Chrien Ross Point of View
"Kanina pa kita inaantay Yen"
Dahan dahan kong inilipat ang tingin ko sa pinanggalingang boses na iyon.
"Jai?" Patanong na bati ko sa kanya.
"Kanina ka pa inaantay nito Chrien. Hindi nga mapakali, kanina paikot ik-"
"Osya tama ka na Kemuel! To hindi na nahiya!" Pigil sa kanya ni Jairus.
"Magkakilala kayo?" Takang tanong ni Justin sakin na hindi nagbabago ang emosyon sa kanyang mukha.
"Ah.. magkaklase kami" naiilang at tipod kong sagot sa kanya.
"Oyy! Jairus kanina ko pa pinapaihaw sayo yung ma-Hey! Chrien! Buti at nandito ka na. Kanina pa excited tong si Jairus na maki-"
"Kuya Leonard nasaan sila Kuya Luis?" Biglang putol naman ni Justin.
"Nasa cottage na. Halika na kayo para makapag-ayos na tayo. Jairus ayusin mo na yung iihawin at kanina pa nakasimangot ang Kuya Em mo" sagot naman ni Kuya Leonard.
"Tara na Chrien. May mga music instrument din dun na naka-set. Jamming tayo mamaya ha" nakangiting sabi saken ni Shem at hinila na niya ang kamay ko.
Pagkadating namin dito sa cottage ay inilapag na ni Justin ang mga gamit namin. Nilinga ko ang paligid. Ang ganda at wala akong ibang nakikitang tao kundi ang mga kasama namin. Naagaw ang atensyon ko ng mga nagkikintabang instrumento na naka-set sa mini-stage sa harapan ko.
"Bunso kain na daw tayo sabi ni Kuya Den" biglang sabi saken ni Justin nung aktong ihahakbang ko ang dalawang paa ko papunta sa unahan. Bahagya kong iniurong ang paglakad ko at sinabayan ko na si Justin sa pagpunta sa inayos nila Kuya Den na pagkain.
"Ako ba magli-lead ng prayer?" Sabi ni Ate She.
"Hinde!"
"Ako na!!!"
"Huwag na magpray!!!"Samut saring narinig kong reaksyon ng mga kasama namin.
"Kaaarte nyo! Nuknukan naman kayo panget!" Pabalang na sagot ni Ate She at kasunod nun ay ang pagsubo niya ng tatlong bbq.
"Kasiba siba mo!" -Kuya Kerby
"E ano gusto mo? Isubo ko yan dito!" Kasunod ng pagturo niya sa ibabang bahagi ni Kuya Kerby dahilan para magtawan lahat kami.
"Yen oh. Ako nag-ihaw niyan. Salo nalang tayo sa plato Yen" biglang singit ni Jairus na may dalang apat na bbq.
"Mukhang ganado si Jairus ah!" Puna ni Kuya Leonard habang katabi si Kuya Ashton.
"Bunso eto oh nagluto ako kanina ng chicken curry. Tikman mo" sabay lapag ni Justin ng box at binuksan niya iyon.
"Ehemmm hindi kaya marunong magpatalo ang Gabriel" singit naman ni Kuya Paul.
"Naknamputaaaaa!!! Den!!! Daig ka pa ng kapatid mo!! May lahi ba kayong pokpok?" Sabat naman ni Ate She dahilan para magtawanan ulit lahat ng kasama namin.
"Aba Paul! Hindi naman ako papayag na matalo ang alaga ko, diba Jairus?" ngising sagot na pang-aasar ni Kuya Leonard kay Kuya Paul.
"Tumigil nga kayong dalawa!" sabay na suway ni Kuya Den at Kuya Em.
"Nagkakatuwaan lang eh..." sabay din sagot ni Kuya Paul at Kuya Em.
Pareho kong tinanggap ang parehong inalok sakin ni Justin at Jai. Masarap nga eh. Kaso naiilang ako sa sitwasyon namin kasi pinaggigitnaan ako ng dalawa. Nasa kaliwa ko si Justin at nasa kanan ko naman si Jairus. Hawak ko ang BBQ na inabot ni Jairus habang magkasalo kami sa plato at nasa tabi ko naman ang chicken curry na bigay ni Justin.
![](https://img.wattpad.com/cover/237164382-288-k614738.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully Book VI
RandomSimulan na nating subaybayan ang istorya ni Chrien. :) Slow update po muna. Add niyo na muna sa library niyo. Maraming salamat po :)