Shot!!!!

219 14 3
                                    

Jairus Cael Point of View

Takte! Ang bilis ng araw. Second Sem na agad. Mabilis akong nagbihis at nag-ayos dahil maraming miss ko na si Yenyen ko - dalawang araw kaming hindi nagkita. Oh diba? Kaya sobrang miss ko na siya. Hindi pa nga mawala sa isipan ko yung pagngudngod ng labi niya sa labi ko nung aksidenteng natabig siya nung kaklase namin nung nasa play kami. Pasasalamatan ko talaga yung kaklase kong iyon. 

Tungkol naman sa panliligaw ko kay Yenyen, hindi ko naman siya minamadali. Alam ko at ramdam ko pa naman na hindi pa talaga siya totally recover sa nangyari sa kanila ni Noah. Nirerespeto ko ang nararamdaman ni Yenyen. Okay naman ang estado namin ngayon. Kami na hindi. I mean, M.U (Malabong Ugnayan).

"Kuya pasok na ako. Gagawa kami ng project!" sigaw ko.

"Anong project? First day ng second sem palang Jairus Cael ha!" ganting sigaw ni Kuya Ashton.

"Hayaan mo na cheekbone. Magkakasayahan lang mga yan kasi matagal yung naging bakasyon nila" segunda naman ni Kuya Leonard sabay kindat sakin. Hindi ko na pinakinggan yung ibang sinabi ni Kuya Ashton. Agad na akong sumakay sa sasakyan ko at tinahak ko na ang daan papunta kay Yenyen. Ay! Sa School pala.

Hindi trapik sa tejero kaya ilang minuto lang ay nandito na ako sa school. Himala nga at nangyari iyon. Dati kasi inaabot ako ng mag-iisang oras sa bagal ng pag-usad ng mga sasakyan dun. Isinumpa yata ang tulay dun.

"Goodmorning Yen!" masiglang bati ko sa kanya. Siya kasi agad ang una kong nakita. Ay mali! Siya pala ang talagang hinahanap hanap ng mata, puso, baga, apdo, atay basta lahat ng parte ng katawan ko siya ang hinahanap. Oyy! Huwag isipin yung isang part na yun ha. Baka hindi makapagtimpi yun.

"Hoy! Hindi lang si Chrien ang nandito!" bulyaw ni Jovi na nasa tabi ni Yenyen ko. Nagtawanan tuloy lahat ng kaklase namin. Nginitian ako ni Yenyen at agad na akong umupo sa tabi ni Jay.

May 25minutes pa bago magsimula ang unang subject namin kaya eto nakatutok kami ni Jay sa cellphone namin. CODM. Lakas nga makatrashtalk nitong si Jay kaya napapatingin samin ibang kaklase namin. Nasa kasagsagan kami ng pakikipaglaban nung biglang may pumasok dito sa room namin. Akala ko nung una prof namin pero hindi pala. Napunta don ang lahat ng atensyon ng kaklase namin at bakas ang pagtataka sa mga mukha ng mga 'to.

Nilinga linga nung lalakeng pumasok ang buong paligid. Naupo siya sa bakanteng upuan sa kaliwa ni Yenyen ko.

"Baka broken sched" sabi ni Jay at pagtingin ko sa screen ng cp ko DEFEAT!!!!! Buset ka Jay!

Umayos na kami ng pagkakaupo nung muling bumukas ang pintuan at iniluwal don si Sir Martinez. Prof na namin siya last sem at dahil sa nakikita ko ngayon ay prof namin ulit siya. Okay naman itong prof na 'to. Hindi terror. Chill chill lang.

Katulad kapag first day ng sem ay nagpi-fill-up kami ng classcards. Sigurado akong lahat ng subject ganito ang gagawin tapos aalis na ang prof at sasabihin next meeting na ang simula ng topic. Kaya mag-aantay nanaman kami ng ilang oras para sa mga susunod na subj.

"John Hariel Santillan" pagtawag ni Sir Martinez.

"Sir wala po kaming kakl-"Hindi na naituloy ni Alexis ang sasabihin niya nung biglang tumayo yung lalakeng dumating kanina.

"Introduce yourself"

"I'm John Hariel Santillan. Broken Schedule kaya sa ibang section napunta ang subject ko. Magiging kaklase niyo ako sa apat na subject. Transfer student" paliwanag niya at kaagad na siyang naupo. Pero may napansin ako - masama ang tingin niya sa pwesto nila Yenyen ko.

Ang Manliligaw Kong Bully Book VITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon