At your service

357 23 9
                                    

Jairus Cael Castillo Point of View


"Ano na? Nakawil mo na ba Jairus?" tanong na may halong pang-aasar ni Kuya Leonard saken habang nakain kami ng almusal. Nginitian ko lang si Kuya Leonard. Ayoko kasi mawala yung kakaibang pakiramdam kong nararamdaman hanggang ngayon.

Flashback

"Ikaw Yen" seryosong sagot ko matapos kong ibaling sa kanya ang mukha ko.

"Hala! Ikaw ang tinatanong ko Jai, huwag mo sakin ibalik ang tanong" reklamong sagot niya sakin. Bahagya akong napangiti sa sinabi niya. Alam ko siya lang ang hindi nakakuha ng ibig kong iparating dahil nakita kong napatakip sa mukha si Shem at halatang kinilig sa narinig mula sakin. Nakatingin naman ng diretso si Justin sakin.

"Ibig kong sabihin Yen... Ikaw ang pinakaFirst love ko..." pag-uulit ko at nararamdaman ko ang   pagkabigla sa kanya. Bakas na bakas sa mukha niya ang pagtataka.

"Simu-"

"Oyy tara! Tawag tayo ni Kuya Leonard niyo. May announcement daw sila ni Kuya Ashton niyo" biglang tawag samin ni Kuya Luis dahilan para hindi matuloy ang sunod kong sasabihin sa kanya.

End of Flashback

"Hoy! Bilisan niyong kumilos! Ikaw pa naman Leonardo eh napakapili sa tuxedo! Bilisan niyo" sigaw samin ni Kuya Em.

"Kahit kailan talaga yang Ku-"

"Ano? Kahit kailan ano?" gigil na lapit samin ni Kuya.

Habang naglalambingan silang dalawa ay biglang tumunog ang cellphone ko. Nag-appear ang pangalang Yen Yen Ko kaya hindi ako nagdalawang isip na slide agad iyon.

"Bakit Yen?" bungad ko.

"Ang bilis mo naman sumagot. Nakakaisang ring palang Jai" malambing niyang tanong sakin.

"Wala kasi akong ginagawa. Nagkataon na nagsscroll lang ako dito sa fb ko" pagpapalusot ko.

"Jai pwede mo ba akong samahan? Ito kasi si Jov-"

"Pwede. Ngayon na ba? Sunduin na kita?" mabilis kong sagot sa kanya. Kahit ano pa yan pwedeng pwede ako basta kay Yen Yen ko.

"Oh bakit natawa ka Yen?" tanong ko sa kanya habang naririnig ko siyang natawa. Parang na-echo pa nga yung tawa niya eh.

"Masyado ka kasing excited Jai. Naliligo pa ako. Nasa banyo pa nga ako eh" sagot niya at tumawa ulit siya.

"Magkita nalang tayo sa kanto ng umboy para diretso sakay na tayo" dugtong niya.

"Sunduin nalang kita Yen. Mag-ayos na ako. See you ng mabilis Yen" ngiting ngiting sagot ko. Hindi ko na inantay na tanggihan niya ako at sinabi ko sa kanyang tapusin na ang pagligo niya. Baka kasi maisipan kong pasukin siya sa banyo eh. Whaaaaaah! Takte ka author!!! 

"Tara na Jairus! Kanina pa nakaayos itong si Leonardo! Ikaw nalang inaantay namin" sita sakin ni Kuya Em.

"Kuya hindi pala ako makakasama. May MAS importante pala akong pupuntahan" talagang diniinan ko MAS. Abay syempre naman si Yen Yen ang pinag-uusapan eh.

Ang Manliligaw Kong Bully Book VITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon