Jairus Cael Castillo Point of View
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ko. Matapos kong marinig ang sigawan ng mga ka-team ko at nasigurado kong pumasok ang huling tira ko ay mabilis akong tumakbo papunta sa bench team namin - kay Chrien. Nakatayo siya at nakangiti sakin. Niyapos ko siya ng mahigpit dahilan para mas lalong magsigawan pa ang mga nasa paligid namin.
"Ang galing mo Jai!" masayang puri sakin ni Chrien habang nananatiling nakayapos ako sa kanya.
"Syempre naman Yen, naactivate ang galing ko eh" nakangiting sagot ko sa kanya.
"Hoy! Liga ng basketball 'to hindi liga ng mga talande!" sigaw ni Jovi dahilan para matanggal ng mabilis ang pagkakayapos ko kay Chrien.
"Sabi sayo coach eh, kahit si Jai lang mag-isa kayang kayang talunin ang kalaban basta maaactivate ang galing" malakas na pangangantyaw ni Jay dahil para magtawanan ang mga ka-team ko pati na rin si Coach.
"Dahil nanalo tayo, ililibre ko kayo!" masayang sabi ni coach samin.
"Teka nga coach ansay. Anong nanalo kayo? Hindi ka naman nagpatalbog ng bola don!" singit ni Jovi kasunod ng pagturo sa field ng basketbulan.
"At bukas ka na manlibre coach dahil may gala kami at hindi ka invited" mataray na sabi ni Jovi pero halatang binibiro lang niya si Coach.
"Sayang balak ko pa naman na ako magbabayad ng kahit anong oorderin niyo" sagot naman ni coach.
"Sino ba ang putanginang nagsasabing hindi invited itong si coach ansay? Tara na coach sabay na tayo. Mga masasama ugali niyang mga member mo coach. Ayaw kang isama" sabay hila ni Jovi sa kamay ni coach at nagtawanan pa lalo kaming lahat.
Matapos naming mag-ayos ng gamit ay nagsimula na kaming maglakad papalabas.Hindi pa nga rin natigil sa pangangantyaw itong si Jay sakin eh. Paulit ulit yung salitang activated na ang galing. Tawa nga ng tawa ang mga kasama namin dahil iminumustra pa ni Jay yung pagkiss sakin ni Chrien kanina na palihim ko naman ikinakikilig.
"Chrien!" Malakas na sigaw na narinig namin dahilan para mapatigil sa paglalakad itong kasabay ko at agad na nilingon ang natawag sa kanya.
"Jake" bati ni Chrien nung nakalapit na samin itong ka-team ni Noah na si Jake.
Napansin kong nasa likuran si Noah at nakatingin lamang sa direksyon namin.
"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong ni Jake.
"Pasensya na Jake. May usapan kasi kami ngayon. Baka gab-"
"15 minutes..."
"Nextime nalang Jake.. tawaga-"
"10 minutes.." dugtong ni Jake at halatang gusto talaga niyang makausap si Chrien.
"Pwede naman tayo mag-usap sa cha-"
"Ien" muling pagtawag sa pangalan ni Chrien mula sa likuran ni Jake. Bahagyang tumingin sakin si Chrien. Ilang segundo kong hinigpitan ang pagkakakapit ko sa kamay niya at binitawan ko iyon.
"Tara una na tayo sa labas. Hintayin ka namin Yen sa labas ha" walang emosyong sabi ko sa kanya at sinenyasan ko na ang mga kasama ko na sumunod na sakin palabas. Sa totoo lang ayoko sana hayaan si Chrien pero pumapasok sa isipan ko yung mga sinabi ni Noah sakin kahit na alam ko namang hindi totoo iyon.
"Bakit mo pinayagan si Chrien tol?" tanong ni Alexis habang nandito kami sa harapan ng sasakyan niya at inaantay namin si Chrien. Hindi ko iyon sinagot. Nanatili akong tahimik at maya't maya akong natingin sa suot kong relo.
Limang minuto na ang nalipas pero wala pa rin si Chrien. Hindi ako mapakali. Wala ngang tigil sa kakayugyog ang paa ko dahil sa inip na nararamdaman ko. Maya't maya rin ako napapalingon sa bawat lumalabas sa basketball court. Kahit kaunting yabag lang ay napapalingon na agad ako. Ganito na ba talaga ang lalim ng nararamdaman ko para sa kanya?
"Kayabang yabang mo kanina, may patapik tapik ka pa sa dibdib mo at paturo turo kay Chrien tapos hahayaan mo lang pala siya. Halika na nga. Iwanan na natin yang mga coach. Mga bopols!" narinig kong sabi ni Jovi pero hindi ko iyon inintindi. Ang tanging hinihintay ko lamang ay ang paglabas ni Chrien mula sa covered court na nasa harapan namin.
"Akala ko ba hindi ka na magpapatalo lalo na pagdating kay Chrien?" seryosong tanong ni Jay sakin kasunod ng pagtapik sa balikat ko.
"Saka ganoon na ba kabilis mawala nung galing mo? Activated pa naman diba?" mapang-asar na dugtong ni Jay dahilan para umayos ako ng pagkakatayo at nagsimula akong maglakad pabalik sa loob ng covered court. Nilinga linga ko ang paligid. Pakiramdam ko nga kahit may nakaharang ay kayang ma-scan ng dalawang mata ko dahil sa pagaatubili kong mahanap si Chrien.
Hindi rin nagtagal ay nahagip ng dalawang mata ko ang kanina ko pa hinahanap. Nakaupo siya sa pinakataas - dulo ng upuan at katabi si Noah. Parang may tumutusok na karayom sa dibdib ko habang nakikita ko silang magkasama. Pinilit kong kinakalma ang sarili ko para hindi ko takbuhin kung nasaan silang dalawa.
"Yen..." pagtawag ko sa kanya dahilan para sabay silang mapalingon sakin.
"Jai..." mahinang pagtawag ni Chrien sa pangalan ko.
"Tara na Yen. Lampas 15 minutes na" nakangiti pero halatang seryoso ako sa paalala ko. Hindi ako natingin kay Noah. Tanging kay Chrien lang nakatuon ang dalawang mata ko habang hinihintay ko siyang tumayo at lumapit sakin.
"Noah, aalis na kami. Hinihintay ka na rin ng mga kasama mo" malumanay na paalam ni Chrien kasunod ng pagtingin niya sa mga kaibigan ni Noah na nasa ibabang bahagi nitong kinalalagyan namin. Dahan dahang tumayo si Chren.
"Tara na Jai.." nakangiting yaya niya sakin. Siya na mismo ang humawak sa kamay ko at iginiya na niya ako palakad.
"Ien..."
Dahan dahang lumingon si Chrien at muling nilingon si Noah.
"Oks lang Noah. Ingat palagi" nakangiting sagot muli ni Chrien at hindi na niya hinintay ang sagot ni Noah.
"Tara na Jai.. excited na ako sa gala natin.." - Chrien.
Author: Bukas po ulit. Salamat po sa pagsubaybay.
Comments.Votes.Reaction. Pls.
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully Book VI
RandomSimulan na nating subaybayan ang istorya ni Chrien. :) Slow update po muna. Add niyo na muna sa library niyo. Maraming salamat po :)