Imposible 'to Jai

223 14 8
                                    

Jairus Cael Point of View


"Hindi mo ba nahahalata Chrien - nagseselos ako!" 

Takte! Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang lakas ng loob ko para sabihin sa kanya iyan. Hindi ko na rin kasi matimpi eh. Ewan ko parang may dumadagok sa dibdib ko kapag nakikita kong may umaaligid kay Yenyen ko. Aminado naman ako na ako na ang may mali kaso syempre ang tagal kong inintay ang pagkakataon na ito. Ayaw ko ng bigyan pa ng pagkakataon na may makaagaw pa kay YenYen ko.

Bahagya siyang natigilan at tumitig sakin. Nginitian niya ako. Potek! Tangina men! Nang-aasar ba tong taong to!

"Ang cute mo kamo kapag nagseselos ka Jai!" kasunod nun ay ang pagtawa niya. Hindi ko siya sinagot. Nilingon ko sa kabilang bahagi ang mukha ko at sinimangutan ko siya. Alam na niyang nagseselos ako tapos aasarin niya pa ako.

"Sorry na. Hindi ko naman sinasadya eh" malambing at may pang-aakit niyang sabi saken. Tangina! Nananadya ba to? Parang alam niya kung paano pawalain ang inis ko.

"Akala ko nga ikaw yung kasama ko... sayang no?" dugtong niya sa pinakamalambing niyang boses. Tanginaaaaa baket bumibigay na agad ang nagmamatigas kong puso.

"Uyyy! Kausapin mo  na ako" muling sabi niya. Hindi ko pa rin siya kinakausap. Anong tingin niya sakin ganun ganun lang? Aba! Hindi pwede! Si Jairus Cael to! 

"Okay kung talagang ayaw mo na akong kausap... tawagan ko nalang si Harie-"

"Halika na nga. Inaantay na tayo ng tropa. Saka Panuorin natin ang team na makakalaban namin sa susunod na game namin pagkatapos nating bumili ng materials" malumanay kong putol sa dapat na sasabihin niya.

"Hindi ka na galit saken? Bati na tayo?" nakangiting tanong niya saken.

"Halika na nga.." -ako

"Ayy! Ayaw sagutin. Galit pa nga. Nagsosorry na nga e tapos ga-"

Hindi ko na siya pinatapos pa sa pagsasalita. Niyapos ko siya. Mahigpit.

"Ayoko ng mauulit iyon YenYen ha..." sabi ko sa kanya at tumango naman siya.

Matapos iyon ay mabilis na kaming sumunod sa SMRosario. Katulad nga ng sinabi ko kanina ay kanina pa kami inaantay nila Jovi. Nakasambakol na nga ang mukha ni Jovi nung sinalubong kami.

"Pagkaaarte ba naman! Tara na nga! Pati bituka ko nadadamay sa kaartehan niyo!" gigil na sabi ni Jovi at nagsimula na namin lakarin ang papuntang King Sisig. 

"Nga pala, birthday ni Kuya Ashton nextweek. Nabanggit niya na sab-"

"Oo! Pupunta kame! Alam ko naman na kahit tumanggi kami ay pipilitin mo pa rin kami! Kaya oo na!" putol ni Jovi dahilan para magtawanan kaming lahat. Kahit kailan talaga itong si Jovi.

Nilagyan ko ng extra sisig sa plato si Yenyen. Mukhang nagustuhan niya kasi ang lasa dahil mas naunang naubos ang sisig kaysa sa kanin niya.

"Hi! Kayo po si Chrien Ross?" nakangiting tanong nung isang lalake na halatang nag-aassist sa isang boutique dito sa mall. Tumango lang si Yenyen at halatang nagtataka. Napatigil nga siya sa pagnguya ng kanyang kinakain.

"Eto po. May nag-iwan sa cashier ng note na may kasamang pera. Umorder po siya ng sunflower at kasama po itong isang marshmallow cake. Nakalagay din po sa notes kung saan po kita makikita" mahabang paliwanag niya. Halata ang pagtataka sa mukha ni Yenyen.

"Baka po nagkakamali lang po kayo kuya. Baka po hindi ako ang tinutukoy diyan" takang sabi niya.

"Naku Chrien! Ke ikaw o hinde tanggapin mo na! Akina kuya" sabat ni Jovi at tumayo siya para abutin ang inaabot nuna lalake.

Bahagyang tumigil sa pagkain si Yenyen. Halatang napaisip.

"Teka!!!!!"

"Ayy putangina mo Alexis teka daw!! Huwag kang patay gutom!!" gulat na reaksyon ni Jovi nung marinig si Yenyen. Sabay sabay natuon ang atensyon kay Yenyen.

"Anong date ngayon?" -Yenyen.

"Pigilan mo ako Alexis! Kahit kaibigan natin 'to papatulan ko 'tong hayup na 'to! Pigilan mo ako!!!" gigil nanaman ni Jovi.

"30" malumanay na sagot ko.

Natuon naman ang atensyon ni Yenyen sa bulaklak na nasa table. Dahan dahan niya itong kinuha at inilabas ang maliit na card na nakadikit doon.

Nagkaideya na ako kung kanino galing iyon. Kay Noah. Sigurado ako. Napansin ko rin kasing nasa second floor si Noah kanina at nakatitig kay Yenyen habang naglalakad kami papasok dito sa King Sisig.

"Okay ka lang?" mahinang tanong ko sa kanya.

"Oo naman. Tara Jai. Una na tayo sa national bookstore" nakangiting sabi niya at hinila na niya ang kamay ko.

"Kanino galing?" tanong ko kahit alam ko nanaman ang sagot. Hindi sumagot si Yenyen. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad papasok sa dito sa national bookstore.

"Ako na..." sabi ko kasunod ng pagkuha ko sa basket na kinuha niya sa tabi ng guard.

"Eto Jai oh. Maganda ang kulay saka mura pa" sabi niya tukoy sa kartolinang hawak hawak niya. Napangiti nalang ako habang nakatingin sa kanya. Hindi ko kasi lubos maisip na magiging ganito ang sitwasyon namin. Dati kasi o nung mga bata pa kami ay hanggang tingin lang ako sa kanya.

"Ang ganda Jai oh! Bilin ko 'to tapos tag-isa tayo para magkatulad tayo ng pang highlights sa mga notes natin" sabi ulit niya.

"Saka ito Jai oh ang gan-" hindi natuloy ni Yenyen ang sasabihin niya nung mapadako ang ang mata niya sa taong nakatayo sa harapan namin na may hawak na libro.

"Yen... bakit?" takang tanong ko nung nabitawan niya ang hawak niyang colored pencil.

Nanatiling nakatingin si Yenyen sa taong binabasa ang likuran ng libro.

"Imposible 'to Jai..." nanginginig na reaksyon ni Yenyen at halatang takot na takot at takang taka sa nakikita niya.

"Yen, bakit? Anong nangyayari?" alalang tanong ko ulit sa kanya. Hindi kasi siya halos makagalaw sa kinatatayuan niya at kita kong pinagpapawisan siya kahit naka-aircon dito sa loob ng mall.

"Kuya Jerome...."


Author: Sorrrrrryyyyyy late na sobra ang update. Promise mag-update ulit ako mamaya or midnight. Thank youuuu :)


Bubei Yebeb


Ang Manliligaw Kong Bully Book VITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon