Jairus Cael Point of View
"Kuya Leonard magkano ang ticket sa concert niyo?" tanong ko habang nakain kami ng almusal kasabay si Kuya Ashton.
"Bibigyan nalang kita Jairus. Sigurado naman kasama mo si Kuya mo eh" sagot niya matapos inumin ang isinalin ni Kuya Ashton na iced tea.
"May balak kasi akong isama Kuya... kaya baka pwede kuya na dalawa ang hingiin ko..."
"Nililigawan mo na ba? Sige bigyan kita dalawang VIP ticket. Pakilala mo ako ha" nakangising sagot ni Kuya Leonard.
"Tumigil nga kayo sa kalokohan niyong dalawa. Tapusin niyo na pagkain dahil siguradong late ka nanaman Jairus!" basag trip ni Kuya sa usapan namin.
Isang linggo na ang nakakalipas simula nung nag-outing kami ng tropa. Isang linggo na rin na dinadamayan ko si Chrien dahil halata naman sa kanya na hindi siya okay. Sinasabi niyang okay siya pero salungat iyon sa mga kinikilos niya. Hindi ko nga lubos maisip kung bakit nagawa ni Noah iyon sa kanya. Napakabait ni Chrien. Yung tipong wala ka ng ibang hahanapin pa kay Chrien. Napakaswerte nga ni Noah dahil siya ang boyfriend ng taong napakatagal ko ng gusto.
Pinayuhan ko si Chrien. Sinabi kong kailangan pag-usapan nila ni Noah kung ano man ang nangyari pero lagi niyang sinasagot sakin ay ayaw niya pag-usapan. Nabanggit pa nga niya nab aka sobra lang siyang nag-eexpect dahil nasanay siya dati na palagi silang magkasama.
"Jairus wala ka bang balak sumama samin?" untag sakin ni Jay.
"Kanina ka pa nakatitig sa upuan ni Chrien eh ayun na ang tropa sa pintuan at ikaw nalang ang inaantay" dugtong niya at mabilis na akong tumayo at naglakad papalabas ng room.
Hindi ko na namalayan na natapos na ang una at pangalawang subject naming ng ganun ganun nalang. Ewan ko ba. Hindi kasi mawala sa isipan ko yung nangyari. Hindi din mawala sa isip ko kung paano ko matutulungan si Chrien. Alam ko kasi yung pakiramdam na nararamdaman niya.
"Jai okay ka lang?" tanong sakin ni Chrien nung nailapag na niya ang inorder niyang pagkain.
"Ikaw Yen okay ka lang?" balik tanong ko sa kanya.
"Oo naman. Urong ka dito. Inorder na kita. Hindi ka natayo kanina pa eh" sagot niya at agad na akong umurong sa tabi niya.
"Nga pala may laro kami mamaya. Support niyo ulit ako ha" ngiting sabi ko sa kanila habang kumakain na kami.
"Oo naman! Kukunin ko pa ang speaker ng auditorium at magpapatugtog ako ng mga naungol dun mamaya" singit naman ni Jovi na kumukuha ng pagkain sa pagkain ni Alexis.
"Hoy! Hindi mo pagkain yan!" –Alexis
""Nuknukan ka talaga sa kasibaan. Tinutulungan lang kitang ubusin dahil saying kapag may natira!" –Jovi
"Teka teka diba pre team nila Noah ang makakalaban niyo?" tanong ni Jay dahilan para mapatingin sakin ni Chrien.
"Tamang tama Chrien, makakausap mo na si Noah the great. Alamin mo na ang totoong nangyari" singit muli ni Jovi.
Tama naman ang sinabi ni Jovi pero parang may kakaiba akong naramdaman. Mukhang lumampas na sa limitasyon ang nararamdaman ko. Dati kasi nakokontrol ko pa ang nararamdaman k okay Chrien pero ngayon hindi na. Nakakaramdam na ako ng mataas na level ng selos.
"Baka nga. Baka kailangan na talaga naming mag-usap. Malay natin kung valid reason naman talaga ang dahilan niya. Baka nagiging one-sided lang ako o baka sumosobra ako" nakangiting sagot ni Chrien kasunod ng pag-inom ng iced tea sa baso ko.
"Oo nga. Pero huwag kang tanga. Iced tea ni Jairus yan" puna ni Jovi dahilan para magtawanan lahat kami.
.
.
.
.
.
.
.
"May problema ka ba sa gate Chrien?" untag ni Jovi kay Chrien.
"Mag-iisang oras ka ng nakatanghod dyan sa gate ng school. May problema ba tayo sa gate?" pag-uulit niya.
"Tara na. Baka ma-late pa sa laro si itong si Jairus" yaya naman ni Jay at kaagad na hinila ni Jovi si Chrien papalabas ng school.
"Yen tara na. Suot mo muna to" sabi ko sa kanya. Kinuha niya ang inaabot kong helmet at isinuot niya ito. Matapos yun ay sumakay na siya sa likuran ng motor ko.
Nauna ng umalis sila Jay kasama si Jovi. Naramdaman ko na ang bahagyang pagkapit sakin ni Chrien na nagging senyales ng pagpapaandar ko ng motor.
Kapwa kami tahimik. Nag-iisip nga ako ng pwedeng itanong sa kanya para hindi naman masyadong akward ang sitwasyon naming.
"Chicheer mo ako mamaya ha" pabirong sabi ko sa kanya kahit na alam ko namang si Noah ang palagi niyang sinusuportahan.
"Oo naman Jai. Gagalingan mo ha. Magaling kasi si Oah kaya sigurado akong hindi mananalo ang team niyo" paasar na sagot niya sakin.
"Mas magaling pa ako don Yen! Ako pa! Ikot sakin mamaya yon" pang-aasar ko rin sa kanya.
"Yabang mo! Ma-e-N1 ka nun mamaya" muling sagot niya kasunod ng mapang-asar niyang tawa.
"Kapag nanalo ang team namin sasama ka sa outing namin nila Kuya sa weekend"segwey ko sa kanya.
"KUNG MANANALO KAYO" kasunod ng pagtawa niya.
Dahan dahan kong ipinarada ang motor ko. Kusa ko ng kinuha ang dala ni Chrien. Napakabastos ko naman kung hindi ako magkukusa. Halata kasing nabibigatan siya sa bitbit niyang bag at libro.
"Jai silipin ko lang kung saan sila nakapwesto. Sunod ka nalang"
"Teka Yen anta-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nung mabilis siyang naglakad papalapit sa court.
Binilisan ko ang pag-lock sa motor ko at pagkuha ko ng mini-towel sa compartment ko. Mabilis na rin akong sumunod sa court.
Nasa bukana palang ako ng court ay nahagip na ng mata ko si Noah. Nakatingin siya kay Chrien na palinga linga at halatang hinahanap sila Jovi.
Napansin kong dahan dahang lumalapit si Noah sa kanya.
"Ayun si Yen oh!" sabay turo ko sa kaliwang bahagi ng court.
Author: Short update po ulit. Dami po kasing ginagawa.
Comment and vote po :)
Maraming salamat po :)
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully Book VI
RandomSimulan na nating subaybayan ang istorya ni Chrien. :) Slow update po muna. Add niyo na muna sa library niyo. Maraming salamat po :)