Isuot mo ito oh

460 24 4
                                    

Chapter Three

Jairus Cael Point of View

"Kuya Ashton pasok na ako" paalam ko kay Kuya matapos kong kumain ng umagahan.

"Dahan dahan lang sa pagdadrive Jairus. Aalis nga pala kami mamaya ni Leonard. Mag-iiwan nalang ako ng pagkain mo mamaya" bilin sakin ni Kuya bago ko tuluyang paandarin ang motor ko.

Ako nga pala si Jairus Cael Castillo. Kapatid ako ni Kuya Ashton Clarence na nasa Book 1 and 2 ng One More Chance. Wala akong masyadong exposure dun. Talaga yatang iniready ako ni Author dito sa Book VI.

Matapos kong iayos ang pagkakaparada ng motor ko ay binilisan ko na ang paglalakad ko paakyat sa hagdan patungo sa room namin. Late nanaman yata ako eh.

Bahagyang bumagal ang paglalakad ko nung makita ko ang dahilan kung bakit dito ako pumasok sa eskwelahang ito. Si Chrien Ross.

Nakita kong hinila ni Nicholas Noah ang kamay niya at hinalikan niya si Chrien. Iniwas ko nga ang tingin ko nung mga oras na iyon eh. Namalayan ko nalang na dumaan na sa harapan ko si Noah.

Binilisan ko na ulit ang paglalakad ko at nung aktong papasok na ako sa loob ng room namin ay biglang sumara ang sliding door dahilan para bahagya akong mapabarandal sa gilid ng pintuan.

"Ouch! Oyy Teka lang. Nahalikan ka lang naging brutal ka na" sabi ko sa kanya habang nakahawak ako sa likuran ko sa tonong pabiro.

"Ayy sorry. Hindi kita nakita"

"Hindi mo talaga ako makikita. Nakatalikod ka ee" sagot ko kay Chrien.

"Oyy Jairus! Late ka nanaman!" sigaw na narinig ko mula kay Jay na nasa likuran.

"Hindi ako late. Sadya lang maaga kayong pumasok" sagot ko sa kanya at kaagad na akong naupo sa tabi niya.

"Nakita mo iyon noh? Selos ka nanaman!" kantyaw sakin ni Jay habang inaayos ko ang bag ko.

"Alin?" maang tanong ko sa kanya kahit alam ko naman ang tinitukoy niya. Alam kasi ni Jay ang nararamdaman ko kay Chrien. Matagal na. Ako rin ang dahilan kung bakit kasama ko siyang nag-enroll dito sa eskwelahang ito.

Flashback 1.0

"Castillo! Reyes!" malakas na suway samin ni Maam De Guzman dahilan para mapaayos kami ng pagkakaupo.

"Katulad ng sinabi ko kanina ay ijojoin ko ang section niyo sa kabilang section" dugtong ni Maam tukoy sa stage play na pinapaliwanag niya kanina.

"Maam sino po ang gaganap na prinsesa?" Tanong naman ni Nicole na isa sa dunung dunungan naming kaklase.

"Si Ch-"

Hindi naituloy ni Maam ang sasabihin niya nung biglaang bumukas ang pintuan.

"Maam excuse po..."

Napakalumanay ng boses niya. May ipinakita siyang papel kay Maam De Guzman at pakiwari ko ay pinapacheck niya iyon. Nakatitig lang ako sa kanya. Nakatuon lang ang mata ko sa pagbuka ng bibig niya habang may sinasabi siya kay Maam.

"Jairus... umupo ka..." bulong sakin ni Jay na nakapagpabalik sakin sa katinuan. Kanina pa pala nakatuon sakin ang atensyon ng mga kaklase ko samantalang ako ay nakatingin lang sa pintuan.

"Sorry po Maam" sabi ko at umayos na ako ng pagkakaupo.

"Ano bang nangyari sayo Jairus. Mukhang tanga kanina" -Jay.

"Ang cute ni Chrien noh. Kamukha niya si Sir Den" narinig kong bulong ng kaklase ko mula sa likuran namin.

"Ang gaganap na prinsesa ay si Chrien Ross mula sa kabilang section. Biglaan kasing nagkaroon ng emergency sa totoong gaganap ng sleeping beauty kaya napunta kay Chrien ang character" paliwanag ni Maam.

Ang Manliligaw Kong Bully Book VITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon