Ipinagtatabuyan mo ako?

312 18 5
                                    

Chrien Ross Juco Point of View

FOUL! JERSEY NUMBER 30!

Bigla akong napatayo nung nakita kong bumagsak sa sahig si Jairus. Hindi ko alam ang nangyayari pero nakita ko nalang na biglang lumapit ang isa sa kakampi ni Jairus at tinulak si Oah. Naglapitan dun ang magkaka-team at inaawat sila.

Hindi ako nakatiis at mabilis ko ng tinungo ang loob ng court.

"Anong hindi sinasadya? Kitang kita naming na binalya mo si jairus!" sigaw ng kakampi ni Jairus habang awat awat siya.

"Laro laro lang tol! Walang personalan!" muling sigaw ng kakampi ni Jairus.

Napatuon ang atensyon ko kay Jairus na halos namimilipit na sa sakit habang hawakhawak siya ni Jay.

"Medic!! Tumawag kayo! Bilis!" Sigaw ng coach nila Jairus.

"Puro ka yabang!!" gigil na sigaw na narinig k okay Oah habang awat awat naman siya ni Jay.

"ANO BA NOAH! INAAWAT NA KAYO DIBA!!" Inis na sigaw ko dahilan para tumahimik at mapatuon saken ang atensyon ng mga nakapaligid samin. Tiningnan ako ni Oah. Tingin na nangangahulugan na kung bakit siya pa ang sinisisi ko.

"Chrien..." bulong ni Jake.

"KANINA PA KAYO INAAWAT, AYAW NIYONG MAGPAAWAT! IMBIS NA ASIKASUHIN NA AGAD ITONG NASAKTAN INUUNA NIYO PANG MAGTALO!" dugtong ko. Hindi na kasi ako nakapagtimpi dahil sa kaba at inis na nararamdaman ko.

"Noah? Noah, Ien?" diretsong tingin sakin ni Oah.

"Hindi ko sinasadya ang nangyari Ien! Pinapaliwanag ko! Bigla akong sinugod natural ipagtatanggol ko sarili ko!" ramdam ko ang galit mula kay Oah.

"Kalma lang Noah..." sabi nung babeng dumating kasama ng mga kaibigan ni Oah.

Dumating na ang mga medic. Binuhat si Jairus ng mga kateam niya at mabilis na nagpunta sa clinic.

Bahagya kong tiningnan si Oah habang nakahawak sa kanya yung babaeng bagong dating. Ayoko muna sa pairalin ang emosyon ko pero ang sakit ng nararamdaman ko. Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko. Dahan dahan akong tumalikod at naglakad pasunod kay Jairus.

"Ano? Mas mag-aalala ka pa kay Jairus kesa saken?" narinig k okay Oah dahilan para mapatigil ako sa paglalakad.

"Bakit Oah? May narinig ka bas akin nung mas nag-alala ka sa kasama mo kesa saken?" patanong na sagot ko habang patuloy na nagdadaloy ang luha ko.

"Tara na Chrien... Tahan na... sa ibang araw niyo na pag-usapan..." biglang dating nila Alexis at Jovi. Wala na akong narinig pa mula kay Oah. Nagpatuloy na kami sa paglalakad papunta sa clinic.

.

.

.

.

.

"Mukhang kailangan ng mag-aalaga sayo pre" pang-aasar ni Jay kay Jairus habang naglalakad na kami palabas ng clinic. Nilagyan kasi ng benda ang kanang kamay ni Jairus dahil hindi daw maganda ang pagkakabagsak ng kamay niya.

"Yakang yaka ko to pre. Ako pa!" pagyayabang naman niya.

"Ako na bahalang maghatid kay Jairus. Paghingi ko na rin ng sorry sa nagawa ni Oah" nakangiting sabi ko.

"Huwag na Yen. Hindi rin naman sinasadya ni Noah iyong nangyari. Saka kay-"

"Iyon naman pala eh! Si Chrien na bahala sayo pre. Ako na bahalang mag-uwe ng motor mo. Saka kailangan maayos na maipaliwanag kay Kuya Em ang nangyari baka mamaya ako pa pagalitan nun" –Jay.

"Pero ba- ARAAY!"

