Oh geym!!!

278 16 2
                                    

Jairus Cael Castillo Point of View

"Kaya ko na... kain ka na rin Yen" kasunod ng pagpigil ko sa kamay niya habang hawak hawak ang kutsara at isusubo sakin.

"Sumunod ka nalang Jai.. Kaya nga ako nandito eh" malumanay niyang sabi sakin.

HInayaan ko na siyang asikasuhin ako. Sa twing pipigilan ko kasi siya ay binibigyan niya ako ng hindi magandang tingin. Saka sa kabilang banda ay gusto ko rin naman itong nangyayari. Hindi ko inaasahan na darating yung pagkakataong magkakasama kami at magiging malapit kami sa isa't isa. Dati kasi hanggang tingin lang ako sa kanya.

"Mamaya na kita bibihisan Jai. Tara muna dun muna tayo sa bakuran niyo. Pahangin tayo"

"Ha? Bakit mo ako bibihisan?" medyo nautal kong tanong sa kanya matapos niyang kunin ang plato at inilagay sa lababo.

"Natural. Alangan naman matulog kang naka-complete jersey uniform. May balak ka bang makipaglaro ng basketball sakin?" diretsong sagot niya at dagli siyang lumapit sakin.

Shit!!! Maglalaro kami ng basketball mamaya sa kwarto ko? Whaaaaa! Bakit naeexcite ako? Bakit parang may kakaiba akong nararamdaman? Shit! Shit!

"Bakit ba pangiti ngiti ka diyan? Tara na!" puna sakin ni Chrien at inalalayan na niya ako sa pagtayo.

"Yen kaya ko naman maglakad. Kamay ko ang may diperensya at hindi naman paa. Mahihirapan ka lang sakin eh" sabi ko sa kanya nung nagsisimula na kaming lumakad papalabas.

"Ahh.. Kaya mo pala ah. Sige uuwe nalang ako kaya mo naman pala eh" sabay bitaw niya sa braso ko.

"To naman hindi na mabiro. Eto nga't pati binti ko hindi ko maigalaw. Parang naninigas" kasunod ng pagturo ko sa kaliwang binti ko. Dinako ni Chrien ang tingin niya dun.

"Parang hindi naman binti mo ang naninigas Jairus ah" makahulugang puna ni Chrien dahilan para maramdaman ko ang biglaang pag-init ng mukha ko. Hindi pa rin kasi nawawala sa isipan ko ang sinabi ni Chrien kanina na bibihisan niya ako.

"Halika na nga Yen. Upo na tayo dun" pag-iiba ko ng usapan at sinadya kong bilisan ang paglalakad.

"Pwede ba mag-inom dito?" kaagad na tanong ni Chrien nung nakaupo na kami.

"Oo naman Yen. Dito nga kami nag-iinom ni Kuya Leo kapag nag-aaway sila ni Kuya eh" mabilis kong sagot dahil pakiramdam ko ay gustong mag-inom nitong kasama ko.

"Sigurado ka?"

"Oo naman"

"Pahiram nga ng cp mo" pero kusa ng kinuha ni Chrien iyon sa bulsa ko. Bahagya ko ngang iginawi sa kanan ang bulsa ko dahil baka kung ano ang makapa ni Chrien eh. Kakahiya naman baka kung ano isipin niya dahil ayaw magpasaway ni junjun.

"Ayun!" narinig ko sa kanya at kasunod nun ay ang pag-tap niya sa pangalan ni Kuya Leo sa phonelist ko.

"Hello po... Si Chrien po to" narinig kong sabi ni Chrien sa kabilang linya.

"Kuya Leo okay lang po ba na mag-inom kami kahit pampatulog lang dito sa bakuran?" paalam niya.

"Salamat po ng marami. Pakisabi na rin po kay Kuya Em. Thankyou. Ingat po" huling narinig ko kay Chrien bago niya tuluyang binalik sa bulsa ko ang cellphone ko.

"G na! Ako na bibili. Nakita ko naman yung tindahan sa labas. Upo ka lang muna dito" dugtong niya at tuluyan na siyang naglakad papalabas ng bakuran namin.

Nahirapan ako sa pagbunot ko sa cellphone ko nung naririnig ko itong natunog. Masakit pa kasi yung braso ko dahil na rin siguro sa pagkakahilot kanina.

"Hello pre" bungad ko kay Jay.

"OTW na ako dyan sanyo. Motor mo gamit ko" sabi niya.

"Huwag muna pre. Sayo na muna. Alam naman ni Kuya Em na nasayo ang motor. Okay lang pre" pagpigil ko sa kanya.

"Bakit parang ayaw mo akong papuntahin dyan sanyo? OTW na ako pre. See you" huling narinig ko kay Jay bago ko marinig ang busy tone ng cellphone ko.

"Jai papakialaman ko na mga gamit dito ha" narinig kong sigaw ni Chrien.

Binuhat ni Chrien ang maliit na lamesa at inilagay sa tapat ng kinauupuan namin. Naglagay ng pitsel na galing sa loob ng refrigerator namin at naglapag ng dalawang baso.

"Pasensya na. Pang-empi lang ang dala ko" kasunod nun ay ang pagtawa nya.

Aktong tutulong ako sa pag-aayos pero pinipigilan niya ako.

"Oh geym!" Sabi niya matapos niyang timplahin ang juice at matapos lagyan ng yelo ang pitsel.

Nagsimula ng paikutin ni Chrien ang tagay. Tinatanong pa nga niya ako kung kailangan pa ba daw na siya ang magpainom sa kanya. Masyadong OA naman yata kung ganun ang mangyayari. Kaya ko naman uminom gamit ang kaliwang kamay ko.

"Sorry nga pala sa nangyari ha..." biglang sabi ni Chrien.

"Ha? Sorry saan?" Takang tanong ko.

"Pasensya na... kasi kung hindi ka tinulak ni Oah hindi ka sana mapipilayan at mahihirapan ngayon" diretsong sagot niya.

"Ano ka ba Yen! Hindi naman sinasadya ni Noah iyon. Saka ganun talaga nangyayari minsan sa basketball" paliwanag ko sa kanya.

"Hindi mo na nga dapat ako sinamahan dito sa bahay eh. Sigurado ako mag-aaway kayo ni Noah" dugtong ko.

"Kung hindi kita sinamahan dito sigurado papagalitan ka ni Kuya Em. Saka hindi sila matutuloy ni Kuya Leobard dahil intindihin ka pa nila. Osya shot mo na" mahabang sabi naman niya saken dahilan para hindi ko na ulitin pa ang sinasabi ko.

"Kaya naman pala ayaw akong papuntahin ni Jairus eh... Kasama pala si labi-"

"Oyyy Jay!!! Tara dito" sigaw ko para hindi niya ituloy ang dapat na sasabihin niya.

Kumuha ng upuan si Jay at naupo sa harapan namin. Pulutan nga agad ang pinuntirya e. Yung pritong bacon at nachos na may cheese.

"May iba ba kayong kasama? May nakita akong pasilip silip kanina sa gate. Umalis nung bago ko iparada yung motor sa harapan nyo Jairus" - Jay.





Author: Maraming salamat po sa pagsubaybay. Votes.Comments. Thankyou poooooo :)

BubeiYebeb

Ang Manliligaw Kong Bully Book VITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon