Chapter X
Chrien Ross Point of View
"Chrien! Bumangon ka na dyan!" Narinig kong sigaw ni Kuya Den. Hindi ko na muna inintindi yun. Sunday ngayon. Walang pasok kaya kailangan makabawi ako ng tulog. At isa pa hindi rin ako nakakatulog ng maayos. Balisa ako nitong mga nakaraang araw.
"Chrien kanina pa kita ginigising! Mag-ayos ka na. Aalis na tayo pagkaluto ko" dugtong ni Kuya nung saktong ipipikit ko na ulit ang dalawang mata ko.
"Kuya naman eh. Maaga pa naman" reklamo ko.
"Kung hindi ka pa babangon dyan hindi kita papayagan manuod ng concert nextweek"
"Eto na Kuya! 5 minutes!" Mabilis kong sagot sa kanya at kaagad na akong bumangon. Matapos kong maligo ay inayos ko na ang mga gamit ko. Mag-oovernight kami nila Kuya Den. Holiday din kasi bukas. Minsan lang kasi magkataon na walang pasok ang magkasunod na araw.
"Nga pala Chrien, hindi mo ba isasama si Noah?" Biglang tanong ni Kuya dahilan para panaglit akong mapatigil sa paghakbang. Simula kasi nung huling gabing nakita ko siya sa pinaginuman namin at nagpuntang lasing ay hindi na kami nagkausap. Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi niya sinasagot. Nakailang chat at text na rin ako pero hindi rin siya nagrereply.
"Oy Chrien, okay ka lang?" Untag sakin ni Kuya Den dahilan para mapabalik ako sa sarili ko.
"Oo Kuya.. okay.. okay lang..." medyo nauutal kong sagot.
"Yun naman pala. Ano pang inaantay mo? Halika ka na. Ikaw nalang inaantay namin" dugtong ni Kuya habang patukoy sa lalakeng nasa pintuan namin.
"Nei sabi ko naman sayo umorder na ako ng pagkain kaya hindi ka na dapat nagluto" bungad ni Kuya Paul.
"Alimasag at Afritada ang niluto ko. Alam ko naman na hahanapin mo yun mamaya" sagot ni Kuya at nagsimula ng maglakad papalapit kay Kuya Paul habang bitbit ang basket na pinaglalagyan ng niluto ni Kuya.
"Kaya ako'y sayo Nei eh. Tara na" nakangising sabi ni Kuya Paul at sinalubong na niya si Kuya Den at kinuha ang basket na dala ni Kuya.
Dahan dahan akong napalingon nung naaninag ko ang anino ng papasok sa pintuan namin. Aktong iniharap ko ang katawan ko at isinabay ko sa paglingon ko sa pintuan nung nagsalita ang lalakeng pumasok.
"Hi Bunso. I Miss You ng madami!" Napakalawak na ngiting bati sakin ni Kuya Justin.
"Surprise daw. Huwag ko daw sasabihin na kasama siya" narinig kong sabi ni Kuya Paul.
Hindi agad ako makapagsalita nung bumungad sakin si Kuya Justin. Bigla ko rin kasi naalala yung mga sinabi niya dati sakin at yung sinabi sakin ni Jairus tungkol kay Kuya Justin. Naramdaman ko nalang ang mahigpit na pagyakap sakin ni Kuya Justin.
"Ayy hindi ako namiss ni bunso" dugtong pa niya matapos niyang tanggalin ang pagkakayakap sakin.
"Kuya Justin... Musta?" Tanging nasabi ko. Wala kasi akong maisip na sabihin sa kanya dahil sa mga pumasok sa isipan ko.
"Ay ganun lang? Musta lang?" Pabirong sagot na patanong niya kasunod ng pagkamot niya sa ulo.
"Hopya man! Tara na!" Nakangising sabi ni Kuya Paul kay Kuya Justin at lumabas na silang dalawa ni Kuya Den ng bahay.
"Tara na bunso. Tayong dalawa ang sabay" kasunod nun ay ang pagkuha niya ng dala dala kong gamit. Lumabas na kami ng bahay. Inilagay ni Kuya Justin ang gamit ko sa compartment ng sasakyan niya at pinagbuksan niya ako ng pintuan.
"Salamat Ku-"
"Justin nalang" ngiting putol niya sa sasabihin ko.Naupo na ako at matapos maupo ni Kuya Justin ay pinauna na muna niyang makaalis sila Kuya Paul. Sinusundan lang namin ang sasakyan ni Kuya Paul.
Pinindot ni Kuya Justin ang mini component ng sasakyan niya.
Np: Old Songs-David Pomerance
"Ang ganda ng kanta na yan. Pakinggan mo bunso" sabi niya at tinuon muli ang atensyon sa kalsada.
Ang laki ng pinagbago ni Kuya Justin. Lalo siyang naging kamuka ni Kuya Luis. Medyo long hair na siya at mas lalong pumuti.
"Namiss mo ako no?" -Kuya Justin.
"Ha?" Takang tanong ko sa tanong niya."Kanina ka pa kasi nakatingin sakin bunso. Nahihiya ka lang siguro aminin no? Huwag ka mag-alala. Mas namiss kita" ngiting sabi niya habang patuloy na sinusundan ang sasakyan ni Kuya Paul.
"Teka Ku- ayy Justin.. San ba tayo mag-oovernight?" Pag-iiba ko sa usapan namin. Medyo naiilang kasi ako. Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit ganito nalang ang gawi ko. Dati naman ay normal lang pero parang may kakaiba ngayon.
"Ang sabi kanina ni Kuya Luis sa Villa Nuevo daw. Pupunta nga din daw sila Kuya Kerby eh" sagot niya.
"Nga pala bunso buti pinayagan ka ni Noah. Nagpaalam ka ba?" Mapang-asar na tanong niya sakin.
"Busy yun ngayon. Madami yatang kailangan gawin sa school" sagot ko at dun ko pinokus ang mata ko sa labas ng bintana.
"Busy? Himala. Naging busy sa ibang bagay. Naku bunso mukhang may kailangang kang ikwento sakin ah" sabi pa nya at halatang hinuhuli niya ako sa bawat sinasabi niya.
Hindi na ako sumagot. Nginitian ko nalang siya habang patuloy niyang sinusundan ang sasakyan ni Kuya Paul na nasa unahan namin.
"Nauna na pala dito sila Kuya Luis" sabi ni Kuya Justin kasunod ng pagturo sa sasakyan ni Kuya Luis na nakaparada katabi ng sasakyan ni Kuya Paul.
May ilang mga sa sasakyan ring nakaparada kaya siguradong madaming tao dito.
"Dennnnnnnnn! Naknamputaaaaaa! Bakit mukha ka ng dalampasigan? Anong nangyari? Baket mukha kang lababo?" Malakas na bungad samin. Potek! Wala pa rin pagbabago si Ate Sheryl.
"Tumigil ka nga She! Nagdadiet na ako!" Sagot ni Kuya Den.
"Inumin mo rin kasi yung iniinom ko. Tingnan mo ang slim ko"
"Ano ba iniinom mo?"
"Glutangina! Putangna! Paano ako hindi papayat eh tae ako ng tae. Kada kain ko natae ako. Konting galaw ko natae ako! Putanginangyan!" Napakalakas na sigaw ni Ate She dahilan para magtinginan samin ang ibang mga tao dito sa resort.
"Tumigil ka nga. Di ka nanaman nahihiya. Kadami daming tao dito!" Suway naman ni Kuya Kerby.
"Alangan naman mga tae ang nandito! Natural tao!" Pabalang na sagot ni Ate She.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad papunta sa cottage namin. Hanggang sa may papalapit sakin na napakapamilyar na mukha.
"Hi! Nice to see you again..." bati niya sakin. Pinagmasdan kong mabuti ang mukha niya.
"I'm Shem. Remember?" Pagpapakilala niya. Nahalata niya yatang hindi ko siya makilala.
"Yung kasama mong tumugtog nung birthday ng kaklase mo" pagpapaalala niya.
"Ayy.. Hi.." ngiting bati ko rin sa kanya.
"Buti nakarating kayo Shem. Sumama ba si Kuya Aedan?" Tanong naman ng kasama kong si Kuya Justin.
Hala! Magkakilala silang dalawa! Gustuhin ko man magtanong pero mas naagaw ng atensyon ko ang lalakeng papalapit sakin. Malawak ang pagkakangiti niya. Nakasuot ng kulay puting hapit na sando na binabagayan ng kulay gray na short na hindi lumalampas sa tuhod.
"Kanina pa kita inaantay Yen" bati niya sakin.
Author: Thankyou po sa pagsubaybay.
Votes. Comments.
Nakakagana mag-update kapag may nababasa pong comments :)BubeiYebeb

BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully Book VI
RandomSimulan na nating subaybayan ang istorya ni Chrien. :) Slow update po muna. Add niyo na muna sa library niyo. Maraming salamat po :)