"Puro ka dada! Gusto mo rin naman! Osya Chrien ikaw na bahalang humilot hilot dyan. Baka tuluyang lumambot yan" kasunod ay ang pagturo ni Jovi sa kamay ni Jairus.

"Oo! Akong bahala dito"

Nagsimula na kaming maglakad ni Jairus papunta sa sakayan. Inaalalayan ko siya dahil halata ko sa kanya ang sakit na nararamdamn niya sa kanang kamay niya.

"Yen pwede ka ng umuwe pagdating sa bahay namin. Baka pagalitan ka sanyo kapag ginabi ka pa lalo"

"Ipinagtatabuyan mo ako?" seryoso kong tanong sa kanya.

"Hindi naman. Baka lang kasi pagalitan ka"

"Hindi naman pala eh. Tara na sa loob" sabi ko sa kanya nung tinuro na niya sakin ang bahay nila.

Ako na ang nagbukas ng pintuan at inalalayan ko si Jairus papasok sa loob. Nilibot ko nga ang paligid bago tuluyang pumasok baka kasi magtaka ang kasama nitong si Jairus kung ako ang unang makikita.

"Sinong kasama mo dito?" agad na tanong ko nung nakaayos na ng upo si Jairus.

"Si Kuya ko. Pero madalas nandito si Kuya Le-"

"Cheekbone nandito na si Jairus! Inuwe na daw niya mapapangasawa niya!!!!"

Hindi ko alam kung mahihiya, magugulat o magtataka ako dahil hindi ako pwedeng magkamali. Si Leonard Cruz. Si Leonard Cruz ang nasa harapan namin ni Jairus.

"Ang cute mo naman. Ikaw si Chrien no?" bati niya sakin. Tumango lang ako at halos hindi makapaniwala sa nakikita ko.

"May kamukha ka. Hindi ako pwedeng magkamali. Kamukha mo si De-"

"Anong sinasabi netong unggoy na to na inuw- anong nangyari sayo? Bakit may benda kamay mo?"

Ako na ang nagpaliwanag sa nangyari. Halata kasi na hindi maipapaliwanag ng maayos ni Jairus kasi ramdam ko na masakit pa rin yung braso niya.

"Leonardo hindi muna ako sasama sayo ngayon. Walang mag-aasikaso kay Jairus" narinig kong sabi ni Kuya Em.

"Ayyy! Hindi pwede yan cheekbone. Usapan na natin yun. Saka inaasahan ka nila Tito" –Kuya Leonard.

"Kaya ko naman. Hindi naman ako baldado eh" singit ni Jairus na halos nahihirapan sa pagsubo ng pagkain dahil kaliwa ang gamit niya.

"Teka. Diba naikwento mo na kapatid ka ni Den?" muling tanong sakin ni Kuya Leonard. Tumango lang ako sa tanong niya.

"Alam ko na!" reaksyon nya at mabilis dinampot ang cellphone niya.

"Paul!!! Favor naman. Pakisabi kay Den na dito sa bahay matutulog si Chrien. Wala kasing magbabantay kay Jairus" bungad niya. Nagtaka nga rin ako dahil magkakilala silang dalawa ni Kuya Paul.

"Kapatid ni Ashton" dugtong niya.

"Buti nalang magkasama kayo. Salamat!" huling narinig ko bago niya binaba ang cellphone niya.

"PROBLEM SOLVED! Pano yan cheekbone, may magbabantay na kay Jairus. Pumayag na si Den" masayang sigaw ni Kuya Leonard.

"Chrien ikaw na muna bahala kay Jairus ha. Hindi sanay sa kaliwa yan kaya siguradong kailangan ng tulong mo" sabi ni Kuya Leonard bago tuluyang tumakbo papunta kay Kuya Em.

"Kuya Leoooooooo! Lagot ka talaga saken!!!" sigaw din ni Jairus habang pulang pula ang magkabilang pisngi.




ECQ!!! Whaaaaaaa!

Votes.Comments.Pls :) 

Kaninong scene na kaya ang malapit pumasok???
Christian Allyson o Justin Gabriel?

😱😱😱😱

Ang Manliligaw Kong Bully Book VITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon