Anniversary namin

383 22 9
                                    

Hi! Joshua! Thank you sa pagsubaybay sa book :) Sensya na kahapon, nag-iinom ako nung kachat mo ako. Hahahahaha! Godbless :) 



Chapter VI

Chrien Ross Point of View

"Mukhang kakaiba ang awra natin ngayon Chrien ah" bungad sakin ni Jillian.

"E pano hindi magiging maganda awra niyan e 30 ngayon! Happy Newyear bakla!" singit ni Jovi na halos humiga na sa dalawang upuan na pinagdikit niya.

"Umayos ka nga ng upo. Nakabuyangyang na yang hita mo" sabi ko sa kanya at inayos ko na ang upuan ko.

"Huwag ka ngang basag trip. Pinapahanginan ko nga to eh. Namamawis kase" sagot niya at iminustra pa ang pagpaypay sa ibabang bahagi ng katawan niya.

"Hoy! Itigil niyo na yang pagtira niyo sa mga tore! Nandiyan na si Sir Diggy!" sigaw ni Jovi kina Jairus na busy sa paglalaro ng mobile legends.

"Sir Diggy?" halos sabay naming reaksyon ni Jillian.

"Oo! Ayan na si Sir Ramos na walang sawa sa kasasabi ng social psychology na yan!" gigil na paliwanag ni Jovi at umayos na siya ng pagkakaupo.

Nagsimula na magdiscuss si Sir. Nagsisimula na rin sumakit ang ulo ko dahil sa mga salitang hindi ko naiintindihan.

Hanggang sa nawili na si Sir. Kinukwento na niya ang mga totoong story ng mga fairytale.

"Itong si Sir pinaglololoko na tayo. Alam kong bruha yung gustong pumatay kay snow white pero hindi naman cannibal yun eh. Bakit sinasabi nitong Diggy na to na gusto daw kainin ng bruha ang laman loob ni snow white?" mahabang pag-uusisa nitong si Jovi na halatang interesado naman sa sinasabi ni Sir.

Nagpatuloy pa sa pagkukwento si Sir at lahat kami ay interesado. Hindi naman sa naniniwala ako pero may parte sa isipan ko na napapaniwala ako ni Sir.

"Sir! Eh totoo po ba na yung kiss ang nakapagpagising kay snow white, sleeping beauty at kay Belle ng beauty and the beast?" interesadong tanong ni Jay.

"Hinde! Yung third skill ni Diggy ang nakapagpagising!" singit ni Jovi dahilan para magtawanan lahat kami.

"The kiss is so magical. Pero, hindi iyon ang nakapagpagising kay snow white. Naisipan kasi ng prinsipe na i-display si snow white sa kaharian niya dahil sa labis na pagkagusto niya dito. Habang buhat buhat nila ang salamin na pinaglalagyan ni snow white ay aksidente itong tumama sa puno. At iyon, dahan dahan kumilos si snow white at nagising siya" mahabang paliwanag ni Sir.

"So, ang kwento na pala ngayon ay Snow white the zombie?" mukhang tangang sabi ni Jovi.

"Tanga! Hindi naman inimbalsamo si snow white eh!" -Jillian.

"Makatanga naman to. Malay ba natin na kay snow white pala nagsimula ang zombie zombie na napapanuod natin"

"To make it short, gagawa kayo ng sarili niyong version ng fairytale" dugtong ni Sir.

"Individual ba Sir?" interesadong tanong ko.

"Nope. By section"

"Ayos! Oy! Jay ikaw na bahala sa section natin. Alam naman namin magaling ka mag-imbento. Daig mo pa si Edward Newtan!" -Jovi.

"Newtan? Diba Newton yun?" -Jillian.

"Wag mo akong pakialaman. Sabe nga ni Sir sariling version!" pambabara niya.

"And you're going to perform it..." -Sir.

"HA???????"

"Hala!!!!!!"

Ang Manliligaw Kong Bully Book VITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon