Tabi tayo Jairus...

389 22 4
                                    

Chapter VII

Jairus Cael Castillo Point of View

"Okay sige Chrien. Ingat kayo" paalam ko kay Chrien at nagsimula na akong lumakad papalayo sa kanya. Buo nanaman ang araw ko. Kahit alam kong hanggang dito lang o ganito lang ay masaya na ako. Basta mapasaya at masaya si Chrien, okay na iyon. Aktong lalabas na ako ng mall ng makita ko sa newsfeed ko ang picture na naka-tag si Noah. Nag-iinuman sila ng mga kaibigan niya. Nakasuot pa nga ng uniform yung dalawang kasama nila sa picture.

Kusang naglakad pabalik ang dalawang paa ko. Sinilip ko si Chrien. Nakaupo na siya sa loob ng Kuya J at may mga nakahaing pagkain na sa harapan niya. Wala nga ring tigil ang pagkulikot niya sa cellphone eh.

Lumipas ang halos isang oras. Hindi na ako nakatiis pa. Nilapitan ko na siya. Dinaan ko sa biro ang lahat para hindi naman masyadong obvious na kanina pa ako nakabantay sa kanya.

"Ayaw mo akong kasama? Kung ayaw mo ichachat ko nalang si Jay. Papasundo ako sa kanya"

Muntik ko ng maibuga ang kinakain ko nung narinig ko iyon sa kanya. Tama siguro ang pumasok sa utak ko na sasama sakin si Chrien. Idedate niya ako? Shittttttt!

"Tara na Yen. Kanina pa nga nila tayo inaantay eh" atubiling sagot ko sa kanya at hinila ko na ang kamay niya. Baka magbago pa kasi ang isipan neto eh.

"Pre kanina ka pa namin hinihin-WOW! Kayo na?" bungad samin ni Jay dahilan para mag-init ang magkabilang pisngi ko.

"Namo! Gagu! Nagkataon kasing walang lakad si Chrien eh" sagot ko habang pinipigilan ko ang labi ko na nagpupumilit ngumiti.

"Akala ko ba may lakad kayo ni Noah the great!" biglang singit ni Jovi.

"Hala! Baket nandito ka?" takang tanong ni Chrien.

"Baket? Nagkusa na akong nagpunta kahit hindi ako invited. Saka mga kaklase naman natin ang kasama ah!" mataray na sagot ni Jovi.

"E baket hindi niyo ako sinasabihan?" -Chrien.

"Haaaay naku Chrien. Alam naman kasi naming hindi ka pwede. Nabanggit din nitong balahurang ito na anniversary niyo ni Noah" -Jillian.

Bahagya kong nilingon si Chrien. Halata kasing nawala sa sarili nung narinig niya ang pangalan ni Noah.

"Osya sya. Tara na muna sa cottage. May dala kaming pagkain" pagbabago ko sa usapan namin.

"WAW! NAKNAMPUTAAAA! TITO J NOH!" masayang reaksyon ni Jovi nung nailapag ko na ang pagkain sa table.

"Tito?" Jillian.

"Baket ba? Diba nga sabe ni Sir Diggy gawan ng bagong version! Lagi nalang Kuya J! Nakita mo na ba si Kuya J!" pambabara ni Jovi dahilan ng pagtawa naming lahat.

"Pano ka makakaligo Chrien? Wala kang dalang extrang damit" singit naman ni Alexis. Ang pasimuno kung bakit nandito kami ngayon sa Hardin ng Postema.

"Makikijoin nalang ako. Okay lang yun" ngiting sagot niya.

"May dala ako. Yun nalang suotin mo Yen" prisinta ko.

"Yen?" -Jillian

"Awwwww!" -Jay

"Tangnanyo! Lumamon na nga tayo. Para kayong mga tanga. Konting linyahan dito sa kwento eh parang biglang bigla kayo. Lamon na!" sabi ni Jovi dahilan ng tawanan nanaman naming lahat.

"Guys, pinayagan na ako sa overnight ni Mama!" -Jillian.

"Overnight? Hala. Hindi ako pwede. Baka hindi ako paya-"

"E di wag ka magpaalam. Kung alam mong hindi ka papayagan, wag ka magpaalam!" singit ni Jovi dahilan para hindi matuloy ni Chrien ang dapat na sasabihin niya.

Ang Manliligaw Kong Bully Book VITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon