John Hariel

229 16 3
                                    

Chrien Ross Point of View

"Good morning Yen!" nakangiting bati sakin ni Jairus. Naramdaman ko tuloy na biglang namula ang mukha ko. Nahihiya kasi ako dahil dun sa pagngudngod ng labi ko sa labi niya nung play namin. Buti nalang hindi na napag-uusapan iyon. 

Tungkol naman kay Noah, napakabihira niyang mangamusta. Busy yata don sa mga bago niyang kaibigan - kay Maica. Kahit naman nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan ay hindi ko siya in-unfriend o ni-block sa fb. Bestfriend ko siya. Kanina nga nakita ko sa newsfeed ko yung uploaded pictures na naka-tag sa kanya. Mukha namang masaya siya kaya okay na iyon. Ang importante naman ay masaya siya.

Bigla akong napaayos ng upo nung biglang bumukas ang pinto ng room namin. Takte! Akala ko prof na namin. Ito namang katabi kong si Jovi ay mukhang tanga sa nilalaro niyang roblox. Gagawa daw siya ng bahay na nasa ilalim ng lupa para daw ready sa mga pag-atake ng mga zombie. Praning talaga.

Nilingalinga nung lalakeng pumasok ang kabuuan ng room namin. Bigla siyang tumingin sakin. Tumitig ng diretsong diretso. Pakiramdam ko nga ay ako lang at siya ang tao dito sa room namin. Hanggang sa paglalakad niya papunta sa bakanteng upuan sa malapit sa gilid ko ay diretsong siyang nakatingin sakin. Kinakabahan tuloy ako.

"I'm John Hariel Santillan. Broken schedule kaya sa ibang section napunta ang subject ko. Magiging kaklase niyo ako sa apat na subject. Transfer student" pagpapakilala niya pero pakiramdam ko ay sakin lang siya nagpapakilala dahil alam kong sakin lang siya nakatingin. Natapos ang araw namin dito sa loob ng school na puro classcard lang ang ginawa at bukod don ay buong araw kong nararamdaman na para bang may nakamasid sa bawat ginagawa ko kaya balisa ako. Hindi ko nga masyadong nakakausap sila Jairus dahil sa kabang nararamdaman ko eh.

-----

"Huwag kang KJ Jairus! Kaya nga tayo nag-iinom kasi maglalaseng tayo. Huwag mo ngang pigilan ang baklang yan" suway ni Jovi nung narinig niyang pinagsasabihan ako ni Jairus. Napagkasunduan din namin na magkaron ng outing dun sa sinasabi nilang bagong resort sa Indang. Tumango nalang ako ng tumango dahil bahagyang nakakaramdam na ako ng tama ng alak. Ang taas kasi ng tagay ni Alexis. Hindi ko rin alam bakit parang ang bilis umepekto ng alak ngayon sakin. Sigurado pa namang magkakawilihan dito.

"Sige. Wait lang. Mag-C-CR lang ako" paalam ko sa kanila. Kailangang makapaghilamos ako para mawala kahit papaano ang epekto ng alak sakin. Gusto kong makipagsabayan sa kanila dahil matagal tagal din kaming hindi nakapagbonding ng ganito. Nagprisinta si Jairus na samahan ako pero tinanggihan ko iyon. Malapit lang naman saka hindi pa naman ako paese ese ng lakad.

Nagsimula na akong maglakad papuntang CR. Buti nalang ay wala gaanong tao kaya hindi ko na kailangan makipagsiksikan. Aktong papasok na ako nung biglang aksidenteng may lumitaw sa harapan ko.

"Ahh Shi-"

"Ayy sorry po... hindi ko po sinasadya.." alalang sabi niya sakin habang pinapagpag ang suot kong damit na aksidenteng natapunan ng siomai nababaran ng toyo kaya nabasa ang damit ko.

"Okay lang... Ako na.. maghihilamos din naman ako" ngiting sabi ko sa kanya. Halata kasing natatakot siya.

"Pasensya na po talaga..." pag-ulit niya.

Dumiretso na ako sa loob at humarap sa salamin. Potek! Pano gagawin ko? Wala pa naman akong baong extra shirt. Amoy na amoy pa yung siomai sa damit ko. Bigla nga nawala pagkalasing ko dahil sa nangyari eh.

Ang Manliligaw Kong Bully Book VITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon