagot ni Chrien at inilagay sa kutsara niya ang kamatis at pipinong nasa gilid ng plato.

"Ooops! Teka allergy ka dito ah!" pigil ko sa kanya pagtukoy ko sa kamatis.

"Ayy sorry... Sa susunod kasi Jai dapat may anti-allergy ka ng dala para saken para game tayo sa lahat" ngiting sabi ulit niya.

"Meron naman akong dala Yen. Kaso syempre iba pa rin yung iiwasan mo yung pagkain sa makakaapekto sa katawan mo" paliwanag ko sa kanya.

"Alam mo Jai kung mas una kitang nakilala baka ikaw siguro ang destiny ko no?" sabi ni Chrien pero alam kong biro lang iyon.

"Yieeeeeee!!!! Putaaaaaa! JaiYen noh!!!!!!!" malakas na sigaw ni Jovi.

Flashback 1.2

"Oh sayo na ulit Jairus!" Nakangising sabi ni Chrien nung muling tumapat sakin ang bote.

"Hindi na pwedeng piliin ang siyat ha! Nakapitong pass ka sa truth! Kelangan ng sumagot!" Lasing na sabi ni Chrien habang sinasalinan ng alak ang baso.

"Oyy wala sa mechanics yun. Hanggat kaya pang uminom ay pwedeng piliin ang shot" reklamo ko.

"Binabago ko na ang mechanics. Hanggang limang beses lang pwedeng piliin ang shot" matapang na sabi ni Shem at halatang lasing na rin. Pinipigilan na nga siya ni Kemuel eh.

Tangina. Handa na ba akong umamin? Handa ko na bang ikwento? Handa ko na bang sabihin?

"Hoy ano Jai! Mahina ka pala eh!" Kantyaw sakin ni Chrien.

Okay okay. Bahala na.

"Ano nga ba ulit ang tanong?" Tanong ko at kinuha ko ang basong may lamang alak.

"Sino ang pinakaFirst love mo?" -Shem.

Bahagya akong umayos ng pagkakaupo at huminga ako ng malalim.

"Ikaw Yen..." seryosong sagot ko at naramdaman kong napunta saken ang lahat ng atensyon ng mga nakapaligid samin.

End of Flashback 1.2

"Mukhang magbubunga ang ilang taong pag-aantay at pagtitiyaga mo Jairus ah!" Kantyaw saken ni Jay.




Author: bukas nalang po ulit ak update. Maraming salamat po sa patuloy na pagsuporta.
Pengeng comments votes and reaction. Yiiieee thankie po :)

Ang Manliligaw Kong Bully Book VITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon