Jairus Cael Point of View
"Tayo'y magpalakpakan mga kaalyansa!" malakas na sigaw na narinig ko pagkapasok ko sa loob ng classroom namin. Tiningnan ko ang mga mukha ng mga kaklase ko. Potek! Baka tungkol ito samin ni Chrien.
"Palakpakan si Jairus Cael Castillo dahil sa unang pagkakataon at maaga siyang pumasok!" sigaw ulit ni Jovi at tumayo pa siya sa armchair. Siraulo talaga tong babaeng to. Kala ko tuloy kung bakit. Matapos iyon ay naupo na ako sa tabi ni Jay. Gusto ko nga rin palakpakan si Jay dahil sa unang pagkakataon ay hindi siya naglalaro ng mobile legends ng ganitong kaaga.
"At eto pa ang isa! Palakpakan na may kasamang hagalpakan itong tatanga tangang baklang to dahil baliktad ang jacket!" sigaw ulit ni Jovi nung si Chrien naman ang pumasok sa room. Nagtawanan nga lahat ng kaklase ko eh.
"Tanga! Ganito talaga ang design neto" singhal ni Chrien at hinubad na niya ang suot niyang jacket.
"Aww no!!! Kupal shirt niyo si Enchanted kingdom no!" muling kantyaw ni Jovi kay Chrien na lihim kong ikinangiti. Suot din pala ni Chrien ang binili naming kulay puting damit na may design na character ni Eldar the Wizard. Bahagya akong napatingin kay Chrien at ganun din siya. Nginitian niya ako dahilan para makaramdam nanaman ako ng kakaibang parang paikot ikot sa buong katawan ko.
"Easy tol. Ngiti palang iyon. Paano kung ano na" kantyaw naman ni Jay sakin.
"Gagu!" kasunod nun ay ang pagtawa ko.
Ilang sandali lang ay dumating na ang prof namin.
Discuss.
Discuss.
Discuss.
Ganoon lang ang nangyari sa tatlong prof namin. Pero ang nagpaganda sa pandinig namin ay ang magaganap na foundation day. Ibig sabihin walang klase ay hayahay nanaman kami. Ligtas kami sa mga nakakawindang na recitation at exam.
"Tara na Yen... Lunch na tayo" yaya ko sa kanya.
"Hoy! Kayong dalawa lang ba magkaklase dito? Mukha ba kaming walang pambile ng pagkain!" bulyaw nanaman ni Jovi.
"Osya halika na nga Jovi. Syempre sabay sabay tayong lahat maglalunch. Panira ka ng moment talaga" narinig kong sabi ni Jay at hinila na niya si Jovi palabas ng room at sumabay na rin ang mga kaklase namin.
Ako na ang umorder ng pagkain ni Chrien. Alam ko naman ang paborito at palagi niyang inoorder dito sa tinatambayan namin kapag nakain kami.
"Napakamaasikaso naman ni Jairus ah!" Puna ni Jillian habang sabay sabay kaming pabalik nila Jay sa pwesto namin.
"Syempre naman! Sayang naman yung pagkakataon kay Chrien. Nakita ko statu-"
"Tama ka na Alexis. ilapag mo na yan" pigil sa kanya ni Jay dahilan para magtawanan kaming dalawa ni Jay at Jillian.
"Hoy Chrien anong emote emote mo kagabi? Hindi na ako nakapagcomment sa single status mo ah!" diretsong tanong ni Jovi matapos niyang agawin kay Jay ang hawak nitong isaw.
"Akin yan!" -Jay.
"Napakadamot mo naman! Parang tatlong stick lang ng isaw eh!"
"Ayan naman yung sayo. Apat yang sayo"
"Huwag ka ngang makialam. Iuuwe ko yan. Midnight snack ko yan" singhal ni Jovi kay Jay kaya wala na itong nagawa.
Nabasa ko rin yung status ni Chrien kagabi. Yun kasi ang sumunod matapos yung status naman ni Noah. Hindi na ako nagtanong tungkol dun dahil baka malungkot bigla itong si Chrien. Nagulat nga ako sa biglang pagpunta niya sa bahay kagabi. Nawala yung tama ng alak sakin. Dahil lang pala sa mickey mouse na stuffedtoy kaya siya nagpunta sa bahay. Nakalimutan ko daw ibigay sa kanya. (May flashback pa po dito)
"Hoy ano Chrien? Anong kaekekan iyon?" muling tanong ni Jovi.
"Brea-"
"Parang ang sarap magroad trip pagkatapos ng laban mamaya no Jairus?" putol ni Jay sa dapat na sasabihin ni Jovi.
"Oo nga! Ayos na ayos pwede ko magamit mamaya ang sasakyan namin kasi walang pasok si daddy" sang-ayon naman ni Alexis.
"Iyon naman pala eh! Oh mamaya ha!" masayang sabi ni Jay at tinanguan ako.
"Ano ba! Pano ako sasang-ayon eh nakabusalsal sa bunganga ko ang kamay mong hayup ka may kasama pang stick ng isaw!" galit na sabi ni Jovi dahilan para magtawanan ang lahat.
.
.
.
.
.
.
.
"Hindi ka ba lilipat ng bench team?" narinig kong tanong ni Jovi kay Chrien habang naglalakad kami papalapit sa bench ng team ko.
"Ano ka ba! Pano ko masusuportahan si Jai kung dun ako uupo. Loka ka talaga Jovi" pabirong sagot ni Chrien.
"Ako talaga nahihiwagaan na sayo Chrien. Ayun si Noah. NOA-"
"Umupo ka na. Kung sino sino pa tinatawag mo. Pagtitinginan nanaman tuloy tayo" sabay bistra sa kamay niya ni Jay para mapaupo si Jovi.
"Alam ko nanaman e. Tangnanyo! Ako naman e hindi ulaga! Osya laban na! Para makagala na tayo!" -Jovi.
HIndi rin nagtagal ay tinawag na ang first five ng bawat team. Katulad dati ay kasama ako dun. Kasama rin si Noah. Humanda ka saken Noah. Hindi ko hahayaan na manalo ka sa pagkakataong ito. Kahit man lang dito ay maiganti ko sayo si Chrien.
Nakuha ko agad ang bola matapos ang jumpball. Mabilis ko itong naitakbo papunta sa ring ng team namin.
Two points by jersey number 08 Castillo
Umpisa palang ay mainit na ang laban. Halos kaming dalawa ni Noah ang nagpapasiklaban dito sa loob.
12 - 12
Pareho lang ang score.
Tumawag ng time-out ang team nila Noah.
Nahagip ng mata ko na sinalubong siya ng isang babae. Kung hindi ako nagkakamali ay iyon yung may suot dati ng jersey niya na imbis si Chrien ang may suot. Lintek ka Noah!
"Galing mo Jairus!" Bungad ni Alexis.
"Mukhang mainit ang labanan niyo ah!" puna ni Jay at nginitian ko lang siya.
Muli kong tiningnan ang team nila Noah at binaling ko ang tingin ko kay Chrien. Nakatingin siya dun pero agad niyang binawi ang pagkakatingin niya nung naramdaman niyang kakausapin siya ni Jovi.
"Jairus huwag papatalo ha!" -Jillian.
"Syempre naman. Ipapanalo ko to. May nagpromise saken na ititreat daw niya ako kapag nanalo ako eh. Diba Yen Yen?" sabay kindat ko sa kanya.
Nagsimula na ulit akong maglakad papasok sa loob. Gagawin ko lahat para manalo.
"Jai!"
bigla ako napatigil nung narinig ko ang boses ni Chrien.
"Sensya. Nakalimutan ko ipainom sayo kanina" kasunod nun ay ang pag-abot niya sakin ng kulay pulang gatorade. Halos maubos ko ang laman ng isang bote bago ko iabot ulit sa kanya ito. Pagkatapos nun ay ginulo gulo ko ang buhok niya.
"Galingan mo ha..."
"Alam mo naman kung paano maactivate ang galing ko diba?" nakangising sagot ko sa kanya.
Maliksi siyang lumundag at kinisan ako ni Chrien sa pisngi.
SHITTTTTTTTTTT!
"TOL FIRST QUARTER PALANG PANALO NAAAAAAA!" Narinig kong malakas na sigaw ni Jay kasunod ang malalakas na sigaw ng mga kaklase ko.
"JAI - YEN! JAI - YEN! JAI - YEN"
Pakiramdam ko punong puno at nag-uumapaw ako sa kagalingan ngayon.
Author: Pahinging comments,votes and reaction pilisssssssss.
Maraming salamat po :)
Try ko mag-update mamaya pagkabasa sa mga comments nyo npo. Thankieeeeeee :)
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully Book VI
RandomSimulan na nating subaybayan ang istorya ni Chrien. :) Slow update po muna. Add niyo na muna sa library niyo. Maraming salamat po :)