Jairus Cael Castillo Point of View
Tinanggal ko ang nakabalot na benda sa kamay ko. Masakit. Pero kailangan kong tiisin dahil kailangan kong mailayo dito si Chrien.
"Hindi naman kailangan umalis Jai... Saka sigur-"
"Yen sakay na" malumanay na utos ko sa kanya. Wala na akong narinig pa mula kay Chrien. Agad na siyang sumakay sa likuran ng motor at nung naramdaman ko na ang paghigpit ng kamay niya sa katawan ko ay saka ko na sinimulan ang pagpapaandar ng motor.
Kapwa kami tahimik. Hindi ko rin kasi alam kung pano ko babasagin ang katahimikang bumabalot saming dalawa.
Hindi na ako nagulat sa biglaang pagdating ni Christian kanina dahil nakita ko na siya na nanunuod ng laro namin nung nakaraan. Kalokohan na panuorin kami nun. Ang sigurado ko lang ay sinusubaybayan niya ang mga kilos nitong kasama ko.
Kanina nga nahuhuli kong nakatitig siya kay Chrien. Yung tingin na napakalalim ng ibig iparating.
"Jai lampas na tayo sa likuan papunta samin" untag sakin ni Chrien dahilan para mapabalik ako sa katinuan. Agad kong iniikot ang motor at pumasok na sa loob ng street nila Chrien.
"Tara Jai. Samin ka muna. Parada mo muna yang motor dyan"
Matapos kong iayos ang pagkakaparada ng motor ay hinawakan ni Chrien ang kamay ko at hinila niya ako papasok sa eskinita.
"Magandang gabi po" bati ko sa Kuya ni Chrien na bumungad samin.
"Saan ka galing nanaman? Hindi ka man lang maru-"
"Nei halika na. Naiayos ko na gamit natin. Kanina pa tayo inaantay nila Daddy!"
"Oh Bunso! Aalis muna kami ni Kuya mo. Nagpadala ng pagkain si Justin. Nasa lamesa. Dadalaw nalang daw siya pagbalik namin ni Kuya mo" narinig kong sabi nung isang lalake.
"Kuya si Jairus nga pala. Kaklase ko" pagpapakilala sakin ni Chrien.
"Magandang gabi po" pangalawang bati ko.
"Kilala ka na namin. Naikwento ka na ni Leonard. Tara na Nei" sagot nung isang lalake ulit.
"Anong tara! Isasama natin tong si Chrien kasi wala si Mama dito sa bahay. Wala siyang kasa-"
"Kuya dito matutulog si Jai. Magkapartner kasi kami sa project at kailangan namin maipasa agad yun bukas" seryosong putol ni Chrien sa sinasabi ng Kuya niya.
Nagkatinginan ang Kuya ni Chrien at yung lalakeng biglang umakbay sa kanya.
"Oh iyon naman pala Nei e. Gagawa din sila ng project katulad ng gagawin natin" nakangising pag-uulit nung nakaakbay sa kuya ni Chrien at bigla ko nalang naramdaman ang pag-iinit sa mukha ko.
"Naku Francisco! Ikaw kinukunsinte mo tong si Chrien! Chrien aalis muna kami. Tatlong araw akong wala. Si Mama naman ay kina Tita Eva. Ilock mo palagi itong bahay. Iniwan ko sa ibabaw ng ref ang allowance mo. Tumawag ka kapa-"
"Ang dami mong sinasabe Nei! Alam na ni Bunso ang dapat gawin. Tara na nga. May matinding usapan pa para sa project ang dalawa eh" ngising singit ulit nung lalake at hinila na niya palabas ng bahay si Kuya ni Chrien.
"Jai medyo bitin ako sa ininom natin. Tara sa terrace" nakangiting sabi ni Chrien at muling hinila niya ang kamay ko. Pinaupo niya ako at inihanda niya ang mga gagamitin namin.
"Empi lang tayo ha. Wala akong pera eh"
"Okay lang Yen. Pero okay lang ba na mag-inom tayo dito?" Nag-aalala kong tanong. Baka kasi magalit si Kuya Den kapag nag-inom kami dito ni Chrien."Ayaw mo ba akong kasama at kainuman Jai?" Mapangunsensya at mapang-akit na tanong niya sakin. Shitttt! Takte! Bakit ganito si Chrien.
"Hindi naman. Baka lang kasi magalit si Kuya Den satin" sagot ko at sadya kong sa baso ituon ang atensyon ko para hindi mahalatang namumula ako.
"Okay lang Jai. Kina Kuya Paul matutulog si Kuya. Wala si Mama kaya tayong dalawa lang ang tao dito sa bahay" napakalambing na sagot niya at nakapagbigay sakin ng kakaibang pakiramdam.
Potekk!! Sinasadya kayang akitin ako ni Chrien? Marupok ako pagdating sa kanya. Kung ano ano na pumapasok sa isip ko.
"Ako na magtatagay Jai. Stayput ka lang. Ano gusto mo? Dito ako sa harapan mo o sa tagiliran mo?" Kasunod niyang tanong sakin matapos mailagay ang yelo sa pitsel.
Taktenang!!!!! Iba nasa isip ko.
"Tapat nalang siguro Jai para mas makapagkwentuhan tayo ng maayos" dugtong niya.
Bago sinimulan ni Chrien ang pagpapaikot ng tagay ay nikonek niya ang kanyang cellphone sa maliit na bluetooth speaker.
Now playing: You and I -ByChance
"O shot ko Jai oh" sabay angat niya ng baso at ininom niya yun. Hindi ko maipaliwanag ang pinaparating na emosyon ng mukha niya. Pero ang lakas ng pakiramdam ko na pinipigilan niya lang magkwento o ilabas kung ano man ang nasasaloob niya.
"Si Allyson ex boyfriend ko yun. Long story. Kung ikukwento ko pa simula sa una ba-"
"Christian Allyson. Mas ahead sayo ng apat na taon. Sa parehong school kayo nag-aaral dati. Naging kayo nung highschool ka at siya naman ay nasa senior highschool. Ang tanda ko muntik ka ng maaksidente dati at nagkataon na naligtas ka niya. Simula nun ay madalas na siyang sumusulpot sa tabi mo at dun nagsimula ang pagkagusto sayo ni Christian" putol ko sa sinasabi ni Chrien. Panandalian akong tumigil dahil ininom ko ang inilapag na tagay ni Chrien.
"Naging sobrang secured sayo ni Christian hanggang sa dumating yung puntong nasasakal ka na" pagpapatuloy ko.
"Pano mo nalaman yun?" Takang tanong ni Chrien habang nagsasalin ng alak sa baso. Hindi ko siya sinagot. Umayos ako ng pagkakaupo at muli kong tinuon ang atensyon ko sa kanya.
"Nicholas Noah. Kapatid ni Mark James na dating nanligaw sa Kuya mo. Dahil sa naging malapit silang dalawa ay naging mas malapit kayong dalawa ni Noah. Naging magbestfriend kayo. Hanggang sa dumating yung puntong narealize nyo na may pareho na pala kayong nararamdaman para sa isa't isa" panaglit ulit akong tumigil para inumin muli ang tagay ko.
"Naging kayo simula nung nanuod ka ng laro nila sa Arayata Complex. Yan pa nga yung tugtog nung mga oras na yun eh" tukoy ko sa kanta na nanggagaling sa bluetooth speaker.
"Hala! Pano mo ulit nalaman yan?" Takang tanong ulit niya.
"Syempre kami kaya yung kalaban nila Noah nun. Napatagal pa nga dahil sa planong yun ni Noah eh" ngising sagot ko dahilan para mapangiti na rin si Chrien.
"Ikaw ha! Stalker ba u?" Pabirong tanong niya matapos uminom.
"Justin France Cruz Gabriel" dugtong ko habang inuuga uga ko ang basong may lamang alak.
"Pati si Kuya Justin?"
"Kapatid siya ng Boyfriend ng Kuya mo. Ngayon ko lang naalala na si Paul Francisco Cruz Gabriel pala yung kasama ni Kuya Den sa bahay niyo. Si Justin naman ang ilang beses mo ng narereject dahil nakapokus ang nararamdaman mo sa bespren mo. Hindi ka aware na bago pa dumating si Noah ay gusto ka na ni Justin" lakas loob kong sabi sa kanya.
"Hindi na nga ako magtataka kung biglang sumulpot na rin si Justin dahil sa nangyayari sanyo ni Noah eh" dugtong ko at mabilis ko ng ininom ang tagay ko.
"Basta Yen kung may problema ka man o kahit na anong gumugulo sa isip mo. Pwede ka magsabi sakin. Pwede ka magkwento. Nandito lang ako palagi para sayo" nakangiti ko pang sabi sa kanya.
"May gusto ka yata sakin Jai eh?" Patanong niyang sabi sakin at inusod nya sa harap niya ang pulutan.
Author: Salamat po sa pagsubaybay.
Votes. Comments. Pls :)BubeiYebeb
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully Book VI
RandomSimulan na nating subaybayan ang istorya ni Chrien. :) Slow update po muna. Add niyo na muna sa library niyo. Maraming salamat po :)