Mag-imbestiga tayo

193 15 4
                                    

Chrien Ross Point of View


Hindi ko maihakbang pabalik ang dalawang paa ko dahil sa sobrang takot na nararamdaman ko. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng dalawang tuhod ko.

"Yen... bakit?" dinig kong tanong ni Jai.

Pumikit ako. Ilang segundo.

Sigurado akong namamalikmata lang ako. Sigurado akong hindi totoo ang nakikita ko at pagdilat ko ay mawawala na siya sa harapan ko.

Dahan dahan kong muling idinilat ang mata ko. Lalo akong nakaramdam ng takot nung nakita kong lumalakad papalapit sakin si Kuya Jerome. Nakatingin siya sakin habang hawak hawak pa rin ang librong kaninang binabasa niya.

"Okay ka lang?" tanong niya sakin nung halos isang dipa nalang ang layo namin.

"Parang nakita na kita..." dugtong niya. Nakatitig pa rin ako sa kanya. Hindi ako pwedeng magkamali. Si Kuya Jerome itong nasa harapan ko. Pero imposible dahil.. dahil matagal ng patay si Kuya Jerome.

"Bakit parang natata-"

"Kuya Kieth tara na. Kanina pa nakapila si Ate Deniel sa cashier" biglang dating ng isang lalake at biglang napatingin sakin.

"Chrien?"

"Hariel?" halos sabay naming reaksyon. Naramdaman ko naman ang biglang pagdikit ng katawan sakin ni Jairus.

"Nga pala Kuya Kieth, si Chrien yung kinukwento ko sayo. Chrien si Kuya Kieth nga pala" pagpapakilala ni Hariel.

Bakit Kieth ang pangalan ni Kuya Jerome? Potek! Ano ba itong mga pumapasok sa isip ko. Kailangan masabi ko ito kay Kuya Den. Sigurado akong hindi siya makakapaniwala sa sasabihin ko.

"Bakit parang lahat nalang ng nakakakita sayo Kuya Kieth eh natatakot?" takang tanong ni Hariel nung mahalata niya ang ginagawi ko.

"Pano Chrien, kita nalang tayo sa school. Ingat kayo" paalam ni Hariel. Inilapag na nung Kuya Kieth ang librong hawak niya at kaagad na silang umalis.

"Bakit Yen?" muling tanong ni Jairus. Hindi ko na muling sinagot iyon. Mamaya ko na ikukwento sa kanya ang lahat pag medyo okay na ang pakiramdam ko. Nakakaramdam pa rin kasi ako ng takot.

Naagaw ang pansin ko nung librong inilapag ni Kuya Kieth. Kinuha ko iyon.

Remember when

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Nandito ngayon kami kina Jairus. Kinuwento ko sa kanila ang lahat ng nangyari dati. Yung nangyari kay Kuya Paul,  kay Kuya Den at yung aksidenteng nangyari kay Kuya Jerome. Hindi halos lahat sila makapaniwala.

Ang Manliligaw Kong Bully Book VITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon