YEN YEN!!!

320 21 5
                                    

Chrien Ross Point of View

"Ayun sila Yen oh!" kasunod nun ay ang pagturo ni Jairus sa kinauupuan nila Jovi. Aktong igigiya na ako ni Jairus papunta sa mga kaklase naming nung biglang may narinig ako sa likuran naming.

"Akala ko hindi ka makakarating Ien eh. Tara na dun oh" nakangiting sabi ni Oah.

Bahagya kong naramdaman ang pagkalas ng kamay ni Jairus sa braso ko at tinanguan ako ni Jairus.

"Cheer mo rin ako ha" mahinang bulong sakin ni Jairus bago siya tuluyang tumakbo papunta sa bench team nila.

"Kanina pa kita inaantay Ien" sabi ulit ni Oah habang naglalakad kami papunta sa bench team nila. Ewan ko ba pero parang may kakaiba sa pakiramdam ko na parang hindi na normal itong nangyayari.

"Long time no see Chrien. Naging busy ka daw sa research mo, sabi nitong boyfriend mo" bati naman sakin ni Jake bago ako tuluyang naupo sa itaas na bahagi ng court. Medyo napaisip nga ako sa sinabi ni Jake eh. Wala naman kaming research pero tingin ko iyon ang ginawang dahilan ni Oah kay Jake.

Napalingon ako sa katabi ko. Katabi ko ang mga kasama ni Oah nung nag-outing kami. Nginitian nila ako at nginitian ko rin sila.

"Ready na guys!" sigaw ng isang kakampi nila.

"Noah galingan mo ha! Sabi mo babawi ka!" narinig kong sabi nung isang babae.

Nilapitan ako ni Oah.

"Wala bang goodluck kiss dyan?" ngiting tanong niya sakin. Bahagya akong tumayo at dahan dahan kong inilalapit ang labi ko sa pisngi niya.

"Noah eto yung mini bag oh. Nakalimutan mo" biglang singit nung babaeng nagcheer sa kanya kanina dahilan para hindi ko tuluyang inilapat ang labi ko sa pisngi niya.

Kinuha iyon ni Oah.

"Ien oh... Andyan yung mga gamit natin. Punta na ako sa loob. Tinawag na ang first five" sabi niya at mabilis na siyang tumakbo papunta sa loob ng court.

Nagsimula na ang laro. Hindi ko nga masyadong maipokus ang atensyon ko sa panunuod dahil sa kakaibang nararamdaman ko eh. Pero hindi ko iyon pinapahalata. Kasama rin sa first five si Jairus sa kalabang team.

"Mukhang may dapat kang ikwento sakin Chrien" biglang upo sa tabi ko ni Jake.

"Ha?" maangang tanong ko.

"Kilala kita. Alam kong may hindi magandang nangyayari sanyo ng boyfriend mo. Sabihan mo lang ako. Kapag may ginawang kalokohan sayo yang si Noah, bugbog sakin yan" pabirong sabi ni Jake sakin dahilan ng sabay naming pagtawa.

"Kita mo yun Ien! Hindi man lang makaagaw sakin ng bola" pagyayabang ni Oah habang nakaupo sa tabi ko. Kinuha ko sa mini bag ang towel at inabot ko iyun sa kanya.

"Mukhang ginagalingan mo talaga Noah ah!" sabi naman nung isang lalaking katabi ko.

"Syempre naman tol! Nanunuod si Ches-"

"Second half na Noah. Tara na" putol ni Jake sa dapat na sasabihin nung isa pang lalaki.

56 – 53 score.

Lamang ang team nila Oah.

"Easy lang boys. Lamang tayo" narinig kong sabi ni Coach.

Nagsimula na ulit ang laro.

"Go Noah!!! Galingan mo lalo!!!!" narinig kong sigaw nung isang babae malapit sakin. Napapatingin nga minsan dito sa gawin namin ang ibang ka-team nila Oah at si jairus. Nakikita ko ngang napapailing nalang si Jairus sat wing naririnig niya ang sigaw ng babaeng iyon.

Three points by Castillo Jairus.

Kasunod nun ay ang malakas na palakpakan at sigawan sa kabilang team.

56 – 56 score.

Uminit na ang laban. Nakita kong sumeryoso na ang team nila Jairus dahil nalalamangan na nila ang team nila Oah.

59 – 63

Time out.

"Last quarter na. Konti lang ang lamang. Kayang kaya niyo yan" narinig kong sabi ni Coach.

Pinaliwanag ni Coach kung ano ang gagawin nila para mabawi yung lamang ng team nila Jairus.

Aktong aabutan ko ng Gatorade si Oah nung napansin kong papalapit yung babaeng sumisigaw kanina na may dalang Gatorade na katulad ng hawak ko. Sabay ngayon kaming naglalakad papalapit kay Oah.

"Noah oh.. galingan mo ha. Sigurado ako mananalo kayo" kasunod ng pag-abot ng Gatorade sa kanya at nakangiting sabi nung babae sa kanya.

Napatingin sakin si Oah at dahan dahanng ibinaba ang mata sa hawak hawak kong dapat sanay ibibigay ko sa kanya.

Potek! Pakiramdam ko may kumurot sa dibdib ko. Napansin kong napatingin din si Jake sakin at lumipat kay Oah.

Bahagya kong inikot ang katawan ko at aktong babalik na ako sa kinauupuan ko nung biglang may kumuha ng hawak hawak ko.

"Ako na ang lumapit Yen. Kakahiya naman kung ikaw pa ang pupunta sa team namin" sabi ni Jairus kasunod nun ay ang pag-inom niya ng kinuha niya sakin Gatorade.

"Pano? Balik na ako dun. Salamat dito" malawak na pagkakangiti ni Jairus habang itinaas pa ang Gatorade na hawak niya.

Napansin ko ngang nakatingin samin ang ibang mga ka-team ni Oah pati itong mga katabi ko. Dahan dahan kong tiningnan si Oah. Nakatingin lang siya sakin at hindi ko maipaliwanag ang emosyong pinaparating niya.

"Lakad na Noah. Ayun na sila. Galingan mo ha" sabi ulit nung babaeng lumapit sa kanya.

"YEN YEN!!!" malakas na sigaw na narinig ko dahilan para makuha nanaman ang atensyon ko at mga nasa katabi ko.

Si Jairus.

"Kanina ko pa inaantay na ipagcheer mo ako! Baka naman!" dugtong ni Jairus habang may malawak na pagkakangiti.



Author: Salamat po matiyagang pag-aantay ng update. Muli po pasensya na at napakaraming pong ginagawa. Salamat po.

Pahingi naman po reaction sa mga books ko. :) 

Ang Manliligaw Kong Bully Book VITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon