Chapter XI
Jairus Cael Castillo Point of View
Hindi ako mapakali. Hindi ko kasi maipaliwanag itong nararamdaman ko. Yung pakiramdam na naeexcite na ewan. Sobrang saya. Kakaiba. Hindi ko ineexpect na yung dating inaasam asam kong mangyari ay nangyayari ngayon. Dati hanggang tingin lang ako kay Chrien. Dati inaabangan sumisilip lang ako sa bintana ng room nila at inaabangan ko lang siya sa gate para masulyapan. Dati hinihiling ko lang na mahawakan, maakbayan at makasama siya. Thankyou Lord. Pero, hindi naaalis sa isipan ko na hiram ko lang ang pagkakataon na ito dahil alam ko naman na ibang tao ang nagmamay-ari sa puso niya. Si Noah.
"Oy Jai! Tara dun oh" kasunod ng pagturo niya sa mga ball games.
Sigurado din ako na kaya ganito ngayon si Chrien ay para mawala o maiwasan niya ang sakit na nararamdaman niya dahil kay Noah. Lintek yang si Noah. Hindi ba niya naiisip ang nararamdaman ni Chrien dahil sa mga ginagawa niya.
"Jai oh!" sabay abot niya sakin ng tatlong maliit na bola.
"Galingan mo ha! Para kapag nanalo tayo meron tayo nun" turo naman niya sa malaking mickey mouse stuffedtoy na nakasabit sa gilid namin.
"Dapat i-kiss mo ako para maactivate yung galing ko" hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob na sabihin iyo sa kanya. Hanggang sa dahan dahan kong naramdaman ang mainit na na hangin na nanggagaling sa bibig niya kasunod nun ay ang napakalambot niyang labi.
Hindi na ako nagsalita matapos iyon dahil pakiramdam ko ay nag-iinit ang mukha ko dahil sa sensasyong nararamdaman ko.
"Ang galing mo Jai!!!!" masayang reaksyon ni Chrien nung sunod sunod kong naipasok sa nakatagilid na timba ang tatlong maliit na bolang hawak ko. Dapat nga dalawa lang ang maipasok dun ay panalo na pero dahil kakaibang nararamdaman ko ay naipasok ko lahat.
Inabot samin nung babaeng nag-aassist ang malaking mickey mouse. Sinabi ko kay Chrien na ako muna ang magbubuhat nun dahil mukhang mas malaki pa ang hawak niyang stuffedtoy kesa sa kanya.
Pumila pa kami sa iba't ibang rides. Palagi ko ngang pinapaprint ang bawat pictures namin ni Chrien para may maidikit ako sa ding ding ng kwarto ko. Puro stolen shots.
"Tara upo muna tayo dun oh" yaya ko sa kanya matapos namin sa anchors away. Naupo kami sa tapat ng malaking bato na may umaagos na tubig. Inabutan ko siya ng mineral water at sandwich na dala ko.
"Ang saya no! Sana palaging ganito" ngiting sabi niya habang tinatanggal ang tissue na nakabalot sa sandwich.
"Gusto mo bukas sa star city naman tayo?" excited na tanong ko sa kanya.
"May pasok na tayo bukas eh. Saka diba may laban kayo ng basketball bukas?"
"Panuorin mo ako bukas ha"
"Syempre naman Jai! Kapag nanalo kayo bukas ikaw naman treat ko"
Bago kami tuluyang umuwe ay nag-ikot ikot muna kami. Bumili kami ng souvenirs at ibang pasalubong sa mga kaklase namin.
Kakaiba yung sayang nararamdaman ko ngayon. Kahit nga habang nagdadrive ako ay nakangiti pa rin ako. Hindi ako nauubusan ng sinasabi kay Chrien. Ayoko kasi masayang ang sandali na kasama ko siya.
Dahan dahan kong itinigil ang sasakyan nung nasa tapat na kami ng eskinita nila Chrien. Agad nakuha ng atensyon ko ang isang napakapamilyar na sasakyan sa gilid ng eskinita nila Chrien.
"Pano Jai? Maraming salamat. Ingat ka pag-uwe ha" paalam ni Chrien sakin at aktong bubuksan na niya ang pintuan ng sasakyan ay kusang kumilos ang kanang kamay ko at hinawakan ko ang kaliwang kamay niya.
"Yen..." mahinang bigkas ko sa pangalan niya.
"Alam ko Jai... Huwag ka magworry, kaya ko. Kita kits bukas" ngiting sagot niya at parang pinaparating niya na alam niya kung kaninong sasakyan ang nakita ko.
Inantay ko munang makapasok sa eskinita si Chrien bago ko tuluyang paandarin ang sasakyan. Ganoon ba kadali bumawi ang tadhana? Kanina ang saya saya ko. Sobra. Dahil kasama ko ang taong matagal ko ng inaasam tapos ngayon, ilang oras palang ang lumilipas ay binabawi na agad siya.
"Napakatagal mo naman Jairus. Kanina pa ako dito sa tapat ng bahay niyo" reklamo ni Jay. Bago ko pa kasi pinagpatuloy ang daan pauwe ay nagchat na ako sa kanya na pumunta siya dito sa bahay.
"Sensya na tol. Pero eto oh!" kasunod nun ay ang pag-angat ko ng dalawang gin at chicken bbq.
"Mukhang maboteng usapan tol ah" nakangising sabi niya at inumpisahan na niyang ayusin ang mga gagamitin namin. Wala si Kuya Em ngayon. Ang sabi sakin ni Kuya Leonard ay irerelax muna daw niya si Kuya dahil stress na daw sa trabaho.
"Game! Kwento!" bungad agad ni Jay nung kapwa na kami nakaharap sa maliit na lamesa. Sinimulan ko ng ikwento ang lahat ng nangyari sa kanya. Inuulit ko pa nga sa kanya madalas ang nangyari samin ni Chrien kanina lalo na yung pagkiss sakin ni Chrien. Para nga akong bata dahil may action pa ang pagkakakwento ko sa kanya.
"Oh yun naman pala tol eh. Diba matagal mo ng gustong mangyari yan" tanong ni Jay matapos iabot sakin ang tagay ko.
"Kaso paghatid ko sa kanya kanina ay nakita ko yung sasakyan ni Noah. Sigurado ako sa mga oras na to magkasama na ulit sila" malungkot na sagot ko sa kanya.
"Haaaay... Jairus diba simula palang naman sinabihan na kita. Antis palang alam mo na may boyfriend si Chrien. Akala ko ba ayos lang sayo yung simpleng set up niyo si Chrien?" mahabang sermon nanaman sakin ni Jay. Wala akong maisagot sa kanya dahil tama naman ang mga sinasabi niya sakin.
"Tol huwag mo na hintayin na lumalim ng lumalim pa lalo ang expectation mo kay Chrien. Dapat tanggapin mo na hanggang magkaibigan lang talaga kayo. Ikaw lang din kasi ang mahihirapan. Ilang taon ka ng ganyan Jairus" mahabang dugtong ulit ni Jay at tinimpla na niya ang pangalawang bote ng gin sa pitsel.
Habang sinisindihan ni Jay ang gin at nicheck ko ang facebook ko. Nagbabakasakali na may notifs galing kay Chrien.
"Pati yang wallpaper mo, palitan mo na. Yan pa yung unang stolen shot na ginawa mo kay Chrien eh" panunukso sakin ni Jay.
"Oh ba't natahimik ka nanaman?" dugtong na tanong ni Jay dahilan para tingnan niya rin ang nakita ko sa newsfeed ko.
Nicholas Noah is in relationship...
"Oh ayan. Okay na sila. Kaya dapat umokey ka na rin. Saka lilipas din ya-AYY PUTANGNA! AYAN NA SIYA!!!" gulat na reaksyon ni Jay habang nakatingin sa likuran ko dahilan para mahulog sa loob ng pitsel ang bote ng gin.
Tumayo ako at dahan dahang lumingo sa likuran ko.
(Pls play PAG NANDYAN SIYA - BUD BROTHERS)
Shit!! Ramdam na ramdam ko ang slow motion sa mga sandaling ito. Pati ang paglakad ko papalapit sa kanya ay pakiramdam ko ay napakabagal din.
May sinasabi siya pero hindi ko iyon naiintindihan. Niyapos ko siya agad nung nasa harapan ko na siya.
"Yen...."
Author: Pasensya na po ng madami. Dami lang po talagang ginagawa. Try ko makapag-update ulit mamaya. Thankyou po ng madami. :)
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully Book VI
RandomSimulan na nating subaybayan ang istorya ni Chrien. :) Slow update po muna. Add niyo na muna sa library niyo. Maraming salamat po :)